Chapter 23: Possessive

30.2K 1K 229
                                    

Jade's POV

"I like you, Miss Eve. At hindi kita pipilitin na gustuhin ako pabalik, just let me like you..." I said with full of sincerity. I kissed the back of her palm matapos isuot ang singsing sa daliri niya.

Her facial expression is full of different emotions. Napapansin ko ang gulat doon pero may iba na hindi ko na matukoy.

Nginitian ko lang siya nang maibaba ko na ang kanyang kamay.

Sandali kaming natahimik matapos kong mag-confess. Ayos lang dahil hindi ko naman inaasahan na sumagot siya pero may kaunting kirot. Hindi naman tanong yung sinabi ko pero naghihintay ako ng sagot. Pero hindi na bale, what's important right now is that I said what I really feel.

"Where did—"

"Ma'am—"

Sabay pa kaming nagsalita.

"You go first—"

"Ma'am, mauna ka na—"

Sabay nanaman. Natawa nalang ako habang si Miss Eve ay natahimik lang.

Nauna na akong nagsalita ulit, "Ma'am, 'wag ka sanang mailang sakin," mahinang wika ko lang.

"I won't," she firmly answered. Nakahinga ako nang maluwag. Ayoko na kasing makipag-iwasan.

"Ma'am, ano na yung sasabihin mo?" Tanong ko.

"Where did you get this ring? Did you plan this?" She asked curiously. Sandali naman akong napalunok, baka hindi niya magustuhan kung saan 'yan galing.

"M-ma'am, sa ano, sa wedding booth kanina.." pahina nang pahina kong wika. Tinaasan niya lang ako ng kilay, parang may gusto siyang itanong.

"Is it from Troy?" She asked. Ang seryoso ng boses at mukha niya when she said his name.

"Ma'am, hindi. Provided 'yan ng members ng booth." I answered to assure her.

Kinakabahan ako sa nga tanong niya. Tumango nalang siya at hindi na muling nagsalita pa. Pansin ko ring kanina pa niya hinahaplos yung singsing sa palasingsingan niya gamit ang hinlalaki niya.

"I have a question.."

Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang magsalita.

"Ano 'yon, ma'am?" Tanong ko naman.

"Bakit ako? Why not someone else that you can be with?" Tanong niya, mukhang malalim ang iniisip.

"Bakit, ma'am? I can't be with you po ba?" Binalik ko sa kanya ang tanong, nagbibiro lang naman ako pero mukhang seryoso siya kaya bigla rin akong nagseryoso. "Honestly, hindi ko po talaga alam. Basta, narealize ko nalang na gusto na kita." Seryosong sagot ko na.

"Lame," she stated with her bored look. What the? 'Yan lang talaga yung explanation na mayroon ako, hindi ko rin mahanapan ng mas malalim na rason. Mas okay nga 'yan kaysa puro mabulaklak na salita ang maisagot ko pero labas naman sa ilong.

"Ikaw, ma'am, bakit hindi ako?" I jokingly asked. Pinangunutan niya lang ako ng noo. Akala ko hindi na siya sasagot pero mali ako.

"'Cause you're stupid." Walang alinlangan niyang sagot. Iyon yata ang paborito niyang adjective para sa'kin, she loves calling me stupid.

"Kung hindi ako stupid, magugustuhan mo rin ba ako?" Tanong ko nanaman. Nagkibit-balikat lang siya. "Ma'am, hindi naman sa pagmamayabang pero alam niyo bang valedictorian ako noong elementary and high school?" I asked in joking tone. Napailing lang siya na animoy 'di makapaniwala sa sinasabi ko.

𝐈𝐧𝐭𝐨 𝐘𝐨𝐮 [Herero Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon