Chapter 10: Swim Wear

27.1K 1K 369
                                    

Jade's POV

Seryoso pala si ma'am sa utos niyang 20 minutes akong tatayo kasama ang mga libro pero nasa sampung minuto palang ay hindi ko na kaya. Nagsilaglagan ang mga libro sa sahig dahilan para mapatingin sa'kin si ma'am.

Tinaasan niya lang ako ng kilay with her 'what do you think you're doing' look. Agad kong pinulot ang mga libro at inilapag sa table niya.

"M-ma'am, ang sakit na po ng mga kamay ko, pati leeg ko po ngawit na rin." Pagpapaliwanag ko sa gitna ng nakakatunaw niyang titig. Magkaka-stiff neck na nga yata ako.

"Okay, that's enough." Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi niya. "Let me see your ramp." Akala ko magpapahinga muna pero hindi pala.

Sinuot ko na ang heels at pumwesto sa malapit sa pintuan. Nagsimula akong maglakad. Ginawa ko ang turo niya sa akin last practice. I walked myself with poise and elegance. I also did a turn around and flashed a wide smile when I faced her. I caught her slightly shocked and amused face but it easily faded.

Ako man ay nagulat dahil naperfect ko ang rampa ko. I guess the books really works. I am feeling a bit proud.

"Miss-ma'am, okay na po ba 'yon?" Tanong ko kay ma'am matapos kong rumampa sa harap niya.

"Pwede na." She replied nonchalantly. 'Yon lang talaga masasabi niya? Okay pi.

"Grabe naman yon." Bulong ko sa sarili ko na salamat ay hindi narinig ni ma'am.

"The pageant is next week. I already ordered you a gown and it's almost done. I want you to accompany me later to see if it perfectly fits you." Panimula ni ma'am. I am just listening attentively. Kahit dalawa lang kami ay ang pormal niya parin. She's screaming authority.

"Ma'am, how about the swim wear po?" Tanong ko. Naaalala kong si ma'am mismo ang nagsabi na may swim wear and search for Miss Amherst.

"There will be no swim wear at the pageant." She stated firmly.

"Ma'am, bakit po? Akala ko po mayro'n, sinabi niyo po sa'kin—" hobby niyang putulin ako sa pagsasalita.

"'Wag mo ng hanapin ang wala. Focus on your ramp instead." Tumingin siya sa'kin after niyang magsalita. I was caught off guard with her sudden stares. "Let's practice your talent."

I am curious, bakit hindi manlang pinaalam agad sa'kin ni ma'am na wala ng swim wear sa pageant.

"Ma'am, I am just curious po, bakit wala ng swim wear?" Pangungulit ko pa. I just want to know.

"Why? Do you want to display your body?" Tumaas ang tono ng boses nito. "For what? To gain attention?" Mas tumaas pa ang tono ng boses niya.

"Ma'am, hindi po sa gano'n." Mahinang turan ko.

"Then stop asking." Segunda nya sa sinabi ko. Nakatitig siya sa akin, tumataas ang dibdib niya sa bawat paghinga. Nakipaglaban ako ng titig hanggang sa ako na rin ang kusang umiwas. I don't know what to react, wala akong intensyong gaya ng iniisip niya.

Matapos ng sagutan namin kanina ay wala ng nagtangkang magsalita.

"Follow me." She said briefly. Kinuha ko ang bag ko at sumunod sa kanya. Tinatahak namin ang daan patungong parking lot.

Sa tingin ko'y ipapakita na sakin ni ma'am yung gown na susuotin ko.

Nandito na kami ngayon sa sasakyan niya. Wala paring nagsasalita, tanging tunog lang ng makina ang mahihimigan.

𝐈𝐧𝐭𝐨 𝐘𝐨𝐮 [Herero Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon