5

26 3 0
                                    


"Paano ka mangangarap kung simula palang ay binuwag na agad ito?"

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Miracle. Magkahalong pagkagulat at pagka-inis ang naramdaman ko. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan iyon at naiinis ako dahil pakiramdam ko naaawa lamang siya dahil puro itim na boligrapo ang natatanggap ko.

Ngumiti na naman siya sa akin habang inaabot sa akin ang boligrapo. Kinuha ko na lamang ito para lang matapos na siya. Batid ko na pinag-uusapan na kami ng mga kaklase. Sobrang naiinis ako kaya hindi ko na mapakinggan ang sinasabi ng mga sumunod na kaklase ko.

"Parang Biyernes-santo naman ang mukha mo." Natatawang bulong ni Miracle sa akin.

Nilingon ko siya. Nakakunot parin ang noo ko. Pakiramdam ko pinagti-tripan niya ako.

"Di ako natutuwa sa trip mo. Tigilan mo ang kalokohan mo Miracle. Tigilan mo ako." Inis na sabi ko sakanya.

"Luh? 'Di ba ang sabi mo sa akin kagabi, gusto mo pang makarinig ng mga salita galing sa akin?" sagot niya.

"Pero di ko sinabing pagtripan mo ako. Imposibleng hinahangaan mo na agad ako. Kakakilala mo pa lang sakin. Alam kong naaawa ka lang dahil puro itim ang natatanggap ko at hindi ko kailangan ng awa mo." Napipikon nang sagot ko.

"Bakit ako maaawa sayo. Buti ka nga may natanggap. Ako, wala." Sabi niya sabay tawa ng marahan.

Di na ako umimik. Naiinis lang ako lalo sa mga pinagsasabi niya. Mukhang mali ako, di parin ata talaga ako magkakaroon ng kaibigan.

"Siguro... alam mo namang may iba't ibang klase ng paghanga. Hindi ba?" seyosong sabi niya. Di na ako lumingon. Sandali akong napaisip sa sinabi niya.

"Hindi kita hinahangaan katulad ng paghanga ni Julie kay Shaun. O ng iba pa nating mga kaklase sa mga natitipuhan nila. Hinahangaan kita dahil sa takbo ng iyong utak. Dahil kahit di pa ako nakakakita ng mga akda mo, alam ko na mahusay ka. Hinangaan kita noong sumagot ka kay Bb. Villavicensio kahapon. At mali ka kung iniisip mo na kinakaawaan kita. Hindi pa ganon kalalim ang kinasasadlakan mo para kaawaan. Iniidolo kita. Iyan ang ibig kong sabihin noong sinabi ko na hinahangaan kita." Mahabang paliwanag niya saka tumahimik na rin tulad ko.

Nakaramdam ako ng hiya. Hindi na rin ako makatingin sa kanya. Masyado kong minasama ang ginawa niya pero di ko parin masisisi ang sarili ko dahil pagkatapos ng nangyari sa akin at sa aking pamilya hirap na akong magtiwala pa.

Natapos na magsalita lahat ng kaklase ko kaya muli nang nagsalita ang propesor namin.

"Salamat sa kooperasyon klase. Natutuwa ako dahil walang hindi nakapagsalita sa harap. Ginawa ko ang activity na iyon. Hindi para ipamukha sa lahat kung sino ang pinakamaraming kaibigan, pinaka-kahanga-hanga, at pinakakinamumuhian ng lahat. Ginawa ko iyon nang sa gayon ay mapaisip kayo. Bakit kaya ito ang mga natanggap ko? Hindi niyo kailangan ikumpara ang sarili sa iba. Dahil kayo lang mismo ang makakasagot sa tanong na iyon."

Pagkatapos sabihin iyon ng propesor namin, nagtalakay na siya ng aming lesson. Nang matapos ang klase, nagsilabasan na agad ang mga kaklase ko. Aalis na sana ako nang maalala ang asal ko kanina kay Miracle. Nilingon ko siya, nagaayos siya ng gamit niya. Nang matapos siya, nag-angat siya ng tingin sa akin.

Gusto kong humingi ng tawad pero di ko alam kung paano. Hindi ako sanay na sabihin ang mga salitang iyon. Hindi ako sanay magpakumbaba.

Huminga ako ng malalim para sana humingi nang tawad nang bigla siyang nagsalita.

Pahimakas.Where stories live. Discover now