Chapter Eight

685 52 2
                                    

Hike

After that night, I decided to respect Win's decision. And that is for me to remain as his friend. His companion.. I thought maybe I was just swayed by emotions that I forgot to think. Nonetheless, I'm contented with what we have now. 

I was about to drink water when I saw that my tumbler's empty. Saktong kakatapos lang ng lecture ng instructor. Hindi naman na siya nag-overtime dahil inexplain niya lang samin kung paanong nakuha ang mga sagot sa bawat problem. 

Dala ang dalawang pancit canton sa kamay, bumaba ako habang hinihimas ang batok. Sakto namang naabutan ko si Boun, may kasama siyang hindi pamilyar na lalaki. Nasa kusina din si Nunew.

"Oh, Bright good afternoon." bati ni Boun

Tumango lang ako. "Si Prem nga pala. Best friend ko." pagpapakilala niya sa kasama.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero mabilis na nagbago ang reaksyon nung Prem pagka-banggit ng  best friend. Mabilis rin naman siyang nakabawi ng magtama ang paningin namin. I mentally shrugged and proceeded to get some water para maka-luto ng meryenda.

"Alam niyo na ba?" rinig kong sabi ni Nunew

"Ang alin?" Prem asked. Mukhang magkakakilala na talaga silang tatlo.

"Si Billkin, dine-date yung sassy, cold-hearted chic sa marketing department!"

Dahil hindi pa naman kumukulo ang tubig, nagpasya akong makinig sa usapan nila. Sa lahat ng boarders, sa tingin ko bukod kay Win susunod na may pagka-misteryoso si Billkin. O siguro talagang he just keeps his low profile image, sabi nila Nanon.

"Si PP?" napatingin ako sa biglang sumabat na si Nanon. Saktong kararating lang galing eskwela, chismis agad ang inatupag.

Patuloy lang din naman akong nakinig habang binubuksan isa-isa ang pancit canton.

"Hala, oo nga pala crush mo siya Nanon diba?!" Nunew revealed kaya agad akong napatingin kay Nanon. He then looked at me with wide eyes.

Pailalim niyang pinalo si Nunew, pero kita ko naman. "Aray! Namamalo ka dyan?!" angal ni Nunew

"Ex-crush. Fyi lang." paglilinaw ni Nanon. Wala naman akong sinasabi, bat ang defensive ng kilos niya?

"Teka nawala na yung chismis sa bigla mong entrada Nanon eh," ani Boun

"Narinig ko lang sa org mate ko na crush din si PP, na ayun nga dine-date si Billkin! Akalain mo nga naman! Sa pihikang yon ni PP, si Billkin pa ang napili!"

"Swerte.." side comment ni Nanon. Crush niya nga.

"Swerte 'don, eh may pagka-pusong bato yon si PP! Cold-hearted chic nga bansag diba? Tsk, nag-aalala tuloy ako para sa tropa natin.." seryosong sabi naman ni Boun

"Tropa mo lang kasi taga-libre tuwing biyernes! Huwag kami, Boun!" natatawang sabi ni Nunew

Napangisi nalang din ako. "Seryoso ako! Unang relasyon 'to ni Billkin ha?"

We're all aware of that. Sa ilang biyernes na magkaka-kwentuhan kaming mga lalaki dito sa bienvenido syempre hindi mawawala ang usapang pag-ibig. Wala nga lang akong maiambag nung mga panahong 'yon dahil hindi ko pa naman nararamdaman.. Unlike now..

Pero wala naman din akong balak sabihin sa kahit sino sakanila ang kung anong namumuo kong feelings para kay Win. Besides, ilang buwan nalang din ay babalik na din ako sa Maynila.

Maybe I'm just infatuated. Masyado lang din siguro akong nadala sa pagiging kuryoso sa mga bagay bagay. I don't know. Time will tell what I'm really feeling for him. Ayaw ko rin magpadalos dalos dahil unang beses ko lang maramdaman 'to. For now, it's really better we just keep our relationship as friends.

Bienvenido A CasaWhere stories live. Discover now