Chapter Twenty-One

751 43 7
                                    

Guilt

Sobra sobra ang kaba ko na makikilala ko ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ni Win. I actually didn't expect this coming. Akala ko siya lang ang maipapakilala ko sa pamilya ko, turned out I will also be introduced to his sister. 

Namamawis ang kamay ko habang nasa byahe kami papunta sa restaurant na pina-reserve ng ate niya. Kanina ko pa pinupunas ang palad sa pantalon ko. Tinignan ko rin ang sarili sa salamin kung maayos at presentable ba ang itsura ko. I will freakin' meet his sister, and her sister's a lawyer too. Kaya pakiramdam ko pwedeng pwede niyang i-judge ang buong pagkatao ko dahil wala ako sa katiting ng mga narating niya. 

"Kanina ka pa tense na tense diyan, calm down. My sister's nice. She's the nicest." Win quickly glanced at me. 

"What if hindi niya ako magustuhan para sayo? I mean yes, I can provide for you. But.. not now. Mag-eexam palang ako pagkatapos ay maghahanap agad ng trabaho, baka isipin niya ay hindi kita kakayaning buhayin." alala kong sabi 

Napatawa si Win. Kinunotan ko siya noo. "This is not funny, Win. Kinakabahan talaga ako." seryoso kong sabi 

"She will like you as much as I like you. Just be yourself, Bright. Minahal kita dahil sa pagpapaka-totoo mo, nagustuhan kita dahil don kaya hindi imposibleng magustuhan ka rin ni Ate." 

Hindi ko naman alam na sa isang restaurant sa ground floor ng isang five star hotel ang pina-reserve ng Ate ni Win. Para naman akong nahiya sa suot ko. I was just wearing jeans, partnered with white polo shirt and checkered long sleeves. Naka-converse pa 'ko. 

"I'm a bit underdressed. No, I am completely underdressed." nagpapanic kong sabi pagpasok namin sa lobby ng hotel. Si Win kasi ay nakasuot ng white trousers, top sider atsaka chinese collar blue button shirt kaya mukha siyang pormal. Ang layo sa porma ko. Gusto kong maiyak. 

"Hey.. Stop stressing yourself. Ayun na si Ate," aniya ng makita ang kapatid sa di kalayuan. Pagpasok namin sa restaurant ay tumayo ang isang napaka-gandang babae. Nakasuot ito ng pink suit & pants. Sobrang pormal. Hiyang hiya ako sa itsura ko. 

"Ate!" 

"My baby brother!" anito at mahigpit na niyakap si Win. Gusto kong kumaripas ng takbo sa hiya. 

"How are you? Oh my, is this him?" ani Ate niya pagkakita sakin. 

Opo, Ate. Sorry ho, heto lang ako. Char. Paano ko pa nagagawang makapagbiro sa mga ganitong pagkakataon! 

"Uhm, hello po. I'm Bright po." 

"Si Bright ate, boyfriend ko." Win proudly said 

Impit na napatili ang Ate niya na ikinagulat ko, "Ang gwapo!" mahina nitong sabi pero sapat lang para marinig ko

"Ate naman..." nahihiyang sabi ni Win 

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Gwapo daw ako. Hehe. Okay, bawing bawi ang japorms kong porma dahil gwapo naman daw pala ako. 

Agad kaming dinaluhan ng waiter atsaka inabutan ng menu. Hindi ko kilala ang mga nasa menu kaya naman si Win na ang nag-order para sakin. 

"Matagal na kayong nandito sa Manila?" Ate Ming asked

"3 days ago, I guess. I lost track of the days we're here." sagot ni Win 

"Nabanggit sakin ni Win mag-bboard exam ka raw?" 

"Yes po, Mechanical Engineering po." I respectfully answered 

"Wow, engineer. And architect. You were really made for each other then." 

"Si Kuya Warm pala, Ate?" pag-iiba ni Win 

"Oh, he's on duty. You know he's on his 3rd year as a resident surgeon kaya ayon, nagkikita nalang ata kami tuwing matutulog.." Ate Ming said. I guess Kuya Warm is her husband. 

Bienvenido A CasaWhere stories live. Discover now