26

1.5K 35 7
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.





CHAPTER TWENTY-SIX





MUNTIK nang matumba si Timotheos nang makita ang kalagayan ni Isabel, kung hindi pa siya tinulungan ni Samuel para makapasok doon nang hindi nalalaman nang pamilya ni Isabel ay hindi niya makikita si Isabel.

Napahawak siya sa ulo, gusto niyang magwala at sumigaw.

He's too late.

He promised to protect her, pero nong mga panahon na kailangan siya nito ay hindi siya dumating.

Wala siya doon para ma protektahan ang dalaga, he felt useless.

Sobra ang galit na nararamdaman niya sa sarili niya, he wanted to cry and hurt himself.

Hindi niya alam kung may mukha pa siyang ihaharap kay Isabel.

Nasa isip niya na kung hindi lang sana siya nakipag lapit sa dalaga ay hindi ito mangyayari, hindi ito masasaktan.

If only he stopped himself from loving her too much, hindi niya kamumuhian ang sarili.

"Kuya, let's go." wika ni Samuel at sinuot ang surgical mask.

Wala na siyang nagawa nang hilahin siya paalis nang kapatid, wala sa sariling naglakad siya.

Hindi din niya namalayan ang pag tulo nang luha niya.



Hindi alam ni Timotheos kung paano siya nakabalik sa bahay ng Lolo niya, he felt empty.

He felt numb.

Every day he was tortured, pero ni isang sakit sa katawan ay wala siyang maramdaman.

He was just staring at the air, para siyang robot na walang buhay. He received his punishment for a whole year.

Hanggang sa makabalik siya sa trabaho ay pinili niyang magpa assign sa pinaka malayong lugar at pinaka delikado.

For five years, namuhay nang tahimik si Timotheos.

He never contacted anyone from his past, nilayo niya ang sarili sa lahat.

Binunot niya ang kutsilyo na tumama sa tagiliran niya bago pinatumba ang lalaki sa harap.

Another successful mission.

"Tim.." tawag ni Nyx sa kanya na may dalang first aid kit.

Nakaupo siya sa gilid ng kama niya habang nakatingin sa kawalan.

"Hm?" aniya at tumingin dito.

Nakatingin lang sa kanya ang babae hanggang sa bumuntong-hininga ito at tumabi sa kanya.

Tumingin ito sa sugat niya at nilabas ang gamot sa box, pinahiga siya nito at nagsimulang gamutin ang sugat niya.

"Buti nalang hindi malalim pero kailangan parin to gamutin." anito at nagsimulang linisan ang sugat.

Pagkatapos lagyan nang gamot ay tinakpan ni Nyx nang bandage ang sugat niya at may inabot na gamot dito.

"Pain reliever." anito.

Umiling si Timothy, "It's fine."

Sanay na si Nyx na ganoon si Timothy, military nurse si Nyx at doon niya nakita ulit si Timotheos.

MEN IN SUIT 2: Timotheos Eliades (Completed)Where stories live. Discover now