Chapter One

978 45 2
                                    

Bienvenido A Casa

"Naka-enroll ka na ba sa review center, Bright?"

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan kong si Ohm at Tay kasama ang boyfriend niyang si New sa apartment ko.

"Oo." tipid kong sagot

"Badtrip talaga 'no, dahil sa pandemic ang hirap ng set-up. Review center pero online.." reklamo ni Ohm.

"Buti nalang kamo graduate na tayo!" ani Tay

"Ang hirap nga ng online class e." si New, na nasa huling taon ng kolehiyo. Dahil sa virus na lumaganap sa buong bansa ay online ang mode of learning ng lahat. Pati na rin ang review centers.

"May alam ba kayo na pwede kong tuluyan na malayo dito?" tanong ko sakanila.

Bakas ang pagtataka sakanila. "Lalayo ka ulit?" tanong ni Ohm

"Hindi pa ba malayo dito pre?" si Tay

"Gusto kong mag-focus sa pagrereview. Ang hirap din dito, paiba iba yung rules and restrictions dahil sa pandemic hindi ako maka-kilos ng maayos. At isa pa... alam na ni Tu na dito ako tumutuloy."

"Hindi parin kayo nag-uusap?" napahinto ako sa pagliligpit ng mga kalat.

"Hindi ko siya kailangan kausapin." walang emosyon kong sagot.

"Saan mo naman balak ngayon pumunta?" napakibit balikat ako sa tanong ni Tay

"Anywhere far from here.."

--•--•--

"I know someone, our family friend who owned a house before somewhere in the province. Ang huling alam ko, binenta na nila 'yon pero nakakausap at in touch parin yung kaibigan ko sa bagong may-ari." ani Zee ng tanungin ko siya kung may alam ba siyang matutuluyan ko.

"Magkano naman 'yan? You know I have to cut down my expenses right? Atsaka hindi ko naman kailangan ng buong bahay, kailangan ko lang ng matutuluyan."

"If I'm not mistaken, it was actually an  ancestral house and there's someone who's taking good care of it. Ang balita ko ginawa 'yong boarding house nung nakabili para sa mga studyante."

"Boarding house?"

Zee nodded, "Yung family friend namin na 'yon lahat nagsi-migrate sa Australia kaya ayon, napabayaan yung bahay. Yung bagong may-ari na ata nagpa-ayos."

"Hindi naman naka-lockdown sa probinsiyang 'yon?" I asked. Isa rin ito sa cinoconsider ko bago ako pumunta sa kung saan man.

"As far as I know, hindi naman. Zero cases pa sila don. And hindi rin strict sa mga papasok sa city nila basta kompleto yung requirements." aniya

Napatango tango ako. Sounds like a good deal. "May available pa kayang kwarto o kahit kama nalang para sakin 'don? Anim na buwan lang naman hanggang sa board exam ko."

"I'll contact my friend to ask about it to the care taker and get back to you."

"Salamat, Zee."

And then I just saw myself inside the bus going to the province kung nasan ang ancestral house na tinutukoy ni Zee. Sakto ang pagpunta ko dahil may boarder na kaka-alis lang dahil graduate na kaya may isa pang kwarto ang available.

"Gago, hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka na." si Ohm habang kausap ko sa telepono

"Masyado ka ng attached sakin, baka mainlove ka nyan." pagbibiro ko

"No way, high way!" Aniya atsaka narinig ko pa ang kunwaring pagsuka niya. I laughed a bit.

"Tawag tawagan mo lang kami pag may kailangan ka pre, lamo namang nandito lang kami ni Tay."

Bienvenido A CasaWhere stories live. Discover now