15

7 4 0
                                    

"Talaga, Sir--"

"Tumigil ka nga!" Pigil ko sa pagsasalita niya. Binalingan ko uli si Daddy. "Dad! Please, ayaw ko!"

"Get along together. Don't worry, anak. I have my trust to Lhespher." He pat my head and leave us alone.

Bumagsak ang mga balikat ko na tumingin kay Lhespher. Walang emosyon ko siyang tiningnan habang sayang-saya siya na pumayag na mismo ang Daddy ko na ligawan niya ako. Pero paano na ako? Ayaw kong tuluyan na mahulog sa kaniya.

Ayos lang naman siguro. Kaya ko namang pigilan ang nararamdaman ko sa kaniya. Tss, easy lang.

"Masaya ka na?" Walang emosyon kong tanong sa kaniya sabay krus ng aking kamay.

He smiled and.. hugged me!? "Mahal kita, Lhara." H-He kiss my forehead!

O_O

Napuno na ng dugo sa buong mukha ko ng halikan niya ang nuo ko! Parang may banda na sa puso ko habang tumatagal ang yakap niya sa akin. Nanlalaki parin ang aking mga mata hanggang sa paghiwalay kami sa pagkakayakap.

Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang saya sa kaniyang mga mata. Lumikod ako sa kaniya at hinila na siya palabas ng bahay namin. Maloloka ako sa pinaggagawa niya sa loob ng bahay namin. Wala siyang respect.

"Umalis ka na." Sabi ko nang hindi ko siya tinitingnan. Binuksan ko na ang gate para sa kaniya.

"See you tomorrow?"

"Sige."

"Where's my hug?"

Inis ko siyang nilingon. "Hug? Niyakap mo na ako kanina diba?"

"Ayaw mo? Tito--"

"Shh! Eto na!" Wala na akong magawa kundi ang yakapin siya.

Habang nakayakap ako sa kaniya, niyakap niya rin ako sa bewang. May nararamdaman akong napaka-sarap. Parang gumagaan ang pakiramdam ko kapag yakap ko siya. Parang nasa taas ako ng mga ulap at nakaka-relax sa pakiramdam.

Ayaw ko nang matapos ito. Sana ganito nalang kami. Pero, hindi pwede.

Naiisip ko parin ang ayaw kong mahulog sa kaniya. Natatakot akong magmahal, lalong-lalo na kapag sa kaniya. Pero bakit kumokontra ang puso ko at tinitibok niya ang pangalan ni Lhespher.

Ano ba talaga?!

Mabilis akong humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya at tinulak palabas ng gate at saka iyon isinara.

"Umuwi ka na."

"Wala pang five minutes 'yung yakap natin eh." Nakangusong sabi niya habang nakakamot sa batok niya.

"What!? Tss, umuwi ka na. Nakuha mona gusto mo. Ano nang magagawa ko? Si Daddy na ang pumayag. Wala akong magagawa kasi takot ako sa Daddy ko."

Hindi siya nakasagot ng ilang segundo.

"U-Uhm.. huwag kang mag-alala. Simula ngayon, isang Jaile Lhespher na ang liligaw sa'yo. Walang ibang lalaki, ako lang dapat. Huwag ka nang kumontra, dahil babagsak ka din sa akin."

Mataman ko siyang tiningnan habang magka-krus ang aking kamay. "Sa tingin mo, magpapabagsak ako sa'yo?"

"Hindi." Mabilis niyang sagot. "Kusa kang babagsak sa'kin, Jales."

Hindi na ako nakapagsalita. Bago pa siya sumakay sa kotse niya ay tumingin muna siya sa akin at kinindatan. Pinatakbo na niya ang kotse niya hanggang sa mawala na sa paningin ko.

"Tss, kindat pa more. Nagmu-mukha kang saltik."

Napabuga ako ng malalim na hangin. Ano na bang magaganap sa aming dalawa bukas? Hindi na ako siguro makakatulog nito.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon