Epilogue (1/3)

743 39 3
                                    

"Hanggang kailan ba iyang bastardong 'yan na manunuluyan dito, Bernard?!"

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng mansyon, narinig ko na agad ang boses ni Senyora Criselda - ang asawa ni Papa. Nanatili ako sa likuran ng malaking pinto..

"Will you stop calling Win like that?"

"Like what? A bastard? You can't stop me because he is! And he will always be!" singhal ng Senyora.

"Utang na loob, graduate na siya ng highschool! Pwedeng pwede mo na siyang pabayaan! Sapat na ang ilang taong binuhay, pinag-aral at dinamitan natin siya! If you want to win this election, you have to get rid of him! Siya lang ang nagdadala ng bahid sa pangalan mo!" dagdag pa ni Senyora

Napayuko ako. Pilit kong pinipigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Halos dalawang buwan na ang nakakalipas matapos akong gumraduate ng highschool at magkokolehiyo. Galing ako ngayon sa eskwela kung saan ko gusto sanang makapasok sa kursong architecture. Hindi na bago sakin ang mapakinggan ang paulit ulit na hinaing ni Senyora tungkol sa akin at sa pananatili ko sa mansyon ng mga Gazcon.

Oo nga pala. Isa akong Gazcon.

Pero hindi masasabing legal dahil anak lang ako sa labas. Dahil na rin sa mga usap-usapan ng mga tao rito, lumaki ako na naririnig na kabet ni Papa ang Mama ko. Iba-iba ang kwentong kumalat noong napag-alaman ang pagtataksil ni Papa.

Isa rito ay ang kwento na katulong raw si Mama sa mansyon ng mga Gazcon at inakit ang Papa ko sa pag-aakalang iiwanan nito si Senyora Criselda.

Meron namang nagsabi na nagawa raw ni Papa na pagtaksilan ang Senyora dahil hindi na siya nito mabibigyan ng kasunod pang anak. Isa lang anak nila, iyon ang ate ko. Si Ate Ming.

May kwento rin na matagal na raw na may relasyon si Papa at Mama, pero dahil pinagkasundo si Papa at Senyora Criselda ay naudlot ang pagmamahalang ito.

Sa dami ng bersyon ng mga kwento habang lumalaki ako, hindi ko na alam ang totoo. Hindi ko na rin pa gustong malaman kung anong totoo. Kung may gusto man siguro ako malaman, iyon ay ang nasaan ang Mama ko at kung bakit niya ako iniwan sa puder ni Papa?

Malaki ang utang na loob ko kay Papa, pati na rin kay Senyora Criselda kahit pa ibang iba ang pagtrato niya sa akin. Tatanawin kong utang na loob ang pagpapalaki at pagpapaaral nila sakin kaya siguro tama ang Senyora na dapat na akong umalis rito sa mansyon.

Kinabukasan, naglakas loob akong kausapin si Papa tungkol sa pag-bukod ko. Kung hindi na niya masusuportahan ang pag-aaral ko, maiintindihan ko atsaka maghahanap nalang ng mapagkakakitaan. Nag-apply din naman ako ng scholarship para sa kursong kinuha ko. Ayaw kong maging pabigat kay Papa.

"Ano 'yon, Win? Gusto mo raw ako makausap? Hindi ba sabi ko sayo kay Larry mo na sabihin ang mga kailangan mo dahil wala akong oras." si Papa na busy sa pagbabasa ng mga papeles pagpasok ko ng opisina niya.

Alam ko naman na hindi kailanman magkakaron ng oras sakin si Papa. Pero kailangan ko kasing sabihin sakanya ng harapan.

"Buong buhay po akong magpapa-salamat sa lahat ng ginawa niyo para sakin, Pa. At ngayong magkokolehiyo na po ako, gusto ko na ho sanang bumukod.."

Doon napahinto si Papa atsaka binaling ang tingin sakin. Bakas ang pagtataka sa mukha niya.

"Where is this coming from?" makahulugang tanong ni Papa. 

Hindi ako naka-sagot. Bukod sa gusto ko nalang din bigyan ng kapayapaan si Senyora ay sa tingin ko kailangan ko na rin ng kapayapaan para sa sarili. I think the years that I've been emotionally abused is enough for me to finally choose myself now. 

Bienvenido A CasaWhere stories live. Discover now