11

10 3 0
                                    

Isang buwan ko ng iniiwasan si Lhespher. Kung magkakausap man kami, hindi aabot ng limang minuto. 

Hanggang ngayon, hindi ko pa naiisip kung ano ngaba ang pwede kong maging desisyon para sa nararamdaman ko.

Itutuloy ko ba o pipigilan ko.

Hanggang ngayon, kapag nagtatagpo ang aming paningin, nandoon parin ang nararamdaman kong hindi ko maintindihan. Tumitibok ng mabilis ang puso ko kapag siya na nahahagip ng paningin ko.

Aaminin ko, na-miss ko siya sa loob ng isang buwan na hindi na kami madalas magkasama. Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil bigla-bigla nalang nagdidisisyon ng kusa.

Halos humingi na ako ng consideration kay Daddy para paalisin lang si Lhespher sa bahay dahil hindi ko na kayang maitago ang nararamdaman ko sa kaniya.

F L A S H B A C K . . . .

"Dad, please.. gusto ko ng mapagisa!"

[Delikado anak--]

"Mas delikado kapag nakasama ko pa siya ng matagal dito sa bahay! Please.. ayaw kong mahulog ang loob ko sa kaniya!" Halos pasigaw nang sabi ko sa kabilang linya.

I heard he sighed. [Sorry, Lhara. Diko naisip yan agad. Yung kaligtasan mo lang nasa isip ko.. gawin mona ang gusto mong gawin..]

"Thanks Dad.."

E N D O F F L A S H B A C K . . . .

"Oy, Lhara! Libre nemern jern!" Nakiupo sa table ko sina Reah at Chariza.

I smiled at them. "Sige, order na kayo."

Nagtawanan ang dalawa na nasa harap ko. Taka ko naman silang tiningnan. "Joke lang, mayaman kami no." Sabi ni Chariza.

"Umalis kayo sa harap ko. Masisipa ko kayo." I said seriously.

"Ito naman, napaka-serious. You making us takot." Kinunotan ko ng nuo si Reah.

"No. She's not making us takot. She makes us baliw." Sabat naman ni Chariza na ikinatawa ng dalawa na nasa harap ko.

I took a deep breath and glared at them. They stilled. "Oo, baliw kayo. Kaya pwedeng iwan niyo muna ako?"

"Fine."

Sabay silang naglakad papalayo sa akin habang kumekembot na um-order.

Wala ako sa mood ngayon kaya siguro mainit na ulo ko. Huminga ako ng malalim at hinilot ang sentido ko habang nakapikit.

Ang daming bagay na gusto kong isipin pero tinatamad akong magisip.

Paano ko ba itutuloy ang mga gagawin ko ngayon kung ganito ang mood ko?

Minulat ko ang mata ko at tumambad naman ang mukha ni Lisa. "Hi, you know--"

"Alis!"

Natigilan siya at bumaling sa likod. "Whaaaa!" Umiiyak siya kunwari. Na OA'yan ako masyado sa kaniya. "Lhespher, si Lhara, oh! Sinigawan ako!" Parang batang pumunta sa likod ni Lhespher at pinaharap sa akin.

Walang gana ko silang tiningnan sa harap ko at walang imik na umalis.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Basta naramdaman ko nalang na kapag nagkakalapit kami ni Lhespher, nagiging abnormal ang tibok ng puso ko. Tahimik lang ako pero napapansin ko na 'yun. Madalas na tumitibok ang puso ko sa kaniya habang tumatagal ang pagsasama namin sa loob ng bahay.

Ayaw kong mahulog sa kaniya. Natatakot ako.

"Hi, Lha-ra.."

Nilampasan ko lang si Kevin. Sorry, Kevin. Ngayon lang naman kita hindi papansinin e.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz