28

9 2 0
                                    

Halos lahat kami, natulala sa malakas na sigaw ni Lhespher. Hindi ako makagalaw sa sigaw niyang 'yun. Parang magigiba na itong gym sa lakas ng sikaw niya. Kung sa'kin niya sinigaw 'yon talagang matatakot na ako. Pero, sorry, si Jeanne ang sinigawan niya. Mabuti naman.

"Bakit ba ang sungit mo??! Ikaw na nga itong binibisita ikaw pa ang galit!!" Pasigaw din na sabi ni Jeanne. "Bakit? Hindi ba pwedeng bisitahin ka?"

"Jeanne.. pwede, pero huwag palagi. Ganyan pa naman ang suot mo, titingin sa'yo lahat ang mga lalake." Nasasaktan na naman ako ng bigla siyang naging sweet kay Jeanne na hinaplos niya pa ang buhok niya.

"Okay.." Namuo ang galit sa buong katawan ko ng bigla niyang niyakap si Lhespher saka tumingin sa'kin ng nakakainis.

May bago na naman akong kinaiinisan na babae. Ang nangangalang Jeanne na walang ginawa kundi ang paglandi kay Lhespher sa mismong harap ko, sa mismong harap namin ng mga kaibigan ko. Nagmumukha na akong kawawa sa paningin nila, alam ko. Nakikita nila akong nasasaktan ngayon. Hindi ako yung babae na kayang magtago ng emosyon na nararamdaman ko. Kusa itong lumalabas sa reaksyon ko.

Naramdaman kong may lumapit sa tainga ko. "Tanga ka ba? Gusto mo kami nalang gagawa ng pelikula?" May halong sarkasmo na bulong ni Dein sa tainga ko.

Napahinga ako ng malalim. Tama siya, nagmumukha na akong tanga dito. Dapat kona munang kalimutan ang kirot na nararamdaman ko.

Humigpit ang hawak ko sa bola at malakas na ibinato sa kanila pero sa mukha ni Jeanne tumama yung bola. Napahawak ko sa labi ko. Hehe, three points 'yun hihi.

"Ah!! What the-- bakit mo ako binato?!!"

Napatiklop ako ng bibig. Pinipigilan kong matawa.

"Lhara, ano ba--"

"Kung maglalampungan kayo, huwag dito sa gym." Pormal kong sabi sa nagmumukhang butiki.

"Bakit? Sa'yo ba 'to? Beach lang ang sa'yong feeling ka--"

"Kaya naming bayaran 'to ng isang minuto lang." Dein cut Jeanne off.

"Dein." Bulong ko na pinandilatan siya pero hindi niya ako pinansin.

"Ha.. and who are you, stupid?"

"What did you call me?"

Patay. Siguradong puputok na ang bulkan na nasa katawan ni Dein kapag hindi sumagot ng maayos itong babae na 'to.

"A stupid."

"And you're a bitch." What?!! Pati naman ikaw Jaybe?!

Pipigilan kopa sana sila pero tuluyan na silang nakalapit sa kila Jeanne at Lhespher. Nandito lang ako at hindi makagalaw habang pinapanood sila.

"A bitch?" Pagka-klaro ni Jeanne na may masama nang tingin kay Jaybe.

"Yes. A. Bitch."

"Ha--"

"Jeanne, let's go. Girls, stop." Pag-pipigil sa amin ni Lhespher.

"Where not Girls when it comes to fight, Lhespher." Matigas na sabi ni Dein. Bumaling siya kay Jeanne. "Hoy, ikaw--"

"I'm Jeanne."

"I don't care with your stupid name." Magsasalita pa sana si Jeanne pero tinutok na ni Dein ang pointed finger niya sa mukha niya. "Ito tatandaan mo. Subukan mong saktan itong kaibigan namin, aapakan ko 'yang mukha mo."

"What--"

"Ni daliri mo, huwag mong ididikit o ilalapit sa kaniya. Subukan mong pagsalitaan siya ng hindi maganda, tatahiin ko 'yang bibig mo." Sabi ni Jaybe na napaka-seryoso.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Where stories live. Discover now