27

1.2K 24 1
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.






CHAPTER TWENTY-SEVEN







MASAMA ang tingin ang pinukol ni Timotheos kay Red na tumatawa, hinampas niya sa dibdib nito ang file na nakuha niya kanina.

"Oh come on bro, don't be mad." natatawa paring wika ni Red.

"It was a test for Isabel." sabat naman ni Black na nakalapit na sa kanila.

Kinuha nito ang file kay Red at inabot sa isang lalaki, mabilis naman na nilagay nang lalaki ang files sa pinaka ilalim ng stroller na hawak-hawak ng kasama nitong babae na naka dress.

The two calmly walked away with the stroller like a normal couple.

Hindi umimik si Timothy, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya nang makilala si Isabel sa ilalim ng mask nito.

Sumakay na sila sa kanya-kanya nilang sasakyan at pa iba-iba nang route patungo sa headquarters.

Dumeretso siya sa office ng head nila at nandoon na si Red at Black. Habang nagsasalita ang head nila ay wala sa sarili si Timothy, he can't focus.

"Timothy, do you understand me?" ani ng head nila.

"Yes sir!" mabilis niyang sagot kahit sa totoo ay hindi niya naintindihan ang sinabi nito.

"I already sent someone para pumapalit sayo sa dati mong pwesto, so you can focus on training the newbies." dagdag nito bago sinara ang hawak na files.

"Sir?" kunot-noo niyang tanong.

"Did you not understand what I said earlier?" anito.

Napamura si Timothy sa isip, "I understand, Sir."

Wala siyang imik habang naglalakad sila sa hallway, hindi parin ma absorb ng isipan niya ang nangyari kanina.

"Magagaling yung mga newbies ngayong taon, Bro. Mas okay naman yung ganito para magkakasama na tayo ulit kaysa naman doon ka sa bundok." ani ni Red.

Hindi parin siya kumibo hanggang sa nasa tapat na sila ng isang maliit na kwarto, "I'll see you tomorrow." tipid na ngumiti siya sa mga ito bago pumasok sa kwarto.

Hindi siya nakatulog, kahit na pagod ang katawan niya ay hindi niya magawang makatulog.

Hindi nawawala sa isip niya ang mukha ni Isabel, ilang tao na ng ba noong huli niyang nasilayan ang mukha ng dalaga?

Noon pang pa sekreto siyang pumunta ng America para makita si Isabel, he was checking if her therapy went well.

Hanggang sa mag madaling araw ay hindi siya nakatulog kaya minabuti niyang lumabas nalang sa kwarto at mag jogging.

Hindi pa siya nakakakayo ay natanaw niya sa may ground si Isabel, hindi niya alam kung kanina pa ba ito tumatakbo.

He hid himself behind a tree at palihim na pinagmamasdan ang dalaga.

Walang pinagbago ang ganda nito,She was still the same Isabel na nakilala niya ilang taon ang nakalipas.

Nakita niyang huminto si Isabel sa pag takbo at napangiwi habang hawak ang isang binti nito.

Automatically, his feet moved pero agad din siyang tumigil at hindi tinuloy ang paglapit sa dalaga.

His subconscious is telling him, he doesn't deserve to talk to Isabel or even be near him. He shrugged those thoughts at lumiko pabalik sa kwarto niya.

MEN IN SUIT 2: Timotheos Eliades (Completed)Where stories live. Discover now