Chapter Two

754 52 5
                                    

Seventh

Nandito kami ngayon ni Nanon sa backyard kung saan may table at mga upuan. Walang nagsasalita saming dalawa. Parehong gulat sa presensya ng isa't-isa.

"Pano mo nalaman na nandito ako?" he finally asked after a few minutes of silence.

Akala niya ba siya ang pinunta ko dito?

"I didn't even know you're here Nanon." seryoso kong sabi. He sighed.

"Then why are you here?"

"The situation in Manila's not getting better anytime soon. Ang hirap kumilos lalo pa I'm studying for my boards." paliwanag ko.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka ng banggitin ko ang tungkol sa boards. Akala ko tatanungin niya pa ako kung bakit hindi ako nakasabay mag-board exam sa mga ka-batch ko but instead he just kept quiet.

"I really didn't know you're here. A friend of mine knew of this place. At isa pa, ano naman sakin kung malaman kong nandito ka?" saad ko

"You know that my break up with your friend didn't end up well." pagtutukoy niya kay Ohm.

Nanon is Ohm's ex. Halos dalawang taon na ata silang hiwalay. Ang alam kong dahilan ng hiwalayan ay third party dahil lang sa mga usap-usapan. Ohm didn't even bothered to tell us why they broke up and we absolutely respected his decision. And then we just knew that Nanon transfered to another school. Buong akala namin sa ibang school lang siya lumipat, sa ibang lugar din pala. Ganon ka-grabe ang rason ng hiwalayan nila na kinailangan niya pang lumayo?

"I am in no position to meddle with your unresolved issue with Ohm. He may be my friend but... actually we never did talk about you the past two years.. Maging ako nagulat na nandito ka." I truthfully said.

Natahimik nalang siya. He then stood up, "I just hope you don't tell him about me staying here."

"You're fully aware that Ohm's my best friend right? Habang kaibigan ko siya, kahit ano pang pilit mong pagtatago magtatagpo at magtatagpo ang landas niyo."

Wala din naman akong balak na sabihin pa kay Ohm dahil nga ayaw ko rin naman malaman nila kung nasan ako. It's just that maliit ang mundo, hindi imposibleng magtagpo talaga sila.

"Gusto ko lang masigurado na hindi mo babanggitin sakanya."

I sighed, "You have my word."

--•--•--

Nanon was kind enough para ihatid ako sa kwarto ko. Pagbukas ko, medyo malaki rin pala yung kwarto. Hindi na rin masama.

"Nasabi ba ni Nunew sayo na dalawa lang yung bathrooms dito? Isa dito sa second floor tapos sa baba. Pero tayong mga nandito sa second floor ang kwarto syempre dito din yung bathroom."

"Ahh, sige.."

"Sunday kasi, umuwi yung mga boarders sa mga pamilya nila kaya walang tao dito. Sa friday makilala mo naman din sila lahat." bahagya pa akong nagtaka kung pano, tapos naalala ko yung rule ni Tatay Berting na every Friday sabay sabay maghahapunan.

"Bukod nga lang sa katapat mong kwarto." dagdag ni Nanon habang naka-hawak parin siya sa doorknob samantalang nakaupo na ako sa kama.

"Tapat ng kwarto ko?" I asked

Pumasok si Nanon sa kwarto at bahagyang sinara ang pinto.

"Sa tagal ko dito, hindi ko pa nakakasabay kumain tuwing biyernes yung boarder sa tapat ng kwarto na 'to."

"Why is that?" I curiously asked.

"Aloof talaga siya sa mga tao eh? Basta pagdating ko din dito, hindi ko pa masyadong nakakahalubilo si Win."

Bienvenido A CasaWhere stories live. Discover now