20

10 3 0
                                    

Nakauwi na kami ni Daddy at tahimik kaming manonood ng TV na katabi ko lang siya sa mahabang sofa. Naiilang ako sa nangyari lang kanina. Ayaw kong maging tingin sa akin ni Daddy at isang malanding anak. Hindi naman ako malandi sa true lang.

Hinalikan ako tapos yung nanghalik pa sa'kin yung nagsabi sa kaniya? Tangina ni Lhespher po.

"Dad--"

"Mahal mo ba si Jaile?" Pinutol niya ang sasabihin ko. Hindi kami nakatingin sa isa't-isa at nananatiling nasa TV ang tingin naming dalawa.

Hindi ako nakasagot agad sa tanong niyang iyon. Parang nakakahiya. Ilang saglit lang ay tumikhim ako. "Diko po alam." Sagot ko.

Hindi ko alam. Siguro nga oo, mahal ko na siya. Pero meron sa parte ng puso ko na hindi pwede. Hindi muna ngayon dahil marami pa akong gustong gawin sa buhay. Ayaw ko na munang may sagabal sa buhay ko. Uunahin ko muna ang pangarap ko.

"Anak. Hindi kita pipigilan sa nararamdaman mo para sa kaniya. Yes, I have my trust on him but not now. Huwag muna ngayon. Sige, papayag akong makasama mo siya at makausap pero huwag sa puntong.. alam mo na. Kaisa-isa kitang anak at babae pa. I should protect you until you reach your goals in life. I'm here to support you no matter what."

Hindi ko na naitago ang emosyon na gumuguhit ngayon sa mukha ko. Nababasa na ng luha ang mata ko sa sinabi ni Daddy. Like-- just wow. I can't believe it.

Ngayon lang naging ganito si Daddy. Ngayon niya lang ako kinausap sa mahabang salita at seryosong tiningnan ako sa mukha. Hindi na ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

May humaplos sa puso ko na ikinagaan ng dibdib ko. Si Daddy ba 'to? Ang kilala king Daddy ay tatlong beses lang umuwi sa isang taon, pero ngayon halos isang buwan na siyang nandito. Dati ay maliit lang ang mga katagang lumalabas sa bunganga niya na mga salita kapag sa akin pero ngayon halos ang dami na.

"Don't worry, Dad. Hinding-hindi ko makakalimutan ang dream job ko. Para rin sa'yo yun Dad." Nginitian ko siya.

"What about Jaile?"

Nakagat ko ang pangibabang labi ko bago nagsalita. "Yung sinabi niya kaninang.. kapag siya ang nakatuluyan ko.. oo, magiging masaya ako." Tumingin ako sa ibang direksyon. Ganon narin siya.

"Then, you love him."

I shook my head. "Hindi rin, Dad. Ayokong may sagabal sa buhay ko pagdating sa pangarap ko at.. A-Ayaw ko ring masaktan."

"Parte yun ng pagmamahal, Marie. Kung mahal mo ang isang tao, dapat palagi kang handa para masaktan kapag may dumating sa buhay ninyong dalawa ang hindi inaasahan. Just like me and your mother. Nakahanda akong masaktan para sa kaniya. Nakahanda akong masaktan para sa minamahal niyang iba--"

"Stop it, Dad! Ayoko 'yang marinig. Sapat na sa aking iniwan niya tayong dalawa para sa iba niyang pamilya ngayon." Bumigat na naman ang dibdib ko nang maalala ko ang mga nangyari noon.

Hinding-hindi ko 'yun makakalimutan. Hanggang ngayon sariwa parin ang bigat sa dibdib ko ang pag-iwan sa amin ni Mommy para sa iba. Maka-sarili siya. Hindi niya inisip na masasaktan ng husto si Daddy sa ginawa niya. Mas pinili niya ang ikasasaya niya. Nakalimutan niyang may anak siyang iiwan para lang sumama sa lalaki niya. Galit ako sa kaniya!

"Huwag kang magalit sa Mommy mo. Kahit anong mangyari, Mommy mo parin siya--"

"Kahit anong mangyari, mas pinili niya ang lalaki niya keysa sayong asawa niya!" Pasigaw ko ng sabi.

He sighed. "Buo na ang desisyon naming dalawa na mag-annul na. Matagal na 'yun Lhara. Patawarin nona ang Mommy mo--"

"Patawarin? Eh simula nung iwan niya tayo, hindi manlang siya bumibisita sa akin. Wala siyang pake Dad. Ako 'yung nasasaktan para sa'yo!" Tinitigan ko siya kasabay ng pag-bagsak ng aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan pero ang luha ko ang nagwagi.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Where stories live. Discover now