Chapter Three

752 58 16
                                    

Governor's Son

The first few days here was okay. Minsan nakakasabay ko sa kusina si Nanon pero hindi rin naman kami nag-uusap. Hindi ko na rin nakitaan pa ng rason kung bakit kami mag-uusap gayong hindi naman kami talaga magkaibigan. Nung naging sila naman ni Ohm, parang sa isa't-isa lang din umikot yung mundo nila. Samantalang ako puro sa pag-aaral lang, paminsan minsan sa pag-gigitara.

Pagdating naman sa pagkain, may kanya kanyang partition na rin ang two-door ref. Napag-alaman kong binili 'yon ni Billkin, ang rich kid ng bahay kung bansag nila Boun at Nunew. Sinabihan naman ako ni Tatay Berting na kung kaya ay mag-grocery na ako ng pang dalawang linggo. Mahirap pala ang transpo dito sa barangay namin, looban kasi at ang Bienvenido lang naman ang tanging bahay na nakatirik sa banda rito. Kaya pala halos lahat din sila kung hindi may motor tulad ni Boun at Nunew, may kotse tulad ni Billkin, Apo, at Nanon. Nasa kabilang lote naka-park kaya hindi ko na rin napansin.

Nakaupo ako sa study table at napatingin sa bintana. Atsaka ko naalala na Biyernes ngayon. Sa halos limang araw kong pananatili dito, hindi ko nga ni isang beses man lang nasilayan si Win. Yung tao sa tapat ng kwarto ko. May takot ba siya sa mga tao o kung ano man? Bumababa nanaman daw siya kwento ni Nunew nung isang araw.

"Si Win? Dalawang rason lang para bumaba yon. Una para umalis, pangalawa para mag-luto. Pero sobrang dalang nung mag-luto. O baka hindi lang namin alam. Ang tahimik kasi kumilos non e." pag-kwento niya

I tapped my fingers on the table. Kanina pa ako nagrereview kaya nagpasya akong magpahinga. Pero hindi ko alam kung bakit nasama sa pagpapahinga ko ang pag-iisip sa Win na 'yon. I don't know. It's the curiosity in me. Eversince childhood, I'm the type of person who gets easily curious. Minsan nga sabi ng mga pinsan ko bawas-bawasan ko raw ang pagiging kuryoso sa mga bagay. I mean why not? I learn a lot of things just by getting curious.

"Bright.. kakain na daw." rinig kong sabi ni Nanon matapos niyang kumatok.

Napatingin ako sa orasan. Alas sais palang ah?

"Sunod ako." I said as I fixed my study table. I guess this is enough for today. Bukas nalang ulit. Wala pa namang klase sa review center, next month pa magsisimula pero nag-aadvance review na ako.

Halos isang taon din akong nawala sa momentum sa pag-aaral kaya pakiramdam ko hindi magiging sapat ang mga ituturo sa review center.

Inayos ko ng bahagya ang salamin pagbaba ko ng makitang wala sila sa kusina. Hanggang sa narinig ko ang malakas na tawanan na nanggagaling sa bakuran.

"Naging professor mo rin pala yung terror na 'yon." ani Boun kay Apo

"Nakooo! Kilala yon sa engineering department talaga!" si Apo

"Oh, Bright iho!" si Tatay Berting ng makita ako. Kasalukuyan siyang nag-iihaw ng bangus.

"Magandang gabi po." Bati ko.

"Uy, pasensiya ka na hindi ako pormal na nagpakilala ah? Billkin nga pala." aniya matapos lumapit sakin atsaka naglahad ng kamay. Agad ko namang inabot ito.

"Bright." tipid kong sabi

"Upo ka." aniya

"May delivery daw?" si Nunew na galing sa kusina dala ang mga plato.

"Ay! Akin 'yon!" ani Billkin

"Mukhang may pa-chibog nanaman ang rich kid ng bahay.." bulong ni Nunew kay Boun.

"Busolb nanaman tayo tonight." bulong pabalik ni Boun.

At bumalik nga si Billkin na may dalang dalawang bilao. Isang pancit at isang puto. Naghiyawan ang lahat. Tipid akong ngumiti.

Bienvenido A CasaWhere stories live. Discover now