22

8 2 0
                                    

Tama naman siya. Pareho na kaming may bukol ngayon. Ako, nasa harap, siya, nasa likod. Pareho kaming may bukol ngayon pero unfair yung pwesto! Dapat sa harap din sa kaniya!

"Here.." abot sa akin ni nurse ng balot na ice.

Nilingon ko si Lhespher na ngayon ay nakangiti na ang Loko. "Bumangon ka.." utos ko sa kaniya na agad din niyang sinunod.

Palihim akong nagiging masaya. Hindi naman ako marupok na kagaya ni Chariza pero mapag-patawad lang talaga ako. Accepted naman yung kay Lhespher dahil alam kong sobrang inis niya kay Joemar kanina kaya niya ako natulak. Ang masakit lang ay yung sugat ko na may kasamang baby bukol sa gilid ng noo ko.

Ididikit ko na sana ang yelo sa ulo niya nang bigla niyang inagaw sa akin ang ice na nakabalot sa isang makapal na tela.

"Ano ba-- ako na." Akma ko na namang kukunin ang hawak niya pero dinala niya sa likod niya kaya agad akong natumba sa ibabaw niya. Napa-kagat ako ng ibaba kong labi nang makaramdam ako ng inis. Magsasalita na sana ako nang pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko na nagdala sa akin ng pagkailang. "Alisin mo 'yang kamay mo." Tiningnan ko siya sa mukha ng seryoso.

Ngumiti siya bigla at hawak-hawak ang bewang kong pinalit niya ang pwesto naming dalawa. Ako na ngayon ang nakaupo sa clinic bed at siya na ang kaharap ko.

"Ano bang--" nahinto ako sa pagsasalita.

Tumibok na naman ang puso ko sa kilig nang idikit niya ang tela na may lamang yelo sa noo ko kung nasaan nagkabukol.

"Don't move. Mas kailangan mo 'to." Sabi niya habang nakatingin sa ginagawa niya sa noo ko. Ilang saglit lang ay nagtama ang aming paningin. Nag-init ang pisngi ko nang ngumiti siya at hinalikan ang dulo ng ilong ko.

"Ahh!" Bahagya kong nilayo ang katawan ko nang aksidente niyang napalalim ang pagkakatapal niya sa bukol ko.

"Sorry.."

Halos lahat nang buong mukha ko ay sobra nang pula nang hinipan niya ang noo ko at hinalikan yung bukol ko!

Mabilis kong pinitik ng malakas ang taenga niya at tumingin sa table ni Nurse pero mukhang busy siya na may binabasa sa isang libro.

"Aray! Nakakailan ka na ngayon ah!"

Muli akong napabaling sa kaniya. "Thank you 'yan." Sabi ko at inagaw sa kaniya ang yelo.

Ako naman ang tumapal sa ulo niya kung saan merong bukol. "Anong klaseng 'Thank you' 'yon? Ang sakit." Nakanguso niyang sabi pero hindi na ako nagsalita.

Inihilot ko ang yelo sa bukol niya para mabilis na mawala. Itinuro ito sa akin ni Mommy noong bata pa ako.

Noong bata lang ako.

"Tuloy ang dinner sa bahay." Maya-maya ay sabi niya.

"Kahit may bukol?"

He nodded. "Kahit may bukol." Natatawang sagot niya. "Susunduin kita mamaya. Pumayag naman na si Tito."

Umirap ako sa kawalan. Tss, syempre papayag 'yun. He trust you.

--

BAHAY

Kanina pa ako nagsusukat ng pwedeng damit sa dinner namin mamaya sa Mansion ng mga Corpuz. Wala naman akong alam na nababagay sa akin kundi ang T-shirt at pantalon lang.

Nasa kama ko ang mga dress ko na hindu ko pa nasusuot sa buong buhay ko. Kabibili lang ni Dad sa akin nung nakaraang linggo.

Napasabunot ako sa sarili kong bukot na napaupo sa gilid ng aking kama. Mababaliw na ako sa mga damit na pwede kong suotin! Never pa akong namoblema sa mga damit o susuotin ko sa isang gabi lang. Tangina.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora