Chapter 2: Guidance Office

37.4K 1.1K 174
                                    

Jade's POV

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko. "Hoy, tawag ka ni Miss Anderson." Sabi sakin ng katabi ko.

I just groaned at nag inat inat pa na akala mo'y galing sa masarap na tulog kahit nananakit na ang batok at likod ko sa pagkakadukdok. "Sino ba 'yon? Pake ko ba sa kanya?" Tanong ko naman at pagmulat ko ng mata ay napatingin ako sa anghel sa harapan ko. Nasa langit na ba ako?

"That's me, Miss Herero. I just want to know the reason why aren't you paying attention in my class?"

Shit shit. Patay ako nito. Malay ko ba kasing sya pala si Miss Anderson. Hindi kasi agad nagpakilala kanina e. Tumingin ako sa kanya at tinaasan pa ako nito ng kilay.

"Ma'am, sorry po." Nahihiyang wika ko habang nakatungo, nakatingin sa mataas niyang takong. 

"Ayoko ng mauulit 'to, understand?" She asked firmly na nagawa kong mapatingin sa kanya. I was caught off guard when I realized that she's looking directly in my eyes. Parang nanghahalukay ang mga tingin n'ya, nangbabasa ng isip. Ang mata nyang kulay kayumanggi. Her eyes were the same as the color of honey and it's hypnotizing. "Miss, are you listening?" Tanong n'ya pa sa akin na tila nainip sa tagal kong sumagot. Tumango nalang ako at nag-opo. Napahinga ako nang maluwag nang naglakad na s'ya pabalik sa table n'ya at kinuha ang mga gamit saka umalis.

"Muntik ka na do'n. Bakit ka ba kasi natulog ha?" Tanong sa'kin ni Lisa. Ewan ko rin. Nainis lang siguro ako dahil kwinestyon pa ni Miss-ma'am yung sagot ko kanina? Ginagawa ko naman talaga 'to para sa parents ko.

"Wala, inantok lang ako." Walang gana kong sagot habang nakapangalumbaba at nakatingin sa kawalan.

"Sus, ayaw mo makinig e ang ganda kaya ni ma'am. Feeling ko hindi na ako aabsent at mag-aaral na akong mabuti. Hindi na ako magpaparty every week at hindi na ako maghahanap ng chix." Sabi nito na proud na proud pa sa mga pagbabagong gagawin n'ya para kay Miss Anderson. Napailing nalang ako.

Aminin ko namang maganda si Ma'am. Sa unang tingin ay aakalain mong modela ng mga sikat na brand. Pati sa mukha niya ay mukha s'yang teenager sa pagiging baby face. Ang ganda ng mata niya, ang lalim, puno ng emosyon. Ang tangos ng ilong na sumasakto sa anggulo ng mukha niya. Ang ganda rin ng shape ng kilay at yung labi, parang ang lambot, masarap halik— este ano, basta hindi ko s'ya type. Ayoko sa masungit na panay irap kahit 'di naman inaano.

Sa mga sumunod na klase ay hindi nalang ako dumukdok dahil ayaw ko ng maulit yung nangyari kanina. Tumulala nalang ako sa bintana dahil kahit paano ay may pumapasok parin sa isip ko sa mga litanya ng instructors namin.

...

Kasama ko ngayon si Lisa na kumakain ng lunch dito sa cafeteria habang pinagmamasdan na rin ang mga taong nasa paligid. Maya maya'y naagaw ang atensyon ng lahat nang may biglang magsigawan sa gitna ng cafeteria.

"What the fvck?! Look what you've done!" Sigaw ng babaeng madumi ngayon ang damit, mukhang natapunan 'yon ng juice. First day palang ang init na ng ulo. Napatingin naman ako sa babaeng sinigawan nya. Wait, si Shanel 'yon, 'yung magandang ka-block namin.

"Si Shanel yon ah." Napansin din pala ni Lisa. Inabangan lang namin ang susunod na mangyayari at nagulat kami nang biglang lumuhod si Shanel sa harap ng babae habang nanginginig at umiiyak.

Bigla akong napatayo. Ayokong nakakakita ng ganitong may babaeng inaapi at worst, babae pa ang gumagawa non. Tumayo na ako sa silya ko, narinig ko pa ang pagpigil sa'kin ni Lisa pero wala na rin s'yang nagawa.

𝐈𝐧𝐭𝐨 𝐘𝐨𝐮 [Herero Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon