Prologue

2.2K 58 9
                                    

"Cheers!" maingay na pinaglapat namin ang mga baso, kasabay 'non ay ang malakas na ugong ng musika rito sa bar.

"Sinong mag-aakala na ilang linggo nalang ang bibilangin, graduate na tayo!" malakas na sigaw ng kaibigan at blockmate kong si Ohm.

"Excuse me lang, may running for laude din tayo!" si Milk, ang isa pa naming kaibigan at ka-blockmate sabay kantyaw sakin.

Oh yes, I'm running for cum laude. It really isn't a big deal to me. But it is, to my parents. Sa sobrang saya nga nila hinayaan nila akong mag-party dito sa bar kasama ang mga kaibigan at blockmates, which they usually don't do.

Growing up with my strict parents was never easy, but then looking back at it now napagtanto ko na may napuntahan naman ang pagiging strikto nila. Now, I'm finally graduating.

Napuno ng kwentuhan na may kasamang pisikalan lalo pa kapag nakakatawa ang kwento ng mga kaibigan ko. Nakiki-tawa lang ako habang ninamnam ang mga alak na nilalapag sa lamesa. Perks of being friends with someone who actually owns this bar. Napatingin ako kay Zee na naka-sandal sa bar area habang pinapanood ang kabuuan ng kanyang bar.

"Punta lang ako kay Zee," bulong ko kay Ohm

"Sige lang!" sigaw nito pabalik sakin, bahagya pa akong napahawak sa tenga. Ang lakas non ha.

"Hey." bati ko sakanya

"Thanks for accommodating us on a short notice, Zee." dagdag ko

He smiled, "No worries. More than my friend, sino bang tatanggi sa customer? Buong university ata nandito ngayon sa bar ko." nakangiting sambit nito

"That's because of Ohm and Milk my social butterfly friends."

"I see."

"I actually thought you had plans on closing this bar?" I asked Zee

He sighed, "Isa 'to sa mga unang napundar ko kaya nahirapan akong bitawan so I decided not to and just.. risked it all. And then all of a sudden, it attracted more customers."

"That's good to hear. Naalala ko pa nung third year ako, dito ako umiinom at nagdede-stress ng patago kasi wala pa ngang masyadong tao since nagsisimula ka palang." I smiled as I thought of those times.

Wala akong mapaglabasan ng stress sa school and my parents always thought that I'm okay when I'm actually not. Then I discovered this bar. May kalayuan sa syudad pati sa school kaya naman naging madali sakin ang magpa-balik balik rito hanggang sa naging kaibigan ko nga si Zee.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Zee hanggang sa magpaalam siya na may importante siyang kliyente na nasa VIP section. I just enjoyed my drink, looking at the people dancing and drinking. Kasabay non ay ang pagtama ng mata ko sa isang pamilyar na lalaki.

Nangunot ang noo ko ng mapagtanto kung sino ang pamilyar na lalaking 'yon. Nakikipagtawanan siya sa mga babaeng nakapalibot sakanya sa lamesa habang tumutungga ng mamahaling inumin. Kitang kita ko kung gano kalapit ang babae sa tabi niya na bumulong sakanyang tenga, sabay haplos sa binti ng lalaki. Mas lalong nag-init ang tenga ko sa galit sa nasaksihan.

And then right there and then, our eyes met each other. Bakas ang gulat sakanyang mukha ng makita ako, dahil malakas ang ilaw rito sa bar kung nasaan ako ay paniguradong malinaw ako sa paningin niya.

Agad siyang lumayo sa mga babaeng nakapaligid sakanya at nakitang tumayo. Tumalikod ako at napa-kuyom ng kamao. Mabilis kong tinungga ang alak na nasa harap.

"B-bright." ani pamilyar na tinig sa likuran ko. Impit akong napapikit sa inis at galit.

"Uh, uhm. Nandito ka pala?" aniya na parang kinakabahan.

"Nakita mong nandito ako diba?" pilosopo kong sagot. Hindi ko siya magawang tignan.

"Ikaw. Ikaw ang bakit nandito?" hindi ko na napigilang itanong.

"Nagka- nagka-yayaan lang kami ng mga kaibigan ko." utal na sagot nito

"Alam ba ng pinsan ko 'yan?" kunot noo kong tanong atsaka tinignan siya.

"Biglaan kasi.." parang hindi sigurado niyang sagot.

Galit na napatayo ako. "Bright!" aniya at hinawakan ang balikat ko upang pigilan akong umalis.

"Ano ba!" hawi ko sa kamay niya

"P-pwede bang ako nalang magsasabi kay Tu?"

I scoffed. Gagawin pa akong sinungaling ng mokong na 'to! "Maayos kang pinakilala samin ng pinsan ko, Dew. Ilang beses kang niyaya ng mga pinsan ko na uminom kasama namin pero ang parati mong sagot, hindi ako umiinom. Tapos ngayon makikita kita dito? At napapaligiran pa ng mga babae? Sinong ginagago mo?!" malakas kong sambit

Mabilis akong naglakad papunta sa lugar kung saan wala masyadong tao. "Bright! Pasensiya na.. hindi talaga ako madalas umiinom. Ngayon lang dahil nagka-yayaan pero totoong hindi ako-"

"Huwag mo nga akong gawing inutil ha, Dew! Iba ang hindi umiinom sa hindi madalas umiinom!"

"Bright?" ani Ohm ng makita kami ni Dew. "Okay ka lang?" dagdag nito ng makita kami

Bahagya niyang tinignan si Dew na nasa harap ko. "Okay lang." wala sa wisyo kong sagot.

"May atraso sayo?" maangas na tanong ni Ohm. Napapikit ako. Kilala pa naman ang kaibigan kong 'to sa pakikipag-basag ulo.

Umiling ako, "Hindi." atsaka ko siya inakbayan. "Tara na."

Pagbalik namin sa lamesa, hindi parin mawala sa isip ko ang siraulong boyfriend ng pinsan ko. Wala pa silang ilang buwan ng ipakilala siya ni Tu sa aming magpipinsan. Sa lahat din ng family gathering namin ay sinisiguro ni Tu na kasama niya si Dew. Halos lahat ng kamag-anak namin ay pabor na pabor sa lalaking 'yon dahil malayong malayo ito sa ibang mga naka-relasyon ni Tu.

Ani pa nila, buti ay naka-tagpo si Tu ng good boy na katulad ni Dew. But looking at the asshole now? Nag-iinit talaga ang ulo ko sa galit. Ibang iba ang itsura niya ngayon sa pagpapa-kilala sakanya ni Tu samin.

"Beer?" napairap ako ng marinig si Dew sa tabi ko. Ayoko na makausap 'tong taong 'to.

"Ba't ba lapit ka pa ng lapit?" irita kong sabi

"Gusto lang kitang i-libre ng beer-"

"At sa tingin mo makukuha mo ako sa paganyan ganyan mo? Malalaman 'to ng pinsan ko, Dew. Kahit lumuhod ka pa sa harap ko sasabihin ko sakanya lahat ng nakita ko." pagbabanta ko.

Bumuntong hininga siya. "Naiintindihan ko." aniya atsaka umalis sa harap ko.

Ilang oras pa ang nakalipas, nakita ko si Dew na pagewang gewang na palabas ng bar. Agad ko siyang inalalayan atsaka hinatid sa labas ng bar.

"Pwede bang ako nalang magsabi kay Tu, Bright? Alam kong mali ako.. pero.. pero hindi ko kayang mawala sakin ang pinsan mo." lasing niyang saad.

Nasa labas na kami ng bar habang nakaalalay ako kay Dew. I looked around and checked for a taxi. Lasing na lasing ang lalaking 'to. Ito ba ang sinasabi ni Tu na hindi umiinom?

Kung anu-ano pang sinabi sakin ni Dew pero hindi ko na nagawang pakinggan pa dahil naiinis na talaga ako sakanya. Sa pagkakataong naka-para na ako ng taxi, isa nalang ang gusto kong gawin.

Pagbukas ko ng pinto, bago pa man siya makapasok ay agad ko siyang sinuntok. Bahagya pa siyang napaupo sa sahig. Walang mga tao sa paligid dahil madaling araw na kaya hinayaan ko lang siya.

"Para 'yan sa pang gagago mo sa pinsan ko. Tandaan mo. Masaktan mo lang si Tu, kaming mga pinsan niya at ako ang makakalaban mo." iyon ang huling litanya ko sakanya.

Hindi ko alam na ang gabing 'to, sa isang iglap, ang makakapagpa-bago sa takbo ng buhay ko.

Bienvenido A CasaWhere stories live. Discover now