19

10 4 0
                                    

Hindi naman ako makakaramdam ng ganito kung hindi ko gusto si Lhespher. I admit it. I like him. Sino ba ang hindi? Sa dami ng nagkakagusto sa kaniya, ako ang nililigawan niya and it's almost 2 months na. Pero hindi niya ako pinipilit na sagutin ko siya kagaya ng sinasabi ng iba sa kanilang nililigawan. Kaya palagi kong naiisip pagdating sa kaniya ay.. napaka swerte ko naman.

"Tadhana ka?" May ngiti sa mga labi kong sabi.

He nodded and caressed the back of my hand. "Kung paghihintayin man ako ng tadhana ng matagal na panahon.. ako ang mismong gagawa ng tadhana para sa ating dalawa."

I feel my heart thumping with so much joy. I smiled at him. "Sana.. hindi magbago yang nararamdaman mo para sa akin. I hope."

"Of course not. Saktan mo ako ng ilang beses kapag ginawa ko 'yun. Gago ang lalaking gagawa ng ganon. Lalong-lalo na sa'yo."

"So--"

"And by the way.. I'm inviting you in our house. My sister wants to saw you in person."

Lumaki ng lumaki ang mata ko sa sinabi niya. "A-Ano? Bakit daw?"

"Palagi kitang kinukwento sa kaniya. Ganon na rin sila Mom at Dad. Bukas, dinner." Pinisil niya ang kamay ko.

"U-Uhm.. hehe, n-ngayon palang k-kinakabahan na ako." Nagiwas ako ng tingin sa kaniya.

Ang tanga naman neto. Ayaw kong pumupunta sa bahay ng isang lalaki. Mag-dadala ng babae sa bahay nila? Hindi ba nakakadiring tingnan 'yun? Tsaka, yung ate niya? Gusto akong makita sa personal? Bakit, susuriin niya ba ako kung bagay ba ako sa kapatid niya? Tss, kung ayaw niya sa akin edi wag. Ang daming lalaki na pwedeng akitin sa isang tingin ko lang.

Siguro mas maganda naman ako sa ate niya no. No, bakit ako nagsasabi ng ganito eh dapat ginagalang ko ang kapwa kong tao na mas matanda keysa sa akin.

Eh, nakakainis naman eh. Sa bahay nila? Dinner? Tangina. Iniisip ko palang na nakaapak na ako sa loob ng bahay nila, nanginginig na ang tuhod ko at baka sipain nila ako kapag nakita nila ang mukha kong pusa. Baka makain ko lahat ang mga pagkain nila tas sasabihin nilang patay-gutom ako.

Huh? Bakit ko sila pinagiisipan ng ganon eh hindi ko pa naman sila kilala except sa Daddy niya na mabait sa akin. Mabait din naman ang Daddy ko sa kaniya at may tiwala pa. I should be happy dahil gusto akong makilala ng pamilya niya. Isn't that great? Nililigawan ako ng anak nila kaya okay lang.

"Don't be so nervous. Bukas susunduin kita. Ako na bahala magpa-alam sa Dad mo. Don't worry hindi kumakain ng tao ang Ate ko Saka Mommy ko. Haha," nagsalubong ang kilay ko nang bigla siyang tumawa. "Ngayon lang kitang nakita na ganiyan katakot ha."

"Paano naman kasi, iniisip ko palang na aapak ako sa loob ng bahay niyo, sinisipa na ako palabas. Tss."

"Hindi sila ganon! Grabe ka naman. Hindi mo pa nakikita at nakikilala ganyan na ang impression mo sa kanila. Huwag kang mag-alala. Mababait sila." Then, he winked.

"Tss." Inirapan ko siya. Tinatago ko yung kilig ko. Hihi!

"Kinikilig ka no?"

O_O

"Huh?"

Mayabang siyang ngumiti. "Kinikilig ka! Ayan oh! Namumula yang pisngi mo oh!" Tinuro-turo niya ang magkabilang pisngi ko.

Nahihiya ako. Pero tinabig ko ang kamay niyang turo ng turo sa mukha ko. Nasa mukha niya at itsura ang pagiging masaya. Masaya na nakikita akong kinikilig.

"Hayaan mo. Pakikiligin pa kita. I love you."

*Boom!*

I'm super duper blushing now! *Anong English ng kinikilig? Blushing ba?* Whatever!

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon