Epilogue (3/3)

1K 73 28
                                    

You've come to the final epilogue of Bienvenido A Casa. Thank you so much! 'Til my next story! 

----

Agad kong pinuntahan ang address na binigay sakin ni Papa. Habang nagmamaneho, nililista ko na sa isip lahat ng tanong na gusto kong tanungin sa Mama ko. Kung tatanungin ako kung nagalit ba ako sakanya, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Pero habang lumalaki ako, instead of anger, mas nangingibabaw na sakin ang mga tanong sa isipan. Atsaka ko rin mas napagtanto na wala namang mapapala ang galit ko. Masyado nang galit ang mundo sakin para pati galitin ko din ang sarili ko. 

"Tao po.." matapos ang maka-ilang pagtatanong tanong ay sa wakas nakarating ako sa patutunguhan ko. 

"Tao po-" 

"Sandali!" rinig kong sabi ng isang lalaki.. 

Nang magtama ang mata namin, mababakas sa mukha niya ang pagka-gulat. 

Pagpasok sa bahay, agad na bumungad sakin ang litrato ng isang pamilya. Wala man akong malinaw na ala-ala kay Mama ay may naitabi naman akong picture niya kaya alam kong siya ang babae sa litratong tinitignan ko. Sa tabi niya ay ang isang lalaking may bigote, naka-akbay ito kay Mama habang hawak naman ni Mama ang isang batang... lalaki. 

Napatingin ako sa kaharap. 

"Win, right? Upo ka. Naghapunan ka na ba?" 

"Okay lang, salamat." I said and I sat down. Hindi na niya kailangan pang sabihin, dahil pakiramdam ko ay kilala ko na siya. 

"I'm Mix. Your.. step-brother." 

I already anticipated this, pero iba parin pala ang pakiramdam kapag nakumpirma mo. 

"I believe you're here to meet our mother." dagdag niya pa 

"Sa totoo lang, hindi ko na rin naisip na hahanapin ko si Mama. Pero nung tumuntong ako ng college, atsaka ko napagtanto na may mga tanong ako sa isipan, na kailangan niyang masagot. Kahit hindi niya na ako tanggaping anak niya, masagot niya lang lahat ng tanong ko.." nagsisimula ng sumikip ang dibdib ko 

Napayuko si Mix. 

"6 years old ako nung kinailangan umalis ni Nanay para magtrabaho. Si Tatay kasi natanggal sa trabaho dahil meron na pala siyang malubhang sakit. Si Tiya Cora ang nag-alaga sakin pati na rin kay Tatay, habang si Nanay ay nagpasyang mamasukan bilang katulong.." 

"...'doon niya nakilala ang Papa mo. Bago pa man magka-sakit si Tatay, ang kwento sakin ng Tiya ay nagkakaron ng lamat ang relasyon nila ng Tatay ko. Kaya rin siguro hindi nasabi agad ni Tatay ang tungkol sa sakit niya dahil sa takot niyang iwan siya ni Nanay. Pero nakita ko naman ang kagustuhan ni Nanay na mapagaling ang Tatay ko kaya nagsakripisyo siyang malayo samin.. Sakin.. para matustusan lahat ng pangangailangan namin.." 

Nanatili akong nakikinig. 

"..Hindi ko lang inaasahan na babalik siyang may dalang sanggol." 

Nangunot ang noo ko sa nalaman. 

"Inuwi ka niya rito, Win. Sa murang edad, hindi ko naintindihan lahat pero isa lang ang sigurado ako. Na galit ako sa presensya mo. Na bakit mag-isa lang naman si Mama nung umalis siya, bakit pagbalik niya may kasama na siya na sinasabi niyang kapatid ko? Pero habang tumatagal, naintindihan ko na wala kang kamuwang muwang.. Wala kang alam sa mga nangyayari kaya bakit ako magagalit sayo? And that's when I started to be a brother to you..." 

"Wala akong... naaalala," napapaos kong sabi 

"Because you were too young to remember. Hanggang sa lumubha ang sakit ng Tatay, dumoble ang gastusin, dumagdag pa na kailangan kang tustusan ni Mama.. Halos magkanda-kuba kuba na siya para lang satin.. Hanggang sa dumating yung araw na nagka-sakit ka.. Magdadalawang taon ka na ata 'non, sinugod ka namin sa ospital.. At lahat ng perang inutang ni Mama napunta sayo.. Kahit parehong.." pinalis niya ang luha niya bago nagpatuloy 

Bienvenido A CasaWhere stories live. Discover now