28

1.2K 27 1
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.







CHAPTER TWENTY-EIGHT





NILAPAG ni Timothy ang tungkod sa ibabaw mesa bago siya naglakad patungo sa walk in closet, nagbihis siya ng normal na damit at tinanggal ang ilang disguise sa mukha niya.

Paglabas niya naabutan niyang nasa harap ng laptop si Isabel, sa gilid nito ay isang set ng damit, high heels at mga make up.

Binasa niya lang yung folder sa ibabaw ng kama at hinintay mag alas otso ng gabie. Nakatingin lang siya sa likuran ng dalaga habang busy ito sa ginagawa.

He suddenly felt at peace.

Hindi niya alam nakatulog na pala siya, ilang araw din siyang walang maayos na tulog dahil sa dami ng iniisip niya.

Pag gising niya ay 7:30 na ng gabi, nakita niyang nasa harap ng salamin si Isabel at naglalagay ng makapal na make up sa mukha nito.

She was wearing a red dress na hapit na hapit sa katawan nito, may natural na maputing balat si Isabel kaya mas lalong bumagay ang damit nito sa kanya.

She's also wearing a blonde wig para sa disguise nito.

Tumayo ang dalaga at tumingin sa kanya kaya agad niyang binaling ang tingin sa iba.

"You didn't forget about our first step, right?" tanong ni Isabel bago sinuot ang maliit na earpiece sa teynga nito at ang iba pang kakailanganin niya sa trabaho.

"Of course." agad niyang sagot at tumikhim bago sinuot ang earpiece at humarap sa laptop.

He made sure every device is in good condition.

"Be careful, don't hesitate to go back or call for back up kapag hindi mo kaya." paalala niya sa dalaga.

"Yes, Sir." sagot ni Isabel at bitbit ang bag ay lumabas ito sa room nila.

Inusog niya ang desk chair para abutin ang files na nasa ibabaw ng kama, binasa niya ang mga yun para hindi na siya mag-alala kay Isabel.

Tiningnan niya ulit ng monitor, kausap ni Isabel ang matanda.

Naiirita siya habang naririnig ang pag-uusap ng dalawa pero hindi naman niya pwedeng tanggalin yun.

He tried focusing on reading the files habang nag-uusap parin ang dalawa, tumingins siya sa monitor at nakita ang kakaibang ngiti ng lalaki habang kaharap si Isabel.

He felt uncomfortable.

Balisa siya habang naglalaro sa isip niya ang pag-uusap ng dalawa, hanggang sa makapasok sa kwarto si Isabel ay hindi siya kumibo.

Blanko na nakatitig lang siya sa monitor, kung sa ganoong simple na pag-uusap ay para niyang masisira ang ulo niya sa pag-aalala ay higit pa siguro ang mararamdaman niya kapag ginawa na nilang pain si Isabel na siyang plano nila.

Isang oras din si Isabel sa banyo bago ito lumabas, kinuha nito ang extra kumot at naglakad patungo sa couch.

Staka lang nakabalik sa katinuan si Timothy, tumayo siya at nagpunta sa couch.

"Sa kama ka na, ako na dito." aniya.

Tumango ang dalaga at humiga sa kama, humiga na din si Timothy sa couch habang blanko na nakatingin sa kesame ng hotel.

MEN IN SUIT 2: Timotheos Eliades (Completed)Where stories live. Discover now