Chapter Twenty-Five

871 57 15
                                    

Author's Note:

Maraming salamat sa lahat ng naghintay. I'm sorry for the veeeery slow update for the past months. I was really busy being an intern. Thank you for all my avid readers out there! I would've not continue this story if not for your support, nababasa ko lahat ng comments niyo about when will be my next update kaya salamat! You kept me going!

This is the last chapter of Bienvenido A Casa.

--------------

Peace

Magkahawak ang kamay namin ni Win habang nasa byahe kami papunta sa malayong lugar. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung saan kami pupunta. But when Win nodded and agreed to run away with me ay walang anu-ano'y bumyahe na kami.

Kahit na wala akong dalang damit, hindi ko na 'yon naisip pa. Ang mahalaga magkasama kami. Kung hindi nila kami hahayaan maging masaya, might as well run away and live our own life. Masaya naman kaming magkasama.

Sa pinakadulo ng Quezon province kami napadpad ni Win. Wala na talagang matatanaw na mga buildings o kahit anong infrastractures dito. Puro bundok at mga maliliit lang na bahay ang makikita.

"Uhm, magandang hapon po. May alam ho ba kayong transient na pwede naming matuluyan?" tanong ni Win sa isang tricycle driver.

"Ahh sa bayan meron. Deretsyo lang kayo, pag may nakita kayong palengke nasa bayan na kayo. Magtanong tanong nalang kayo kung saan ang transient doon." sagot nito

"Salamat ho." sabi namin atsaka dumiretsyo na sa bayan.

Pagdating sa bayan ay agad kaming nagtanong tanong ng transient na tutuluyan. Swerte naman na malapit lang sa kung nasan kami kaya hindi na kami nahirapan pa hanapin.

Isang kwarto lang kinuha namin ni Win. Malaki ang buong transient house, may mga kasama rin kaming ibang boarders. Parang nasa Bienvenido lang din kami.. Nakita ko si Win na nakatayo sa bintana at nakamasid sa bukirin na tanaw sa kwarto namin.

Niyakap ko siya mula sa likuran.

"Are we really doing this, Bright?"

Tumango tango ako.

"Maghahanap na ako ng trabaho bukas. Hindi ko na hihintayin ang result ng exam, maghahanap muna ako ng pagkakakitaan." I said. Habang nasa byahe kasi kami ay iniisip ko na ang magiging buhay namin ni Win at kung paano ko pupunan lahat ng pangangailangan namin.

"May ipon pa naman ako Bright. Hintayin mo nalang muna ang resulta ng exam."

Umiling ako, "Use that to review for your board exam. Ako na ang bahala sa mga kakailanganin natin."

"Matagal pa naman ang exam, Bright. Pwede ding hindi muna ako mag-exam at kumuha ng raket para matulungan ka sa mga gastos-"

"Sshhh. Leave it up to me, Win. Responsibilidad na kita ngayon.."

"Pero-"

"Ako nang bahala. Huwag ka na mag-alala, okay?"

---•---•---

We've been staying here for a couple of days already. Hindi na ako nag bukas ng phone simula ng dumating kami dito ni Win. Swerte naman na nakakuha ako ng trabaho sa barangay hall na malapit sa tinutuluyan namin. May kababaan ang sweldo pero okay na rin kaysa sa walang kinikita.

"Gusto ko talagang tumulong sayo, Bright. Hayaan mo na akong tumanggap ng raket." ilang araw na rin akong kinukulit ni Win na tatanggap na raw siya ng mga nagpapa-disenyo sakanya.

"I just want you to relax here, Win. Hayaan mo na akong kumita para satin."

"Hindi naman mabigat na trabaho para sakin ang mag-drawing, Bright. Kaya sige na. Pleaseee. Pretty please.."

Bienvenido A CasaWhere stories live. Discover now