25

1.3K 28 0
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

*I was listening to Ghost by Justin Bieber while writing this.*





CHAPTER TWENTY-FIVE






SIGURADO si Timotheos na nasa loob ng kwartong yun si Isabel at kasama nito si Tyler.

Alam niya ang mangyayari sa kanya kapag hindi niya sinunod ang misyon nila pero wala na siyang pakialam.

Biglang bumukas ang alarm ng building at may paparating na mga tauhan ni Tyler.

Mabilis na sinipa niya pabukas ang kwarto at nakitang walang malay si Tyler habang nakatayo naman si Isabel.

"Timotheos?" gulat na wika nito.

Hindi siya nagsalita, hinila niya ang dalaga palabas. Sakto naman na nasa malapit na ang tauhan ni Tyler na may bitbit na mga kutsilyo at baseball bat.

Tumakbo sila sa mahabang hallway, nakalimutan na niya ang plano. Ang nasa isip niya nalang ay ang ilayo si Isabel doon.

May nakasalubong silang limang tauhan ni Tyler na agad silang inatake. Mabilis na sinangga ni Timothy ang baseball bat at sinipa sa tiyan ang lalaki.

Tinumba niya ang apat pa pero nakatayo ang isa at hindi napansin ni Timothy ang pag saksak nito ng kutsilyo sa tiyan niya.

Hinawakan niya ito sa ulo at malakas na tinulak ito sa pader, hinila niya ulit patakbo si Isabel at naghanap nang malalabasan.

Pero dulo na yun ng hallway at hindi niya mabilang ang dami nang tauhan ni Tyler na nakasunod sa kanila.

Hinawakan niya ang kamay ni Isabel at tinago ito sa likod niya, alam niyang kaya ni Isabel ang sarili niya.

She knows how to fight, pero sa dami nang tauhan ni Tyler at may mga kutsilyo pa ang mga ito ay sigurado siyang isa man doon ay matatamaan si Isabel.

His wound is deep kaya pag mas gumalaw siya ay alam niyang mauubos ang dugo niya.

He was about to fight nang biglang may pumito sa hallway kaya dumako doon ang atensyon nang mga tauhan ni Tyler.

May matangkad na lalaki na naka hooded jacket na may bitbit na metal baseball bat ang nakatayo doon.

Without hesitation ay mabilis nitong napatumba ang mga lalaki at senenyasan siyang lumabas.

Agad niyang hinila si Isabel palabas, sa backdoor sila dumaan. Hawak na nang mga pulis sina Reyes at Santos pero hindi niya nakita si Tyler.

"Isabel, the police will help you." hinawakan niya ang pisngi ng dalaga. "May kailangan pa akong gawin."

Napatingin ang dalaga sa isa niyang kamay, agad niya yung tinago pero huli na dahil nakita na ni Isabel ang dugo sa palad niya.

"You're bleeding.." alala nitong tanong.

"I'm fine, just do as I said at wag kang magsalita."

Labag man sa loob ng dalaga ay tumango ito at agad na umalis sa tabi niya.

"You're an idiot, alam mo ba yan?" wika ni Black na nasa likuran na niya.

Hindi siya nagsalita, pinusasan siya ng dalawang kasama ni Black at dinala sa isang itim na van.

MEN IN SUIT 2: Timotheos Eliades (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα