Chapter 31: Voice Message

26.6K 1K 264
                                    

Jade's POV

"Jade," I paused. "Jade Choi," pagbanggit ko sa buo kong pangalan. Binawi ko na rin agad ang kamay ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong hilahin at yakapin siya.

She paused for a minute na para bang may inaanalisa hanggang sa biglang magsalubong ang kilay niya kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao. Is she alright?

"Excuse me," she excused herself before leaving. Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa hindi na siya hagip ng mata ko.

Maybe she was shocked. Dapat hindi agad ako nagpakita nang gano'n-gano'n lang.

Natigil ang paninisi ko sa sarili nang balingan ko ng tingin si Lisa na tumatawa sa tabi ko.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Anong ginawa mo?" Nanghihinalang tanong ko.

Painosente niya akong tiningnan. "Wala ah," dipensa niya na hindi bumenta sa'kin, mas nagmukha lang siya g guilty. Kilala ko na ang takbo ng isip ng babaeng 'to.

May kutob na akong may alam si Lisa kung bakit nagkagano'n si Eve kaya hindi na ako nagdalawang isip na sundan ito. Tinahak ko rin ang daan kung saan siya nagpunta, mukhang dumiretso siya sa comfort room ng bar. Nangingiti akong mapailing nang maalala yung nangyari sa amin noon sa loob ng comfort room, ito rin yung bar na pinuntahan namin five years ago.

Nasa bungad palang ako ng comfort room nang mapansin ko ang nangyayari. I balled my fist. May isang lalaking hinaharang si Eve sa daan niya palabas ng comfort room.

Lumapit pa ako kaya narinig ko ang sinasabi sa kanya ng lalaki.

"Sige na, Miss. Just one night, I'm sure you'll love it." Nakakadiring wika ng lalaki. Gusto kong masuka sa mga sinabi ya.

Akma niyang hahawakan ang kamay ni Eve kaya hindi na ako nakapagpigil. Hinila ko siya paharap sa'kin at buong pwersang sinuntok ang mukha niya.

"Fuck you!" Sigaw ko sa mukha niya. Agad napatingin ang mga taong malapit sa amin. May mga babaeng nagtitilian dahil sa takot at may mga babae ring nagtitilian na animo'y kinikilig pa sa nasasaksihan.

Ininda ng lalaki ang suntok ko. Dapat lang dahil para saan pa ang training ko kung hindi tatablan ang katulad niyang lalaking puro kamanyakan ang nananalaytay sa katawan. Akmang susugod siya sa'kin nang pigilan siya ng mga bouncer.

"Sir, pakilayo na ang lalaking 'yan." Matamang utos ko sa isa sa mga bouncer habang kinakabisa ang mukha ng lalaki. I will be back to serve him what he deserves. Hintayin lang niya ako.

"Yes, ma'am. Pasensya na po," hingi ng paumanhin ng bouncer bago umalis kasama ang manyakis na lalaki.

Binalik ko ang tingin kay Eve, she look terrified. Kinabahan ako sa isiping baka natakot siya sa ginawa ko.

Agad ko siyang nilapitan. "You okay?" I asked her with concern. Mukha parin siyang takot na takot. Tumingala siya para diretso akong tingnan. She still looks scared and shocked.

Umalis siya nang hindi manlang ako kinakausap, hindi na siya nagtuloy sa comfort room. Sinundan ko lang siya at mukhang palabas na siya ng bar.

At nang nasa labas na nga ay hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. "Wait," I said while gently holding her arm which made her stop.

Humarap siya sa'kin, walang emosyon. "What do you need?" She asked with her cold voice. I scanned her face, parang nasa harapan ko ulit ang masungit na professor five years ago.

𝐈𝐧𝐭𝐨 𝐘𝐨𝐮 [Herero Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon