Epilogue (2/3)

622 37 1
                                    

Hindi siguro talaga ako paborito ng universe. 

Mas lalo ko 'yon napatunayan dahil hindi ako gusto ng taong gusto ko. Since I entered college, I know that my life will be different lalo pa't hindi na ako nakatira sa mansyon nila Papa. Marami akong narinig na kung anu-ano sa mga kaklase, sa mga batchmates, maging sa mga instructors o professors ko. They talk about me as if they know everything in my life. At lahat 'yon hinayaan ko. Pinakinggan ko lang. Kasi I know that Min was there for me. 

Nag-iisa lang siya sa lahat ng mga tao na mas piniling huwag akong husgahan. Naalala ko pa nung una niya akong nilapitan. Kumakain ako sa isang abandonandong classroom kung saan nilalagay ang mga bulok na armchairs. She then talked to me, even gave me a drink. Hanggang sa nagtuloy tuloy ang ganon. She became my companion. Iyon nga lang, patago. 

It wasn't her decision but mine. I just don't want people to misunderstand her. At mas lalong ayokong isipin ng mga tao na ginagamit ko ang pagiging Gazcon para malampasan ang ibang mga kaklase. I see to it that I excell in every subject, hindi lang iyong hawak ni Min. 

Papasok sana ako ng faculty dahil pinatawag raw ako ng isa sa mga instructor pero hindi pa man ako nakakapasok ay narinig ko si Min, kausap ang iba niyang mga ka-faculty. Mukhang nag-aasaran sila. 

"Blooming ka nga lately, Mam Min! Mukhang may nagpapa-saya sayo!" pang-aasar ni Sir Pat 

"Aba sa ganda ba naman niyan ni Mam, imposibleng walang magpapa-saya!" dagdag pa ni Mam Vergara

I then checked Min's reaction. Medyo namumula ang pisngi niya atsaka malawak ang ngiti. I then saw how she caressed the artwork I made that I gave to her. Nakalapag ito sa lamesa niya, kahit malayo sa kinatatayuan ay kita kong akin 'yun dahil sa color intensity ng art work kong 'yon. Sobra ang bait sakin ni Min. She was there for me when no one else is. Dahil wala si Ate Ming sa tabi ko, siya ang naging takbuhan ko. And then I realized, I already fell in love with her. 

"Hindi kita gusto." hindi ko alam na sapat na pala ang tatlong salitang 'yon para madurog ako. 

 "Win, makinig ka. I'm sorry if my actions told you otherwise. Siguro oo, gusto kita pero bilang estudyante ko. Lahat ng pakiki-tungo ko sayo, lahat ng yon ay dahil mabuti kang studyante. Mabuti kang bata-" so lahat ng 'yon, lahat ng ginawa niya para sakin ay dahil mabuti akong studyante? 

Siguro nga nagka-mali ako ng akala. Pero bakit... bakit iba ang naramdaman ko sa lahat ng mga pagkakataong 'yon? Bakit niya ako pinapahiram ng mga notes niya nung college siya, bakit niya ako tinuturuan sa tuwing hindi ko na alam ang isasagot sa mga homework, bakit minsan sinisiguro niyang ligtas akong nakakauwi sa bienvenido? Ang daming bakit... bakit hindi niya ako gusto sa kabila ng lahat ng 'yon? 

"I'm engaged, Win. Malapit na akong ikasal.. I don't see myself with you because I already did saw myself with someone else. And I really... I really love him." 

Sunod sunod na pumatak ang luha ko dahil sa narinig. And here I thought I know everything about her, because I told her everything about me. Dahil gusto kong makilala niya ako kung sino talaga ako. Dahil gusto ko maging karapat dapat sakanya. Kahit na.. ganito lang ako. 

Nanghihina ang tuhod ko habang pinanood si Min na unti-unting lumakad palayo sakin. I was about to turn around when I saw a familiar man, nakatayo di kalayuan sa pwesto ko. Bahagya niya pang tinignan si Min atsaka bumuntong hininga. Hindi niya ata alam na nakita ko siya atsaka siya naglakad, sa tingin ko pabalik sa loob. 

Akala ko ang komprontasyon lang namin ni Min ang iisipin ko buong gabi. Pero dahil nakita ko si Bright, paniguradong nasaksihan niya ang nangyari samin ni Min. 

At hindi nga ako nagka-mali. 

"More than just a listener, I can also be a friend Win." he seriously said to me. Ayokong pag-isipan siya ng masam o kung may kapalit ba ang lahat ng 'to but then I decided to trust my guts. 

Bienvenido A CasaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora