Chapter 26: Official

28K 1K 595
                                    

Jade's POV

"Ma'am, maiwan ko na po kayo." Paalam ko saka dali-daling umalis.

Hindi manlang niya ako pinigilan, and I'm so stupid to think na pipigilan pa niya ako.

I never expected this. Pakiramdam ko pinaglaruan ako. Ang daya ni Eve. Ang daya niya.

Dahil sa bilis kong maglakad nang nakayuko ay may nakabanggaan ako. Nagsilaglagan ang mga hawak ng babaeng nakabangga ko, mga libro at papel 'yon.

"Sorry.." agad kong hingi ng paumanhin at tinulungan siyang pulutin ang mga gamit na nagkalat sa sahig.

"Jade?" Napaangat ako ng tingin. Si Lian pala. "Are you okay?" Tanong niya sa'kin, bakas ang pag-aalala sa mukha. Napaiwas naman ako ng tingin, alam kong halata pang galing ako sa pag-iyak.

Inabot ko na sa kanya ang mga gamit niya. "Yup, ayos lang ako," sagot ko sabay ngiti nang tipid.

"Galing ka ba sa office ni ate Eve?" Tanong niya, parang may alam siya sa mga nangyayari.

"Hm," tipid muli akong tumango.

"Is kuya Adam there?" She asked. Dahil mukhang alam niya ang relasyon ng dalawa ay nakaisip ako ng pwedeng itanong sa kanya.

"Oo, nandoon siya," I paused. I took a deep breath before asking her, "K-kahapon lang ba naging sila ni Miss Eve?" Kabadong tanong ko, bagay na ipinagtaka niya. "Curious lang, nakita ko kasi yung post." Nagkibit-balikat ako para pagtakpan ang sarili.

"Actually, matagal na sila. If I'm not mistaken, they've been together for three years now. Siguro, magpapakasal na sila this year." Wika ni Lian na animo'y kinikilig pa.

"Gano'n ba?" Hindi ko na maitago ang pait sa boses ko. I balled my fist as I try to calm myself down. "Pakisabi, best wishes." Sarkastiko kong turan bago tinalikuran si Lian. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi na ako nag-ablang lumingon pa.

Napagdesisyonan kong hindi na pumasok sa afternoon class ko. Pangako ko sa sarili kong ngayon lang 'to. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.

Isang lugar lang ang gusto kong puntahan ngayon, sila mama at papa. Agad akong sumakay sa tricycle papunta sa simenteryo. I really need them right now.

Pagdating sa simenteryo ay agad kong pinuntahan ang puntod nila. Naupo ako sa bermuda grass, nakaharap sa lapida ng magulang ko.

"Ma.. pa.. sorry.. h-hindi ako pumasok sa school dahil gusto ko kayong makausap.." nanghihinang wika ko habang tinatanggal ang tuyong dahon sa puntod nila. Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko.

"S-sorry kung umiiyak nanaman ako. Sorry kung tuwing pupunta ako tito, lagi akong umiiyak.." Hindi ko na napigilan ang luha ko, tuluyan na itong bumuhos.

"Mama, papa, I'm sorry k-kung hindi ko naprotektahan yung puso ko. Sorry kung hindi ko nagawa yung ginagawa niyo sa'kin dati." Naging sunod-sunod ang paghikbi ko.

Idinukdok ko ang mukha ko sa pagitan ng tuhod ko at doon ibinuhos ang luha ko pero hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng presensya sa likuran ko. Nanlamig ako sa pag-aakalang nagpaparamdam sa'kin si mama at papa.

𝐈𝐧𝐭𝐨 𝐘𝐨𝐮 [Herero Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon