16

10 3 0
                                    

"Mas maganda ka kapag masaya ka."

O_O

*Blushing*

"Tumigil ka. Hindi na ako tatawa." Pigil kopa sa sasabihin niyang iba.

"Oo, mabuti 'yan. Dapat sa akin kalang masaya."

"Magiging masaya lang ako, kapag ikaw na nakatuluyan ko." Hindi na siya nagsalita.

--

Hanggang sa lunch break ay hindi pa nagsasalita si Lhespher. Kapag tumatama ang paningin namin ay iiwas naman siya ng tingin sa akin. Kapag kinakausap ko siya, para akong tanga na nakikipag-usap sa invisible na tao.

Kahit na ilang beses ko na siyang tinatawag sa pangalan niya, hindi niya parin ako nilingon. Parang hindi ako nage-exist sa kaniya.

Nalukot ang mukha ko. Bakit naman naging iba ang mood nito-- ahh, alam ko na. May regla siya! Oo, tama. May regla siya. Ganyan din ako kapag nireregla eh, pero hindi kagaya niyang nagiiba ng mood bigla.

Oo, tama. May regla siya. Huwag kona munang inisin at baga lumabas lahat ng dugo niya. Baka masuntok ko ng Lokong 'to. Mahirap na. Mabuti na 'yung safe.

Tahimik kaming kumakaing dalawa. Oo, kaming dalawa lang sa iisang table. Si Jaybe-- as usual, nasa nililigawan niya. Ganyan naman 'yan palagi eh. Araw-araw niyang liligawan ang lalaking taga Section Neptune. Tss.

Hindi parin nagsasalita ang kasama ko kaya hindi rin ako magsasalita. Contest ba ang hanap niya? Tss, easy.

Naubos ko na ang kinakain ko. Dinala ko na ang bote ng mineral water at umalis na sa table namin. Bibigyan kona muna siya ng time para umiba ang mood niya.

Mabuti naman at hindi na niya ako sinundan. What a relief.

Naglakad ako pabalik sa building namin at dumiretso sa room ng Section Mars. Biglang may lumabas na napakaingay na babae na sa itsura niya palang ay mahilig na sa away.

Lumapit ako sa babae. "Uhm, excuse me.. si Mines?" Tanong ko sa babae.

Hinarap niya naman ako ng nakataas ang isang niyang kilay. "Anong kailangan mo sa kaniya?" Mataray niyang balik tanong sa akin.

Tumikhim ako nang biglang nakaramdam ako ng inis sa kaniya. "No need. Thank you."

Hinanap ng mata ko si Mines sa room nila. Nakita ko siya habang nakikipag asaran kila Joemar, Steven at Gerick. Wala yung mga girls.

"Mines!" Sigaw ko sa pangalan niya.

Nagsitingin lahat sa akin ang mga kaklase nila. Artista kasi ako.

Lumapit naman agad sa akin si Mines. "Yes?" Nilapit niya ang mukha niya sa akin.

Mahina ko siyang tinulak para makalayo sa akin ng konti. "The book." Nilahad ko na agad ang kamay ko.

Dapat makaalis na ako agad dito. Kanina kopa naririnig na salita ng salita ang babae sa likod ko. Yung mataray na mukhang palaaway.

"Wait," hinintay ko siyang makuha ang libro ko. "Here." Kinuha ko na agad. "Thank you--"

Natigil siya sa pagsasalita ng ilapit ko ang mukha ko sa tenga niya. May itatanong lang ako.

"Sino 'tong babae sa likod ko? Anong pangalan niyan?" Tanong ko.

Sumulyap naman siya at agad na nakilala ang nasa likod ko na kanina pang salita ng salita. "Ah.. si Yvonne. Bakit."

I shook my head. "Tinarayan niyan ako kanina. Nakakakulo lang ng dugo." Inis kong sagot.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Where stories live. Discover now