🔞 36

1.8K 25 3
                                    

The following content includes mature scenes that are not suitable for the young minds.





CHAPTER THIRTY-SIX






NILAPAG ni Timotheos ang files pagkatapos yun basahin.

"Tatlong special members talaga ang kailangan sa mission na to?" wika ni Timotheos. "And S is also involved?"

Tumango si Noir bilang pagsagot sa katanungan niya.

Their mission is to act as prisoners in a supermax prison. It sounds complicated pero para kay Timotheos ay hindi naman kailangan tatlo ang special members na kailangan isali sa mission.

"It's an important case, kapag involve si S ay alam mong risky ang mission." Noir explained.

Tumango siya at tumayo mula sa pagkaka-upo. Nagpaalam na siya dito at lumabas sa opisina.

Natanaw niya si Isabel na kakalabas lang din sa isa pang office na may bitbit na files.

"Are you done?" Nakangiting wika niya sa dalaga.

Kailangan niya pang kausapin ang dalaga tungkol sa mission niya. Hindi niya din alam kung ilang buwan sila sa lugar na yun.

Tumango si Isabel at sabay silang naglakad palabas ng headquarters.

Walang nagsalita sa kanila hanggang sa makalabas ang kotse niya sa building.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Isabel sa kanya.

Napatingin siya sa dalaga, "Ako dapat magtatanong niyan." he chuckled.

"I know you have a new mission at matatagalan ka doon." anito.

Niliko niya ang kotse sa isang iskinita, at nag park sa harap ng isang fastfood.

"I'm a bucket of chicken and a lot of rice." nakangiting wika niya sa dalaga.

Tumango-tango naman si Isabel, "Na miss ko din to." sabay silang lumabas sa kotse at naglakad patungo sa fastfood.

They ordered a lot of things at sa ibabaw na bahagi ng store umupo at dahil hating gabi na ay wala na masyadong tao doon.

Sabay nilang nilantakan ang isang bucket ng manok at ang spaghetti.

Timotheos remembered his college days kung saan ay palagi siyang nagpapa libre kay Seidon sa fastfood na yun.

"Is it really that good?" wika ni Isabel habang nakatingin sa kanya.

Isang manok lang ang nakain ng dalaga at kasalukuyang kinakain ang maliit na icecream sa harap nito.

"Yup, wag kang mag-alala hindi mawawala ang abs ko." aniya sa dalaga. "Hindi napupunta sa tiyan ko ang kinakain ko." he joked.

"I know." sagot naman ni Isabel. "That's why your d*ck is huge."

Napa-ubo si Timotheos sa sinabi ni Isabel at agad na lumingon sa paligid at nakahinga ng maluwag na isang naglilinis na crew lang ang nandoon.

Halatang nagulat din ang crew sa sinabi ni Isabel dahil napalingon ito sa kanila pero agad din itong nag-iwas ng tingin.

"Hanggang ngayon wala parin filter ang bibig mo." aniya kay Isabel at napa-iling nalang habang tinutuloy ang pagkain.

He finished his food bago sila lumabas doon, hindi muna sila bumalik sa kotse at naglakad-lakad muna sa kalsada habang umiinom ng iced coffee.

Wala masyadong tao sa lugar na yun kaya walang ingay sa paligid maliban sa konting sasakyan na dumadaan.

"Hindi ko alam ilang buwan akong walang contact sayo." panimula ni Timotheos.

MEN IN SUIT 2: Timotheos Eliades (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu