Chapter 1: First Meet

56.4K 1.3K 629
                                    

Jade's POV

"Ma.. pa.. natanggap ako sa dream University ko at scholar pa ako." Masayang wika ko habang nakatingin sa kanila. "Tapos natanggap pa ako sa isang restaurant bilang waitress kaya wag kayong mag-alala sa'kin, ayos lang ako rito." Dagdag ko habang ang mga luha ay unti unti ng namumuo sa mga mata ko. Tumingala ako para pigilan 'to. Bumuga rin ako nang hangin palabas sa bibig ko.

"Ma, pa, unti unti ko nang natutupad mga pangarap ko. Soon magiging pulis na ako, hindi n'yo na kailangan mag alala tungkol sa'kin dahil kaya ko ng protektahan ang sarili ko." Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko kaya agad ko itong pinunasan. "Kung nandito lang sana kayo, magiging proud kayo sa'kin ." Sinundan ito ng mga hikbing hindi ko na mapigilan. Napatingin ako sa kanila. Tumulo na ang mga luha ko sa lapida nilang dalawa. I bitterly smiled while my tears are still rolling down my cheeks.

It's been three years pero hindi ko parin matanggap. Nandito parin 'yong sakit. Nandito parin 'yong kirot everytime I recall what happened to my parents. At hanggang ngayon, hindi parin nila nakakamit 'yong hustisyang para sa kanila.

"Don't worry, ma, at pa, makukuha rin natin ang justice na para sa atin kapag nakapagtapos ako. Ako mismo ang hahanap sa gumawa nito sainyo." I said with finality, trying my best to be strong. Isa sa mga rason ang pagkamatay ng parents ko kaya gusto kong ipursue ang pagpupulis.

Tumayo na ako at inayos ang sarili bago lumabas sa simenteryo.

Nang makarating ako sa apartment na inuupahan ko ay inayos ko na ang mga gagamitin ko para sa school bukas. Ayaw ko namang malate at magkaroon ng bad impression sa'kin ang mga professor ko kahit alam kong first day palang naman.

*****

Maaga akong nagising, sakto lang para makagayak ako. Nagtext pa sa'kin si Lisa na sunduin n'ya raw ako gamit ang bagong sasakyan n'ya. At may narinig na nga akong bumusina sa harap. S'ya na siguro 'to.

"Lika na girl, ayoko ma-late, para makahanap pa akong chix bago magstart 'yong class." Sigaw niya paglabas ko palang ng gate. Kita mo 'to, chix agad nasa isip. Napailing nalang ako.

Bintukan ko nga. "Landi mo. Aral muna bago landi." Sabi ko naman at tinawanan lang ako ng bruha. Lakas ng tama nito.

Nagkwentuhan lang kami habang nagmamaneho s'ya dahil may kalayuan din ang school mula sa apartment ko nang bigla itong magseryoso at nagtanong tungkol sa akin.

"Kaumusta ka pala?" Tanong n'ya nang seryoso. Hindi ko maintindihan ang biglang pagbabago ng mood n'ya.

"Ayos lang ako, humihinga pa naman.Sagot ko naman at sinabayan pa ng tawa pero napatigil din ako nang hindi sya umimik. "Ang seryoso mo naman, nagbibiro lang." Segunda ko naman dahil hindi manlang ito tumawa sa hirit ko.

"Nagtatanong kasi nang maayos yung tao e." Wika n'ya at inismiran pa ako. "'Di nga, kumusta ka talaga? Ayos ka ba sa tinitirhan mo? Sabi ko kasi sa condo ko nalang ikaw mag-stay." Nag-aalalang dagdag pa n'ya. Panaka-naka n'yang ibinabaling ang tingin sa'kin.

"Ayos lang nga ako. May nahanap din akong part time job sa isang restaurant. Grabe ka naman mag alala sa'kin, 'di naman na ako bata." Wika ko naman para hindi na s'ya mag alala.

Nahihiya na rin kasi akong tanggapin yung offer n'ya dahil masyado na s'yanv maraming naitulong sa'kin. Ang pamilya n'ya ang nag asikaso no'n sa burol nila mama at papa, nag offer din s'ya na sa kanila ako tumira dati pero tumanggi nalang ako dahil may kamag anak naman akong matutuluyan nopn.

𝐈𝐧𝐭𝐨 𝐘𝐨𝐮 [Herero Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon