15

14 1 0
                                    

"Sa kahit anong sitwasyon, pipiliin kong ingatan ang ngiti na mayroon ka."
------------------------------------------------------------------------

"Kuya are you okay?" bungad ni Jamey noong nakita niya ako isang umaga sa bakuran namin. Pinanonood ko si Coffee maglaro at 'di ko na napapansin kung nakasimangot ba ako.

Inayos ko ang strap ng bag niya saka pinaupo sa tabi ko.

"Oo naman. Bakit mo naman natanong?"maang-maangang tanong ko.

"This past few days, you look sad kuya. You are always alone. I dont want to see you like that, nagiging sad din po ako." naluluhang sagot niya.

"Jamey, Kuya is not sad. There are just times na mas gugustuhin mo mag-isa. Not because you are lonely. But because you need to process the things that is happening in your life. It's my way to accept something that hurts me a bit." Nakatitig siya sakin na para bang naiintindihan niya talaga ang sinasabi ko, natawa naman ako sa itsura niya. "I don't even know why I said that. Anyway, let me just take you to your sch-"

"Kuya." sabi niya saka yumakap sakin. "Im sorry..." saka bumuhos ang luha niya.

"Why are you sorry, baby?" tanong ko habang sinusubukang patahanin siya.

"Im sorry for not understanding what you are saying yet. Promise, I'll do my best to grow up faster. Para di ka na alone kuya. I will be with you always." sagot niya kahit puno na ng luha ang mukha niya. 

"You don't need to. I want to be with you as you grow up, slowly. No need to rush. Okay? Besides, kahit na bata ka pa I know na you always care for kuya. Right?" tumango naman siya. 

"Basta promise me na magiging okay ka din soon ha?" umaasang tanong niya.

"Of course." I'll do my best, Jamey.

Ihahatid ko dapat siya sa eskwela ngunit nagpresinta na si ate na siya na ang magdadaan kay Jamey kaya nanatili na lang ako sa bahay. 

Maya-maya pa ay pumasok na ako sa eskwela. 

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong spoken poetry contest. Bagamat hindi ang inensayo kong pyesa ang akin pinresenta noong araw na iyon ay sinwerte parin ako at nanalo ng ikatlong karangalan. Ngunit kahit kaunti, wala akong naramdamang saya.

 Mula noon, di na kami muli nag-usap ni Miracle. Hindi ko sigurado kung iniiwasan namin ang isa't isa o sadyang nasanay na lang kami na itratong parang hangin lamang ang bawat isa. Bumalik kami sa kung paano kami noon. May kanya-kanyang buhay. May sariling mundo. 

Madalas ko silang nakikitang magkasama ni Shaun, sa tingin ko ay nagkaayos na sila. Hindi ko sigurado kung ano na ang estado ng relasyon nilang dalwa pero totoong masaya ako para kay Miracle. Malungkot. Oo. Madalas ko hilingin na sana pwedeng ako pero unti-unti alam kong mapapaintindi ko rin sa sarili ko na minsan hindi naman kailangan masuklian ng 'mahal rin kita' ang bawat 'mahal kita' natin. 

Nang natapos ang unang klase namin, napansin ko na parehong wala sa klase sina Miracle at Shaun. Nakaramdam ako ng inis hindi dahil nagseselos ako sa kanila. Naiinis ako dahil hindi dapat hinahayaan ni  Shaun na mapabayaan ni Miracle ang pagaaral niya. Marami namang oras pagkatapos ng klase kung gusto nila makasama ang isa't isa.

Nakasimangot kong nilagay ang mga gamit ko sa bag ko saka nagtungo na sa canteen para kumain. Tinapay lamang ang binili ko dahil wala akong gana. Masyado rin kasing maraming tao at ramdam kong karamihan sila ay pinag-uusapan na naman ako.

"Madalas ka na naman mag-isa." bungad ni Zedd saka umupo sa bakanteng silya sa tabi ko.

"Hindi naman big deal sa akin 'yon." sagot ko.

"Bakit kasi hinayaan mo?"

Nanahimik na lamang ako dahil wala akong panahon makipag-asaran sa pinsan kong ito.

"Alam mo. Bata palang tayo ganyan ka na. You always put other people first before yourself. do you think you will be happy that way?" 

"Zedd. I don't care whether I am happy or not.  I just want to see the people who are precious to me smile. As much as I want to be with her if letting her go will make her happy then who am I to take her happiness from her?" sinukbit namuli ni Zedd ang dala niyang bag akala ko ay aalis na siya ngunit tinitigan niya lamang ako saka siya nagsalita.

"Sigurado ka bang masaya siya sa ginawa mo? Pinakinggan mo ba siya? Iniwasan mo ba siya dahil gusto mo siya maging masaya o natatakot ka lang sa maririnig mo galing sakanya? Look, I don't really know your story but one things for sure. The way I see her, she is not as happy as you think. i thought you were a good observer." umalis na siya pagtapos magsalita.

Hindi ko alam ang ibig sabihin ni Zedd. Sigurado akong masaya ngayon si Miracle at wala akong pinagsisisihan sa desisyon ko. 

Tumunog ang telepono ko, katangahan man pero umasa ako na galing kay Mira ang tawag na iyon. Nakita kong numero sa eskwelahan ni Jamey iyon kaya agad ko itong sinagot.

"Good afternoon po. This is Jamey's adviser, Ms. Ayanna. Is this her guardian?"bungad niya.

"Ah yes po. Kuya niya po ako. Bakit po kayo napatawag?" hindi ko alam kung bakit pero may kaba akong nararamdaman.

"Ilang beses na po kasi akong tumawag sa parents niyo and di sila sumasagot. Buti na lamang at nasa ID po ni Jamey ang number ninyo. Kung pwede po ay pumunta kayo dito sa hospital malapit sa school." 

"Ano hong nangyari sa kapatid ko?" di ko na napigilang malakasan ang boses ko.

"Kanina po kasing breaktime, nakalabas siya ng sch-"

"ano hong nangyari sakanya?" naiinip at nag-aalala kong tanong.

"She was hit by a car and she is in critical condition right now." tila nanlamig ang katawan ko at nawalan ng balanse. 

Kumapit ako sa mesa saka nagsalita "Pupunta na po ako." 

"Please be quick. Your sister needs you." sagot ng guro saka ibinaba ang tawag.

Nagmadali akong umalis at pumunta sa eskwelahan nila. Hindi na ko nakakapagisip ng maayos dahil sa takot, kaba, at pag-aalala. Hindi pwedeng may mangyaring masama kay Jamey. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tinawagan ko ng tinawagan sila mama pero di sila sumasagot.

Bakit kahit sa gantong sitwasyon wala sila. Bakit kahit na napahamak  na si Jamey wala parin sila?

Halos mapaluhod ako nang makita ang sitwasyon ni Jamey. Maraming aparato ang nakakabit sa kanya. Hindi ako makalapit ngunit nakikita ko ang dami ng galos sa katawan niya. Tuloy tuloy na umaagos ang luha ko dahil di ko kayang makitang ganoon si Jamey. 

Di ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Bakit sa tuwing kailangan ako ng mga taong mahal ko ay wala ako. Bakit wala ako para protektahan sila? Bakit wala ako para saluhin ang sakit na nararamdaman nila?

------

;

Pahimakas.Where stories live. Discover now