10

8 4 0
                                    

Nagwa-warm up na kaming Section Saturn dahil Volleyball ang p.e namin ngayon.

Hindi naman sa mayabang pero, astig ako maglaro ng volleyball.

Matapos naming magwarm up, nagpaginga muna kami ng 10 minutes. Dali-dali kaming nagtungo sa girls restroom. Kinuha namin ang p.e uniform namin sa kaniya-kaniyang locker. Nagpalit na kaming lahat at sabay-sabay na nagsipalit sa loob ng cr.

Mabuti nga at ganito, hindi ko kasama si Lhespher. Bumabalik ang dating gaan sa loob ko kapag hindi ko siya kasama. Mas magaan ang loob ko kapag wala siya sa tabi o hindi kaya ay ang presensiya niya.

Wala siyang magawa kundi ang sumunod sa teacher. Kanina ay panay parin ang dikit niya sa akin pero ngayon, parang nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na siya kasama.

Sa totoo lang, ayaw ko naman siyang kasama eh. Si Dad lang talaga ang papansin. Kaya siguro naisip ni Lhespher na ituloy ang naudlot na deal.

Tss. Tanginang deal 'yan. Hindi ko nga alam kung meron ba siyang copy o wala eh. Nasira ko na ang cellphone niya pero hindi parin ako sure kung marami ba siyang kopya. Kaya ako nakikisama na lang sa kaniya, mahirap na, may kopya man o wala, walang kaide-ideya. Baka mamaya meron pala.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah," biglang sumulpot si Jaybe sa gilid ko at inakbayan.

"Sana all nga, may isip." Walang ganang sagot ko.

"Tss, hindi kana talaga nakakausap ng maayos simula nung naging gwardya mo na yung Loko na 'yun."

"Yun nga eh! Nakakainis siya! Ayaw kong may kasama sa bahay pero hindi ko alam baka kinumbinsi ng Loko nayun ang Dad ko." Sabi ko.

"Ayaw mo nun? Baka magka-develop'an kayo."

"Ha. Marunong ako umiwas sa mga ganyan--"

"Bakit? Nagka in a relationship kana ba in the past?" She cut me off.

Nagiwas ako ng tingin habang kami ay naglalakad pabalik sa gym. "H-Hindi--"

"Guilty. Ang galing mo magsalita pero hindi kapa naman pala nagkaka-bunjong."

Taka ko siyang tiningnan. "Bunjong? Ano 'yun?"

"Syota. Tss,"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit? Ikaw, nagka bunjong kana rin ba?"

"Hindi pa. Pero marami akong manliligaw, pasalamat ka hindi sumali si Lhespher sa listahan ko." Nakangising sabi niya.

"Bakit kung kasali siya?"

"Edi nasa listahan ko na siya na mga hindi pinili."

Umirap ako sa kaniya. "Tss, sige, yabang pa." Nauna na akong pumasok sa gym.

Nandito na lahat ang buong Student ng Section Saturn. Mabilis akong lumapit sa ka-grupo ko. Sina Bea. Habang si Jaybe naman ay kalaban namin.

Napangisi ako ng magtama ang mata namin ni Jaybe. Binigyan ko siya ng maangas ako sa talo na kayo look. She gave me a cold stares and show her middle finger. She mouthed fuck you at me.

Hindi lang naman ako ang magaling sa Volleyball ball eh. Halos lahat naman kaming mga Animal pero yung mga iba kase, iba ang hilig.

"Okay, ready, get set, go!"

Pagkasigaw ng Teacher namin ay nasimula ng magserve ang grupo nila Jaybe. Hindi pa nakakawala ang bola sa amin kaya patuloy parin itong pinagpapasahan ng aming pangkat.

Nang medyo mataas na ang bola sa tira ng aming pangkat ay mataas akong tumalon at nagspike ng malakas hindi nila naiblock ang tira ko. Haha, si Jaybe ang nagblock sa akin pero waepek.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Where stories live. Discover now