Chapter 14: Scratches

27K 1K 205
                                    

Jade's POV

Nagkatinginan kaming dalawa ni Shanel. "Sorry," bulong niya. Nginitian ko lang siya para hindi niya isiping galit ako. Wala naman sa'kin 'yon. It's not her fault.

Si Lisa naman ay kanina pa ako tinatabig, mukhang naguguluhan siya sa nangyayari. Tiningnan ko lang siya para manahimik muna, ayokong maagaw ang atensyon ni Miss Anderson dahil mukhang masama ang timpla niya.

Gaya ng sinabi niya, nagkaroon kami ng long quiz na sobrang nakakatuyot ng utak. Pasalamat nalang ako dahil naitawid ko 'yon. Kung hindi ako nagreview ay baka pasang awa lang ang magiging score ko.

Pagkatapos ng klase namin ay biglang nagsalita si Miss Anderson.

"Miss Herero, stay." She said bago pa man ako makalabas. Narinig nila Shanel at Lisa ang sinabi ni ma'am kaya tinanguan ko nalang sila. Naglakad ako palapit sa table ni ma'am.

"Bakit po, ma'am?" Clueless na tanong ko. I can't even look at her in the eyes.

"I want you to be my student assistant starting today." Saad nito na ikinagulat ko pero agad kong inayos ang ekspresyon ko bago bumaling sa kanya.

Napakamot naman ako ng ulong nagtanong kay ma'am. "Uhm, ma'am bakit po? May iba pa naman pong student d'yan." Awkward pa akong ngumiti.

Bakit kasi ako? I'm sure there are plenty of student who wants to spend time with her. Sila nalang. Baka lalo akong mabaliw kapag mas madalas ko siyang makasama.

"Are you saying no?" She asked with her serious tone. "No one declines me, Miss Herero. I am your professor and I can give you incentives if you accept my offer." Dumadagundong ang boses niya.

Mukhang wala na akong magagawa, siya na 'yan e. I nodded in defeat. Napabuntong-hininga pa ako. Malakas siya sa'kin e.

Nauna nang naglakad si Miss Anderson. Nakasunod lang ako sa kanya habang nakatungong bitbit ang mga gamit niya.

Hindi ko napansin ang biglang paghinto niya dahilan para magbagsakan ang mga hawak ko. Shit. 

"Miss Herero, aren't you looking on your way?" Wika nito sa masungit na boses. Bigla akong nakaramdam ng takot sa biglang pagtaas ng boses niya. Agad kong pinulot ang mga gamit niyang nagkalat sa sahig.

"M-ma'am, sorry po.." Wika ko, hindi makatingin sa kanga.

Binuksan na niya ang pinto at pinaupo ako sa tapat niyang upuan habang siya ay nakaupo sa sarili niyang silya.

"As I've said, I want you to be my assistant because I need someone to accompany me, don't worry because I won't disturbed you during your classes, you can leave now" tuloy tuloy na wika nya. Taimtim lang akong nakikinig dahil ayaw ko ng makadagdag pa sa init ng ulo nya. Napapakagat pa ako sa aking labi sa sobrang pag iingat.

"As I've said, I want you to be my assistant because I need someone to accompany me. Don't worry because I won't disturb you during your classes." She stated firmly. I'm just listening attentively. Napapakagat nalang ako sa labi para pigilan ang sariling magsalita. Ayoko ng dumagdag pa sa init ng ulo niya. "You can leave now." Utas niya. I felt relieved.

"S-sige po, ma'am, alis na po ako." Wika ko bago tumalikod kay ma'am pero hindi pa man ako nakakahakbang ay agad na niya akong tinawag kaya bumaling akong muli sa kanya. "Bakit po, ma'am? May ipapagawa pa po ba kayo?" Kinakabahang tanong ko.

Tumayo siya at pumunta sa harap ko. Amoy na amoy ko ang matamis niyang pabango. Nag-iwas lang ako ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang mata niya. Unti-unti siyang lumapit sa'kin. Sa bawat pulgadang nauukupa niya sa harap ko ay iyon naman ang lakas at bilis ng pagtibok ng puso ko.

𝐈𝐧𝐭𝐨 𝐘𝐨𝐮 [Herero Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon