12

1.6K 30 5
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.





CHAPTER TWELVE





HINDI alam ni Timothy kung anong oras siya nakatulog katabi si Isabel, the sun is already shining ng magising siya.

Isabel is on the other side of the bed habang nakatalikod sa kanya.

Doon lang siya nataranta ng biglang may kumatok sa kwarto ni Isabel.

"Isabel? Baby wake up, madaming gagawin ngayon." sigaw ng Mommy nito.

Napabalikwas ng bangon si Isabel at kamuntik ng mahulog sa sahig, but Timothy grabbed her by the waist para hindi ito tuluyang mahulog sa sahig.

"Should I help you get ready?" wika ulit ng Mommy nito at akmang bubuksan ang pinto.

"No, Ma! I'm going to shower." kalmadong wika ni Isabel habang nakatingin sa kanya.

Pareho silang nakahinga ng maluwag ng umalis na sa labas ang Mommy ni Isabel.

They immediately stood up, binuksan ni Timothy ang balcony at kamuntik ng mapamura ng malakas ng makita ang madaming tao sa labas.

"Sh*t I forgot, ngayon pala yung fiesta." aniya bago hinubad ang Jacket.

"Should I help you?" alanganing wika ni Isabel bago napatingin sa madaming tao sa labas.

May naghahakot ng bangko at mga mesa patungo sa front yard at ang iba ay naman ay may mga gamit na bitbit na kakailanganin para sa handaan.

"No, I don't want you getting in trouble because of me."

Ginulo niya ang buhok ng dalaga bago lumabas sa pintuan, walang tao sa hallway pero maririnig ang ingay sa ibaba.

Yumukod siya sa may hagdanan para makita ang mga tao doon, all of Isabel's brothers ay nandoon sa sala.

Pumasok siya sa isa sa kwarto at dumungaw sa sliding window, the only side that's not busy ay doon sa may likuran.

Doon siya sa bintana dumaan, sumampa siya sa may puno bago lumapag ng walang ingay sa lupa.

Ngayon problema nalang niya kung paano makakalabas sa bakod, matayog ang bakod at hindi yun kayang akyatin at wala pang kahit anong pwedeng magamit pag akyay doon.

So, front gate lang talaga ang choice niya.

Agad siyang yumukod ng makarinig ng mga yabag, may lalaki ang nagbubuhat ng bangko at dumaan doon.

Nilapag nito sandali ang bangko at umupo sa may damuhan, tinanggal ng lalaki ang sumbrero at mukhang pagod na pagod.

Ilang segundo pa lang ang lumipas ay may nagtawag ditong babae na mukhang strikta.

Tarantang tumayo naman ang lalaki para tumakbo patungo sa tumawag at naiwan pa ang sumbrero nito.

"Naku! Hindi yan para dito!" saway ng isa sa katulong. "Magagalit si Maam niyan!" anito at halatang stress na stress na.

Hinablot ni Timothy ang sombrero sa damuhan at sinuot.

Kinuha niya ang bangko at pinasan, he tried hiding his face as much as possible.

"Naku! Boy, ialis mo yan dito at sa harapan ang pwesto niyan! Naku naman." sigaw ng kasambahay bago padabog na bumalik sa loob.

Kampanteng naglakad si Timothy palabas ng gate, walang nakapansin sa kanya.

MEN IN SUIT 2: Timotheos Eliades (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant