Chapter 11: Practice

26.4K 1K 715
                                    

Jade's POV

Hindi pa man nawawala ang ngiti ko ay biglang nag-ring ang cellphone ko.

Miss-ma'am calling...

Agad kong sinagot ang tawag.

"Good evening, ma'am." Bati ko rito. "Ma'am, if it's you asking apology, e don't worry po, you're forgiven na." Dugtong ko pa.

"That's good to hear, Miss Herero, but that's not my concern." Seryosong sagot niya mula sa kabilang linya. Napahiya ako ng slight.

"Ay, ano pong atin ma'am?" Tanong ko.

"Since hindi ka nakapagpractice kanina, I want you to practice your talent now." Usal nito.

"Ma'am, pupunta po ako sa condo niyo? E gabi na po." Wika ko saka tiningnan ang oras. Nakakatakot kayang bumyahe nang gabi.

"No, let's just have a videocall." Narinig ko pa ang pagtikhim niya sa huling sinabi. I don't know pero mas lalong nagliwanag ang mukha ko.

"Sa messenger nalang po, ma'am, para tipid sa data." Pakiusap ko naman. Sumang-ayon naman siya pero naalala kong hindi pala kami friends sa facebook. "Ma'am, hindi pala tayo friends sa facebook."

"Add me." Sagot nito at pinatay na ang tawag.

Evelyn Anderson.

I typed her name at account niya agad ang unang lumabas. Wala kaming mutual friends. Matapos kong pindutin ang add friend ay binisita ko naman ang profile niya.

Inuna kong tingnan ang display profile niya.

Hindi talaga maitatanggi, she's gorgeous. Napansin ko ang date kung kailan siya huling nagpalit ng profile picture. 4 yrs ago amp. Dinaig pa si Mark Zuckerberg sa tagal magpalit ng profile.

Sunod kong tiningnan ang about niya. Wala masyadong nakalagay bukod sa nakagraduate siya sa isang university which is Amherst. Even her birthday ay nakadefault lang sa January 1, o pwede namang iyon talaga ang birthday niya.

May pumasok na notification saying that she already accepted my friend request. Bago ako tumawag kay ma'am ay kinuha ko na ang gitara ko. Nakailang ring lang ay agad na ring sumagot ni ma'am. She's already wearing her pajama at malayang nakalugay ang wavy niyang buhok. She's wearing a glasses which made her look hot. Okay Jade, enough with the compliments. Focus.

"Ma'am, bale naisip ko pong talent ay kumanta habang naggi-guitar." Panomula ko. Tumango naman si ma'am, senyales na nakikinig siya sa'kin.

"What are you singing?" She asked.

"Ma'am, Starving po, by Hailee Steinfeld." Sagot ko naman. Tumango siya kaya nagsimula na akong kumanta habang naggi-gitara.

"You know just what to say, things that scare me
I should just walk away, but I can't move my feet
The more that I know you, the more that I want to
Something inside me's changed
I was so much younger yesterday"

She's just listening to me while her arms are crossed.

"I didn't know that I was starving till I tasted you
Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo
By the way, right away, you do things to my body
I didn't know that I was starving till I tasted you"

After the second stanza, I glanced at her. "Stop. She said kaya agad akong tumigil sa pagkanta.

"Ma'am, bakit po?" Tanong ko. "Panget po boses ko?" Tanong ko pa ulit.

𝐈𝐧𝐭𝐨 𝐘𝐨𝐮 [Herero Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon