35

1.4K 27 1
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.








CHAPTER THIRTY-FIVE









AFTER finishing their meal ay sandali lang silang nagpahinga at naghanda para mamili ng groceries at mga kailangan nila para sa ilang araw na stay nila doon.

For the first time simula ng magkita sila ay ngayon lang ulit niya nakitang suot ng dress ang dalaga.

Nakalugay ang itim at kulot nitong buhok at may manipis na make-up. Her yellow dress makes her more attractive.

“Let's go?” anito ng makitang nakatulala siya.

He smiled at Isabel, “Wag nalang tayong umalis.” niyakap niya ang dalaga sa beywang.

Sinamaan lang siya nito ng tingin bago nauna palakad sa bridge.

Napailing-iling na sumunod siya sa dalaga, inakbayan niya ito habang patungo sila sa kotse.

Pagdating niya doon ay ibang kotse na ang naka park, he wasn't surprised. Pinagbuksan niya ng pinto si Isabel bago sumakay sa kotse.

Sa kabilang bayan pa sila namili, although their appearance in work at sa private life nila ay iba.

It's still better to be safe than sorry.

Pumasok sila sa isang kilalang mall na wala masyadong tao.

They got all they need from foods to basic needs, pati mga damit ay bumili na din sila. He let Isabel do the food buying dahil alam niyang mahilig itong mag luto.

“Ihahatid ko lang to sa kotse, wait for me here.” wika niya sa dalaga na naka tayo sa gilid ng isang boutique.

Tumango si Isabel bago pumasok doon, samantalang si Timothy ay tinulak ang malaking cart patungo sa kotse.

Hindi naman siya umabot ng ten minutes sa paglalagay ng pinamili nila sa kotse kaya agad din siyang naglakad pabalik.

He was about to call Isabel's phone ng may lumapit sa kanyang babae. The girl looks familiar.

“Nyx?” takang wika niya sa babae.

“Hi! Nagulat ako nakita kita dito.” nakangiting wika ng babae.

Kasamahan niya si Nyx sa ibang bansa, noong nag volunteer siyang magtrabaho sa malayo para makalimutan si Isabel.

He couldn't forget her dahil ilang beses itong nagpa hiwatig ng pagka gusto sa kanya and he wasn't surprised when he saw the name of the person who told Isabel's family about his secret.

It was Nyx.

“Na miss ka namin.” anito. “Are you free? should we grab lunch?”

He wasn't dumb. Pag pasok pa lang nila sa mall ay alam na ni Timotheos na may nakamasid sa kanila.

Hindi naman niya akalain si Nyx yun kaya sinadya niyang iwanan si Isabel sa loob ng mall.

“You really think na hindi ko alam?” aniya na sumeryuso ang mukha.

Kumunot ang noo ng babae sa sinabi niya, “Huh? What are you talking about?”

“I was just glad to see you, masama ba yun?” ani ng babae at mukhang nasaktan.

MEN IN SUIT 2: Timotheos Eliades (Completed)Where stories live. Discover now