12

7 3 0
                                    

"Dad, punta lang ako kila Dein." Paalam ko at kinuha ang susi ng kotse ko.

"Kila Baganella?" I nodded. "Wait," may kinuha siyang isang mamahalin na box sa maleta niya at may inilagay na sulat doon. "Here, pakibigay kay Mr. Baganella. Huwag mong babasahin 'yang sulat. May pagkachismosa kapa naman. Sige, ingat."

O_O

Wow ha.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at mabilis na pinatakbo patungong bahay nila Dein.

Bago ako bumaba ay binasa ko ang sulat na pinapabigay ni Daddy kay Mr. Baganella. Sinabi na niyang chismosa daw ako eh. Edi totohanin na natin.

Mr. Baganella, I want you to be one of my business partner in Calun Beach. I know, you are the most powerful businessman in the world. Call me if you accept my offer. Thank you!

Si Daddy talaga parang manliligaw. May email naman eh.

Tinawagan ko na siya at sinabing nandito ako sa labas ng bahay nila. Agad naman siyang lumabas at binuksan ang gate pero nakatayo lang siya.

Naka-short at jeans lang siya na puno ng pinta at nakahawak ng libro.

"Ano?" Tanong niya sa walang ganang boses.

"Hindi mo ba ako papapasukin? Bisita kasi ako." Sana naman gets niya. "At gusto ko ding makita itong mala palasyo niyong bahay na kulay na mukhang isang barangay na ang nakatira."

"Nakikita mona nga." Turo niya sa kabuuan ng bahay nila.

Naging blangko ang mukha ko sa tinuran niya. "Sa loob pwede? Bisita ako."

"May bisita palang pumipilit na makapasok sa palasyo naming bahay. Wala silang lahat dito kaya, magisa lang ako. Batas ko naman ang masusunod." She crossed her arms. "Ano bang sadya mo? May tatapusin pa kasi akong babasahin." Inangat niya ang librong hawak niya.

Kinunotan ko siya ng nuo. "Ano ba kasi 'yan?" Nginuso ko ang hawak niya.

"Starry night. Ano ba talaga?"

"Wala. Nawalan na ako ng gana. By the way, here, pakibigay kay Tito. Pinapamigay ni Daddy." Abot ko sa kanya nung letter at box ng relo.

Tinanggap niya naman 'yun at muli akong tiningnan. "Meron na siya?" Tanong niya.

Tumango ako. "You know, about business thing."

"Alam ko." Mapakla siyang natawa.

Aksidenteng nahagip ng paningin ko ang nakaparadang bagong-bago na motor at sport's car na nakaparada sa isang malawak na gilid ng bahay nila.

"Wow! Bago 'yung mga 'yun ah!" Manghang sabi ko habang nakatingin parin sa gilid.

"Yeah." Pasinghal na aniya. "Hayaan mo, bibilhan kita ng scooter."

Matutuwa na sana ako ng marinig ko ang.. "tss, scooter? Salamat na lang." Naglakad na ako patungong kotse. "Salamat ha, na-appreciate ko ang welcome mo." Sarcastic na sabi ko sa kaniya. At kinaway ang daliri kong gitna. "Bye!"

Ginawa niya din ang ginawa ko. She showed me her middle finger as goodbye. "Bye, Cat."

"Hey! You're here again!" Bati na naman sa akin ng lalaking two days ago ko pa lang nakita dito sa fishball'an.

Naka Dark Green ang t-shirt niya at nasa taslan short siya. Wala na siyang kasamang aso.

"Tss."

Umupo na ako agad sa tabi niya at nilamon agad ang tatlong fishball. Hindi nilingon ang katabi ko. I'm busy kumain ngayon.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon