Chapter Four

745 45 7
                                    

Bar

Matapos ko kumuha ng tubig agad rin akong pumanik sa kwarto ko. That was so close! The last time I punched someone it created chaos. Napabuntong hininga ako at umupo sa kama.

Madaling araw na pero hindi ko alam kung bakit wala akong nararamdamang antok. Sa tagal ng inuman kanina, naka dalawang bote lang ako atsaka ako umayaw. Nung una kinukulit pa ako ni Apo na uminom pa pero hindi talaga ako nagpadala. I really limit my alcohol intake now.

Kinuha ko nalang ang towel atsaka nagpasyang mag shower. Paglabas ko ng kwarto kasabay 'non ay ang paglabas din ni Boun.

"Tol, hindi ko na kaya! Sa baba ka na maligo! Jebs na jebs na 'ko!" aniya at namimilipit na tumakbo sa banyo. At talaga nga namang inunahan ako!

Naalala kong sinabi rin naman nila Billkin na basta walang gumagamit sa banyo sa first floor, pwede namang gumamit don huwag nga lang tatapat sa schedule ng pagligo nila sa umaga.

Bumaba ako atsaka nakita ang schedule na naka-dikit sa pinto ng banyo. Alas otso pa pala ng umaga maliligo si Billkin bukas dahil siya lang naman ang may pasok. Agad akong pumasok para mabilis na mag-shower.

Matapos mag-shower, paakyat na sana ako ng makita ang nakaupo sa kusina na si Win. May apat na bote rin ng alak sa harap niya. Nagtama ang mga tingin namin..

"Inom tayo?" para namang nagulat pa ako sa bigla niyang pag anyaya sakin. I mean, syempre bago lang ako dito at ang yayain ako talagang nakakagulat.

Dahan dahan akong naglakad palapit sakanya. Naisip kong uminom nalang ng fresh milk kesa alak kaya kumuha muna ako sa ref bago umupo sa harap niya.

"Ayos ka rin pala kainuman ah, fresh milk?" nakangisi niyang sambit. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Mukhang naka-inom na.

"Oh, gising pa kayo?" napatingin kami kay Nanon na pababa ng hagdan. Saved by the bell. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin kung dalawa lang kami ni Win gayong hindi naman kami talaga magkakilala.

Nagtanguan sila ni Win. Umupo sa tabi ko si Nanon.

"Hindi ako makatulog.. Kamusta, Win?" tanong niya kay Win na nasa harap namin.

"Hindi okay?" aniya na parang may nakakatawa sa sinabi niya pero kita naman ang lungkot sa mga mata niya.

Nagkatinginan kami ni Nanon. "Kaya pala ikaw umuubos ng alak kanina e." aniya. Ngumisi lang si Win.

Akala ko pa naman makakatulong na nandito si Nanon, pero parang tumahimik lalo. Tinignan ko si Nanon na nakatingin lang din kay Win. Parang tinatansya niya. Hindi ko rin alam. Tahimik akong uminom ng fresh milk.

"Pwede ba akong magtanong?" si Nanon. Win looked at him.

"Sayo." sabay sabi sakin ni Nanon. I almost pointed myself. Akala ko kay Win.

Nakita kong nakatingin din sakin si Win. "Ask away." I said to Nanon.

"I really don't wanna pry, hindi ko rin nagawang itanong na pagdating mo dito.. Pero iniisip ko padin kasi talaga.."

Mukhang alam ko na kung ano 'to.

"Hindi ka nakasabay sa graduation nila Ohm?" he asked. Of course he will ask this. Hindi nga lang niya tinanong nung una naming pagkikita.

"I'm sorry, alam kong hindi naman talaga tayo magkaibigan. It's just that.."

"Something happened. I graduated but.. I had to postpone taking my boards. Gusto nga akong sabayan 'non ni Ohm, pero hindi naman pwedeng huminto yung mundo niya dahil lang huminto yung akin. That's not what friends are for." mahaba kong litanya. Nakita kong nakikinig lang si Win.

Bienvenido A CasaWhere stories live. Discover now