18

3 0 0
                                    

Kahit gaano pa kasakit, kaya ko itong gawin ng paulit ulit masilayan lamang muli, ang ngiti sayong mga labi.

------------------------------------------------------------------------

Gabi na nang makarating ako sa bahay. Inilapag ko lang sa sala ang gamit ko at umalis na agad ako. 

Nakasalubong ko paglabas si ate Stacey pero dahil sa pagmamadali ko ay nagdire diretso na lamang ako.

Agad akong dumiretso sa karinderya nila aling Ising upang malaman kung anong nangyayari.

"Ilang araw na namin siyang hindi nakikita. Akala namin noong una, sadyang gusto lamang muli niya magkulong sa kanyang bahay." panimula ni aling Ising. "Ngunit kanina lamang ay pinapunta ko si Tessa sa bahay nila at wala siya doon. Tinanong rin namin ang tiyuhin niya ngunit galit ito sapagkat ilang araw na raw hindi umuuwi si Miracle. Maski si Shaun ay wala ring ideya kung nasaan ito. Nag-aalala na rin ako sa batang iyon. Hindi ko na alam saan siya hahanapin." naluluhang sabi nito.

Nagpaalam na ako sakanya at agad na hinanap si Mira. Pinuntahan ko lahat ng posibleng puntahan niya ngunit wala akong matagpuan. 

Mag-aalas singko na ng umaga ng magkasalubong kami ni Shaun. Hindi ko alam kung bakit pero dumapo ang kamao ko sakanya.

"Nasaan si Mira!" sigaw ko.

Alam kong mali ngunit wala akong ibang maisip kundi sisihin siya. Kapag may masamang nangyari kay Miracle, hindi ko alam kung anong magagawa ko sakanya.

"Hindi ko rin alam, Timothy. Biglaan na lang lahat. Biglang hindi na siya nagparamdam. Biglang wala na kaming komunikasyon. Biglang di na siya nagpakita muli." bagamat kalmado ay naguguluhang tugon niya.

"Sorry." sambit ko nang naging kalmado na ako.

Bagamat di ko naiintindihan ang nangyayari, alam kong maling saktan ko na lamang siya bigla.

"Balak ko maghanap ulit mamayang umaga. Gusto mo bang sumama?" tanong niya sa akin.

"Sige. Uuwi lang muna ako para magbihis tapos magkita ulit tayo dito." sagot ko.

Pagkadating ko sa bahay nakaupo sa mesa si ate Stacey, nagkakape tulad ng nakaugalian niya.

"Napaaga ata balik mo? Ang sabi sakin ni mama tatapusin mo daw doon sem na to?" nagulat ako sa biglaang pagtatanong niya sa akin.

Pagkatapos ng nangyari sa ospital, ngayon lamang ulit kami nakapag  usap ni ate.

"Nawawala si Mira, ate." sagot ko habang pinipigilang umiyak. 

Nag-aalala ako kay Mira. Ayaw kong may mangyaring masama sakanya.

"Ilang araw na?" nag-aalalang tanong nito.

"Sabi nila halos isang linggo na. Hinanap ko siya kahit saan pero di ko siya makita ate." 

"Have you already contacted the police?" aniya.

"Yes. Still have no leads." tipid na sagot ko.

"Are you okay?" bakas sa tono ng pananalita ni ate ang pag-aalala niya.

"No ate. I'm scared. I'm so scared that I will fail to protect someone important to me again." sagot ko.

Lumapit si ate at tumabi sa akin.

"You never failed, Tim."

Inangat ko ang tingin ko sakanya at nakita kong nakangiti si ate habang lumuluha.

"Sorry sa mga nasabi ko sa hospital. I'm just so shocked and scared at that time. I was not supposed to tell you those. I know you are hurt too! I should have said this to you earlier but thank you for trying to protect us! Thank you for keeping all the pain by yourself. You don't have to do it all alone anymore. We will be here for you, okay? " dirediretso niyang sabi.

"Thank you ate." sinserong sagot ko.

"I'll see what I can do to help you find Miracle okay? Besides I have to thank her personally too."

"Thank her for what?" nagtatakang tanong ko.

"She's the reason why mom agreed to file annulment and abuse case against dad." sagot niya.

"Ha? Pano? Kelan?" 

"After you fled to El Constancia, pumunta siya dito. At that time mom was still a mess. She doesn't eat that much. She was so scared that our family will be completely broken. I don't exactly know what they talked about. But after that mom approached me saying that she is now ready to file cases against dad. She also became like her old self again. Of course slowly. When I asked her what did they talked about, ang sagot lang niya is that Miracle has suffered far more than what mom has experienced and that she was amazed by how brave Miracle is." pagkukwento ni ate.

Pagkatapos namin mag-usap ni ate, nagbihis na ako at kumain na muna kasabay nila.

Like what she has said, mom was really back to her old self now. Back when she doesn't know that dad was cheating on her. Ang pinagkaiba lang, she knows the whole truth and she was free now.

"Kuyaaaaa!" sigwa ni Jamey habang papalapit sa akin.

"Baby! Kuya missed you so much!" sabi ko saka siya kinarga.

"Me too kuya. Can we play?" paglalambing niya.

"I'll just have to do some stuff then we will, okay?" 

"Okay kuya. I will wait." sagot niya.

Kumain na kami at bahagyang napagusapan si Miracle. I really wish she's fine wherever she is right now..

Bagamat nag-aalala ako ng lubos kay Miracle, di ko parin maiwasan mapangiti lalo na't nakikita kong masaya ang tatlo sa pinakamahahalagang babae sa buhay ko.

This time, I will never let them get hurt again.

Alas onse ng tanghali nang makarating ako sa usapan namin ni Shaun. Naroon narin siya kaya humingi ako ng paumanhin sa pagka-late ko.

"Wala yon. Let's just look for her." sagot niya.

Habang nasa biyahe kami, di ko maiwasang maitanong sa kanya kung ano ang nangyari. Umaasa ako na makakakuha ng ideya kung nasaan si Miracle ngayon.

"Nag-away ba kayo ni Mira?" tanong ko kay Shaun.

"Nope. We're good. That's why I'm really confused right now." sagot niya.

"Sigurado ka bang hindi mo siya nasaktan o wala kang nagawa na ikasasama ng loob niya?" paguusisa ko.

"Wala talaga. We even ate dinner then  after that, she never contacted me again. Her phone was off. Nobody knows where she is." 

Pagkatapos sagutin ni Shaun iyon, bumaba na kami sa sasakyan para tuloy na maghanap.

Lahat ng posibleng puntahan ni Miracle na alam ni Shaun ay tinungo namin. Lahat ng pinupuntahan niya kapag mag isa siya. Mga kainan na paborito niya. Lahat ng mga kakilala, kaibigan at kababata niya. Pero kahit isa sa kanila ay hindi alam kung nasaan siya.

Magtatakip silim na ng nagpahinga kami ni Shaun. Naisipan naming kumain muna bago magpatuloy sa paghahanap.

"Mahal mo siya." sambit ni Shaun.

"Sobra." sagot ko.

"Bakit mo siya iniwasan kung ganon?" tanong niya.

"Kung sayo siya magiging masaya, palalayain ko siya kahit ilang ulit pa." napakunot ang noo ni Shaun. 

May sasabihin dapat siya ngunit naputol nang mag-ring ang aking telepono.

"Aling Ising?" bungad ko.

"Tim anak, nakauwi na si Miracle." humihikbing sambit nito.

----

;


Pahimakas.Where stories live. Discover now