Chapter Thirteen

818 51 4
                                    

Special

Maaga akong nagising para gumawa ng breakfast, naabutan ko si Tatay Berting na nagwawalis sa bakuran. Wala ng mga tao dahil lahat ay may pasok, mamaya pa magsisi-uwian lahat saktong sakto para sa hapunan.

Napangiti ako ng bumaba si Win bitbit ang kanyang bag sa balikat. Agad kong inayos ang baon niyang lunch na hinanda ko.

"Ano 'to?" nakangiti niyang saad

"Lunch mo. Tapos ito, breakfast mo. Dito ka ba kakain o sa daan na?" I asked him.

Bahagya pa 'kong nagulat ng yakapin niya 'ko. "Thank you." I hugged him back.

"Sa breakfast or sa lunch?"

"For everything." aniya. I then kissed his forehead.

"Anything for you."

We broke our hug when Tatay Berting cleared his throat. Nakangiti niya kaming tinignan. Kinuha ni Win ang tupperware na pinaglagyan ko ng lunch niya atsaka kinuha ang sandwich na breakfast niya.

"Thank you ulit." aniya pa, "Good morning ho, Tay Berting. Mauna na po ako."

Akala ko pag-alis ni Win ay magtatanong si Tay Berting sa kung anong meron samin pero nanatili siyang tahimik atsaka bumalik sa pag hahalaman niya sa bakuran. Ako naman ay tahimik lang ding bumalik sa kwarto. Si Zee, hindi ko alam kung nasan ba 'yon dahil kahapon pa kami hindi nagkikita.

Si Ohm naman ay ayon, tulog mantika pa din kaya hinayaan ko nalang atsaka saktong nagsimula na rin ang klase ko.

The day went fast, hindi ko namalayang maghahapunan na. Hindi na tuloy ako nakatulong sa pagprepare sa baba dahil nagsagot pa ako ng mga mock board exam questions na binigay samin. Dahil hindi pa 'ko nakakaligo ay kinuha ko na ang tuwalya. Bibilisan ko nalang dahil malapit na rin dumating si Win.

Nagsuot lang ako ng gray sweatpants atsaka white shirt. Sinuot ko rin ang salamin ko dahil medyo nananakit ang mata ko.

Pagbaba ko palang, rinig ko na ang ingay sa bakuran. Nakita ko ring nag-gigitara si Nunew pati si Mile, ang boyfriend ni Apo. May hindi pamilyar na mukha naman akong nakita, kasama ni Billkin. Saktong nagtama ang paningin namin.

"Bright," aniya

Nagkatinginan kami nung kasama niya pero agad din naman itong umiwas. Ito ba yung cold hearted chic na sinasabi nila Nanon?

"Si PP nga pala. Boyfriend ko. Si Bright, boarder din dito pero nag-aaral siya para sa board exam." pagpapakilala ni Billkin sa kasama

"Good evening." I greeted PP. Tumango lang siya atsaka bumalik sa pagtipa sakanyang phone. Wow, sungit yan?

Nandito rin pala si Prem, iyong best friend kuno ni Boun. Hindi ko ba malaman sa dalawang 'to, halata namang may gusto sila sa isa't-isa pero best friend nga lang daw sila. Ma-swerte pa pala ako sa lagay namin ni Win dahil alam kong we belong to each other, parang ang labo kasi pag nasa friendzone stage ka palang. Pero bahala na nga sila, kung san sila masaya.

"At sa wakas nakita rin kita." sabi ko kay Zee na kasalukuyang nag-iihaw. Si Ohm naman nasa kabila din, nag-iihaw.

"Miss mo 'ko agad?" Zee teased

"Yung totoo, nasan ka kahapon? Atsaka kamusta naman sa kwarto ni Nunew?" kuryoso kong tanong

"I just met with some of my friends yesterday. I also checked some commercial spaces. Balak ko magtayo ng business dito."

"Oh wow, okay 'yan. Kaso sinong mag-aasikaso nyan? Babalik ka na ng Maynila bukas diba?"

"I will stay here for a little bit longer."

Bienvenido A CasaWhere stories live. Discover now