31

1.4K 27 1
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.









CHAPTER THIRTY-ONE






PAGPASOK pa lang ni Timotheos sa club ay halos puno ang club sa dami ng tao, kung dati ay comforting sa kanya ang ganon ngayon ay naiirita na siya sa ingay.

"Hi! can I offer you a drink?" may isang babae na naka fitted dress ang sumalubong sa kanya. "Ang tagal nating hindi nagkita."

"Omg, Timothy? What the- is that really you?" gulat na wika ng isa pang babae na lumapit sa kanya.

He recognized her face pero hindi niya maalala kung ano ang pangalan nito, basta ang naalala niya ay naging ka klase niya ito dati.

He smiled at her, "I'm here for my girlfriend." aniya at akmang lalampasan ang mga ito pero humawak ang dalawa sa braso niya.

"Oh come on, ang tagal na nating hindi nagka bonding ng ganito!" ani ng isa habang nakayap sa kanya.

"Ni hindi ka man lang tumanda, what's the secret? blood?" ani naman ng isa sabay tawa.

Nilibot niya ang tingin at nakita si Samuel na sumsenyas sa kanya, sa gilid nito ay nakaupi si Isabel habang kausap ang isang lalaki.

"I really need to go." hinawi niya ang dalawa at naglakad patungo sa counter.

"One Vodka Martini." aniya sa bartender.

"Right away, Sir." nakangiting wika ng lalaki at agad inasikaso ang order niya.

Kitang-kita niya sa pwesto sina Samuel, nasa harap nito sa Isabel habang kinakausap ito ng katabi nitong lalaki.

He was already irritated by the man dahil sa mukha itong mahangin at manyak. Nakita pa niya itong aakbay sana kay Isabel pero agad itong sinaway ni Samuel.

"Kakauwi mo lang dito mag lalasing ka kaagad?" wika ng bagong dating na si Red kasunod si Noir na mukhang bad trip.

Umorder ang dalawa at sabay nilang pinanood ang pwesto ni Isabel.

"So, you're here to spy on your jowa?" wika ni Red habang kinukuha ang inabot ng bartender.

"Hindi niya Jowa yan, bakit nagbalikan na ba sila?" sabat naman ni Noir bago nilagok ang laman ng baso nito.

"Broken hearted ka ba, ang bitter mo ah." sabi ni Timotheos at sandaling hinarap si Noir bago binaling ulit ng atensyon kay Isabel.

Dahan-dahan niya lang ininom ang inorder na inumin habang ang dalawa naman ay mukhang plano talaga mag walwal.

"May issue ba si Isabel sayo? bakit parang nag e-entertain siya ng ibang lalaki?" ani ni Red. "Hindi pa ba kayo nagkausap?"

Umiling siya, "Not yet, iniiwasan niya ako."

Tumango-tango naman si Red, "Ahh.. sa pagkaka alam kasi namin gusto ka pa niya hanggang ngayon."

Hindi siya kumibo at tahimik na ininom ang martini habang nakatingi lang sa pwesto nina Isabel.

Nakita niyang pinatong ng lalaki ang kamay sa hita ng dalaga na kinagulat nito, pasimple yung inalis ni Isabel.

Nasa 75 percent na ang bweset ni Timotheos sa katawan pero pinigilan niya ang sarili, alam niyang kaya ni Isabel ang sarili pero hindi niya mapigilang magalit.

MEN IN SUIT 2: Timotheos Eliades (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz