29

11 2 0
                                    

Katatapos ng graduation namin at hindi na ako nag-abalang lingunin ang mga taong naging sanhi ng pagkadurog ko. At gagawin ko lahat, makalayo lang sa kanila.

"Dad, I'm want to go to Canada." Sabi ko kaagad kay Daddy na nagmamaneho na ngayon pauwi sa bahay namin.

"Right now? What about our celebration?" Nilingon niya ako saka binalik din agad sa daan ang tingin.

I sighed. "Pwede namang sa Canada na lang. I miss Lola." Tumingin ako sa labas ng bintana.

"What about Lhespher?"

I rolled my eyes. "Dad.. hindi na niya ako nililigawan. I know, you know, Dad. Business partner mo si Mr. Corpuz. I'm sure alam mo na."

"10 years."

Taka ko siyang nilingon. "What?"

"10 years."

Matagal ko siyang tinitigan. Ganon na ganon din ang sinabi niya sa akin. Magkapareho pa sila ng tono.

"10 years what?"

"Nothing. Maybe, your a successful someday 10 years before from now."

--

Nagising ako sa gitna ng flight namin ni Dad. Kasama nga pala namin si Lei papuntang Canada. Dun na muna ako magbabakasyon. Gusto ko nang tuluyan malimutan ang mga walang kwentang pangyayari sa senior high school life ko.

Binuksan ko ang bintana ng eroplano at tumingin sa baba. Lumiliwanag ang mga ilaw na parang mga alitaptap. Sinara ko rin ang bintana saka nilingon ang mga kasama kona ang lalakas kung humilik. Tumutulo pa laway ni Lei, tss.

I opened my messenger. May chat sa group chat namin si Chariza.

Manok:
Guys! Nagce-celebrate kami pero biglang umalis si Dein! My gosh! Meron sigurong naganap. Hehehehehe..

Kumunot lang ang noo ko saka ko rin binalewala ang nalaman ko. Pumunta ako sa gallery, pinanood ang mga pictures namin kanina. Napangiti ako habang tinititigan ko ang larawan naming lahat na Animal.

"See you soon, Animals.." I whispered while smiling in front of my cellphone.

••

"Hi, Lola!!" I suddenly hug her tightly.

"Oh! Hello, kamusta? Dalaga na apo ko.." she hug me back.

"I'm okay, Lola. By the way, this is Lei. My brother." Shesh! Ang sarap sa pakiramdam na may pinapakilala kang kapatid!

"Oh.. hello, yeah, I know you. Kinuwento kana sa akin ni Lhara." Nakangiti niya ring niyakap si Lei.

"Hello po." Bati din ni Lei saka sila bumitaw sa pagkakayakap.

"Ma. Dito na muna ang mga bata. I'm going to the company--"

"Company, again?!" May bahid na inis sa boses niya. "Pag-dating mo dito, kompanya na naman?! Wala na bang bago?"

"Meron, Ma. Pagka-dating ko dito, may kasama na ako. Ayan na sila oh." Turo sa amin ni Daddy. "Mga apo mo. Bye, Ma." Hinalikan ni Daddy si Lola sa pisngi saka nagmamadaling umalis.

I heard Lola sighed. Nilingon niya kami nang nakangiti. "Okay. Saan niyo gusto mamasyal--"

"La. Pagod kami--"

"Anong pagod?! Hindi ah." Angal agad ni Lei.

"Hehehe.." palihim ko siyang siniko. "Sige. La, si Lei na lang po ipasyal niyo, bukas. Bago pa lang naman siya dito eh." Sabi ko kay Lola.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Where stories live. Discover now