4

44 6 0
                                    


"May mga pagkakataon na hindi natin masabi ang tawag sa nararamdaman natin pero alam natin sa sarili natin kung ano iyon."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Noong sumunod na araw, maaga na naman ako nagising. Pero ngayon, excited akong tumungo sa eskuwelahan. Nakangiti ako pagmulat pa lamang ng aking mata. Tila ba inaasahan ko na magiging iba ang araw na ito.

Bumaba na ako para mag-almusal muna. Malapit na kasi ang kaarawan ni mama kaya naisipan ko na mag-ipon para may iregalo sa kanya. At mas makakaipon ako kung dito na lamang ako sa bahay kakain tuwing umaga.

"Oh! Good mood ka ata ngayon Tim?" salubong sa akin ni ate Stacey.

"Maayos lang tulog ko ate." Sabi ko saka humalik sa pisngi niya.

"Hmm. Okay." Sabi niya saka bumalik sa kusina para kuhain na ang iba pa niyang niluto.

"Umalis na ba si papa?" umaasang tanong ko pagkabalik niya sa hapag.

"Nasa kwarto pa siya nagbibihis. Si mama naman inaasikaso si Jamey. May event ata sa school." Sagot niya.

Nawalan na ako ng gana dahil alam ko na makakasabay ko na naman si papa. Pero di ko na lang inisip iyon. Bagkus nagpatuloy ako sa pagkain.

"Kuya Tim kooooooo!" sigaw ni Jamey habang tumatakbo papunta sa akin.

Hinarap ko siya saka binuhat para makaupo na rin siya.

"Good morning, baby." Malambing na sabi ko sa bunso kong kapatid.

"You're going to school na rin kuya? Mamaya I will be a fairy sa musical play namin. Excited na koooo." Masiglang pagkukwento niya.

"Oo. Papasok rin si kuya. Pero ivi-video naman ni mama yung presentation mo kaya mapapanood ko parin. Galingan mo, okay?" sabi ko sakanya saka nilagyan ng bacon ang pinggan niya. Nilagyan ko na rin ng Strawberry Jam yung tinapay niya. Adik kasi to sa strawberry. Kahit bacon sinasawsaw sa strawberry.

"Good morning, Pa." bati ni ate kay papa.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Pero di na ko nag-abalang batiin siya. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain ko.

"Stacey, kumusta yung kaso na hawak mo? Di naman ba nakaka-apekto sa mga nauna mong kaso?" tanong ni papa.

Dumating na rin si mama at umupo sa tabi ni papa.

"Good morning, ma." Sabi ko saka ngumiti sakanya. Ngumiti rin siya sa akin at nagsimula nang kumain. Mugto na naman mata niya. Lagi na lang.

"Di naman pa. Naha-handle ko naman po ng maayos." Medyo kabadong sagot ni ate.

"Sabi ko naman kasi sayo, wag tanggap ng tanggap. Tumanggi ka rin minsan. Buti kung malaki ang naibabayad nila sayo. Nagpapakahirap ka para sa wala." Dirediretsong sabi ni papa.

"Gusto ko po kasi silang tulungan. Hindi lahat kayang magbayad ng mahusay na abogado. Madalas binibigyan sila ng libre pero pinapatalo lamang ang kaso nila. Nakukulong ang mga inosente tapos malayang nakakapamerwisyo ang masasamang tao." Pagpapaliwanag ni ate.

"Hindi ka mabubuhay ng puso mo Stacey." Sagot ni papa.

"Gaya mo kasi sayo, walang puso." Bulong ko.

Narinig ni ate iyon kaya sinipa niya ng bahagya yung paa ko sa ilalim ng mesa.

"Ikaw Timothy? Nag-aaral ka pa ba?" baling sakin ni papa.

Pahimakas.Where stories live. Discover now