22

1.3K 25 0
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.




CHAPTER TWENTY-TWO






INABOT ni Timotheos ang itim na hooded sweatshirt at sinuot yun bago nagmamadaling lumabas ng kwarto.

"San punta mo?" tanong ni Samuel habang nasa may hagdaanan. "I saw Isabel, nasa kanto."

"Ah, talaga?" patay malisya niyang wika at nilagpasan ang kapatid.

"Tinatago niyo ba talaga yung relasyon niyo?" anito habang nakasunod sa parin kay Timothy.

"Tigilan mo ako, Samuel." saway niya sa kapatid at umupo sa couch para mag suot ng sapatos.

"Oh my! may lakad ka ba, anak?" nakangiting wika ng Mommy niya na may bitbit na bag.

"I'm going to check the club, Mom." aniya sa ina.

"Isabay mo na si Isabel, she's going to manila too." nakangiting wika ng Mommy nila habang may nilalagay sa bag nito.

Nagkatinginan sila ni Samuel, his brother was laughing habnag papunta ito sa kusina.

"Alis na ako. I'll be back tomorrow." hinalikan niya ang ang pisngi ng ina bago lumabas.

Ginamit niya ang kotse at agad yung pinasibad, tinigil niya yun sa may kanto ng makita si Isabel.

Sandali siyang natulala sa ayos ng dalaga, she's wearing a moss green checkered dress na simple lang.

Her long hair was straightened at nakalugau lang, mahaba yun at bumagay kay Isabel.

Staka lang bumalik sa sarili si Timothy ng katukin ni Isabel ang bintana.

"Sh*t, I'm sorry." agad niyang binuksan ang front seat.

Sumakay si Isabel at tumingin sa kanya, "Okay ka lang?" anito habang kinakabit ang seatbelt.

Nakatitig parin siya sa dalaga kaya napatigil ito sa ginagawa.

"What?" kunot-noo nitong tanong at umayos ng upo.

"Wala, ang ganda ng girlfriend ko." he smiled bago pinaandar ang kotse.

Isabel smiled at tinoon ang mata sa labas, mayamaya ay kinuha ni Timothy ang isa niyang kamay.

Nasa ganoon silang ayos hanggang sa makarating sa manila, bibitawan lang ni Timothy ang kamay niya kapag kailangan.

Nag park si Timotheos sa mall at agad silang bumaba ni Isabel, maaga pa naman kaya madami pa silang oras bago ang lunch mamaya ng buong staff ng club ni Timothy.

"Let's go." yaya niya sa dalaga at magkahawak kamay na pumasok sa mall.

"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya kay Isabel habang nililibot ang tingin sa mall.

"You said you need new clothes." anito.

Tumango si Timotheos, "Yeah, ikaw na ang pumili."

"Okay."

Magkahawak kamay silang pumasok sa isang malaking boutique na puro panlalaki ang mga damit.

"Good morning, Maam and Sir!" masiglang bati ng apat na staff.

Binitawan ni Isabel ang kamay niya at naglakad ito patungo sa mga rack.

MEN IN SUIT 2: Timotheos Eliades (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon