Chapter Seventeen

836 43 0
                                    

Side Story 

Today is Friday, meaning may salu-salo kaming mga boarders ng Bienvenido sa bakuran. Kumpleto kami muli na naghahanda ngayon. Si Mile ay sinisiguradong may dala siyang gitara para makapag-jam sila ni Nunew habang nagluluto ang karamihan samin. 

"Si Bright marunong 'yan mag-gitara!" kantyaw ni Ohm habang nag-seset up ng lamesa

"Talaga? Anong tinutugtog mo?" interesadong tanong ni Mile sakin 

Inirapan ko si Ohm. Kahit kailan talaga. Nakita ko ang bahagyang pag tingin sakin ni Win. Well, hindi ko kasi nabanggit ang bagay na 'to sakanya. Wala rin namang pagkakataon para masabi kong marunong akong tumutugtog, hindi ko rin alam kung pano sasabihin. Feeling ko kasi hindi naman ako kasing galing ni Mile para ipagsabi pa. 

"Acoustic. Pero marunong din ako mag electric." I answered Mile. 

"Oh wow. Tugtog ka?" ani Mile at inabot sakin ang acoustic guitar niyang sigurado ako na mamahalin. 

"Naku, matagal na 'kong hindi tumutugtog nangalawang na." I honestly said. Ang tagal na rin talaga nung huling humawak ako ng gitara. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro dahil nga naging busy sa court hearings, tapos nung natapos naman ay naging abala naman ako para sa board exam. 

"Kaya mo 'yan!" pumilit ni Mile atsaka nga inabot na sakin ang gitara. Wala akong nagawa kundi kunin ito at umupo sa upuan. 

Para namang senyales 'yon para mapahinto sila sa mga ginagawa. Maging si Tay Berting na nag-iihaw ng bangus ay napabagal ang pagpaypay atsaka nakangiting tumingin sakin. I then looked at Win that's standing a little bit far from where I am. Base sa ekspresyon ng mukha niya, talagang inaabangan niyang tumugtog ako. 

I then started to strum, my eyes still looking at Win. 

Sa araw-araw
Tanging ikaw ang palagi kong hinahangad
Laging tanaw
Sa 'yo ang ilaw na nagsisilbi kong liwanag

Nakita ko ang bahagyang pagtulak ni Nunew sa balikat ni Win na parang kinikilig. Napailing si Win at napangiti sa pang-aasar sakanya. 

Labis ang ngiti kapag ika'y kaharap
Ramdam ko ang pagmamahal, giliw
Namumukod-tangi ka at walang katulad

"Ikaw lang ang para sa 'kin..." I sang as I looked at Win. 

"Woooooh!" sabay sabay nilang sigaw 

Habang tuloy tuloy akong kumakanta, naisip ko bigla ang unang araw na dumating ako rito sa Bienvenido. Hindi ko inakala na magbabago ang paningin ko sa pag-ibig simula nung tumuloy ako dito. Sabi nila, there's always a rainbow after the rain. The rain is when I faced all the challenges throughout the whole year.. And then after that rain, the rainbow happened. Win Gazcon happened. 

Tayong dalawa'y pinagtagpo
Ng tamang pagkakataon

I really believe that what brought us together is fate. Looking back at every struggle I faced.. May puot.. may sakit.. hindi 'yon mawawala dahil mahal ko si Tu. Mahal ko ang pinsan. But our relationship will never be the same again. Pero ngayon, may isang bagay na akong ipagpapa-salamat na nangyari lahat ng nangyari.. 

Hindi maitatanggi
Na sa akin, ikaw ang tanging tiyak, ahIkaw lang, ikaw lang ang tinatangi

And that lead me to him. "Oh, aking tahanan..." 

"I love you," I mouthed to Win after the last strum I did. He smiled widely atsaka sabay sabay silang nagpalakpakan. 

"I love you too." 

Matapos ang kantahan ay pinuno ako ng papuri ng mga kasamahan. Si Mile naman ay parang gusto pa akong i-recruit sa bandang binubuo niya. Sabi ko naman ay hobby ko lang talaga ang pagtugtog ng gitara, I don't see myself doing it as a job. 

Bienvenido A CasaWhere stories live. Discover now