Special Chapter: The Office Chronicles - Busted

885 23 13
                                    

"Tangina. Kailan mo pa ako ginagago ha?" Napahinto si Dwight sa ginagawa niya the moment he heard my voice. Halata sa mukha niya ang gulat, galit, guilt, ewan ko. Guilty nga ba talaga siya kung mukha naman siyang nasiyahan sa ginawa niya?

Bigla niyang itinulak 'yong babaeng haliparot na nakayakap sa kanya kanina at pinahid ang kumalat na lipstick sa labi niyang gustong gusto ko nang sungalngalin ngayon. Nag-iinit ang ulo ko at gusto ko na lang talagang magbato ng kahit na ano. Ang dami kong gustong itanong. Ang dami kong gustong isumbat. Pero ano pang use ng mga 'yon? I saw them right on the spot, didn't I?

"G, n-no. L-let me explain," nagpa-panic na pakiusap ni Dwight. Kung nasa matino akong pag-iisip ngayon at hindi humahalo ang gutom ko sa galit ko, I would have given him all the time in the world to explain. Kaso hindi. I am pissed off. I am starving. And I would kill anyone who would dare to feed me more lies that I could take for the day.

"Explain? Naririnig mo ba ang sarili mo, Dwight? Anong klaseng explanation ba ang ibibigay mo, aber? Nadulas lang 'yang haliparot na 'yan habang papalapit sa 'yo tapos sinalo mo? Wow ah. Di ko naman alam na pa-fall ka pala," I sarcastically said. Akmang hahakbang na sana palapit sa akin si Dwight pero itanaas ko ang kanang kamay ko to stop him from doing so. Agad din naman siyang huminto sa binabalak niya. Buti naman.

"Kung normal na salo lang sana ang ginawa mo, baka pinaniwalaan pa kita. Kaso tangina naman, Dwight. Kalat kalat na 'yong lipstick ng bwiset na 'yan o! Anong gusto mong isipin ko? Kumalat nang kusa yung lipstick ha?"

"G, please."

"Please ano? Please leave para matuloy niyo yung katarantaduhan niyo? Aba, sige. Take your time. Kalimutan mo na lang din na may asawa ka pang gago ka," galit na galit kong sabi kay Dwight. Sinamaan ko rin ng tingin 'yong babaeng kasama niya na parang tuwang tuwa pa sa nangyayari sa amin ngayon. If looks could kill, kanina pa todas 'tong bwiset na 'to.

I instantly turned around and decided to leave the room nang bigla akong makaramdam ng hilo. Napahawak ako sa cabinet malapit sa pintuan and I immediately felt Dwight's hands supporting me. Pilit ko naman siyang itinulak palayo at pinanlisikan ko siya ng tingin. Slowly, binitawan niya rin ang mga braso ko.

"Are you okay? May nararamdaman ka ba?" nag-aalalang tanong ni Dwight. Hindi ko napigilan ang sarili kong matawa dahil sa tanong niya.

"Gusto mong malaman ang totoo? Hindi ako okay and after this, I will never be okay. And yes, may nararamdaman ako. Galit na galit ako sa 'yo at pakiramdam ko, ang tanga tanga ko kasi naniwala akong magbabago ka. Kung alam ko lang din na ganito, sana hindi na lang ako nagpakasal sa 'yo," deretso kong sagot sa kanya. Nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha sa mga mata ko pero kailangan kong labanan 'to. No, I couldn't appear weak in front of him.

"G naman..."

Hindi ko na hinayaan pang magpaliwanag si Dwight at dumeretso na ako ng lakad palabas ng kwartong 'yon. Kinuha ko agad yung bag ko sa cubicle at naglakad na agad ako papuntang elevator lobby.

I heard Dwight calling me habang pilit niya akong hinahabol sa hallway. Pero kahit anong sigaw niya, hindi ko na siya nililingon pa. Ang dami nang nagbubulungan sa paligid lalo pa't iba na ang itsura ni Dwight. Ang gulo ng buhok at damit niya, may lipstick pa sa labi at pisngi niya.

At that point, I didn't give a damn anymore kung ano man ang isipin nila. They could they that I'm seducing him for all I care dahil hindi rin naman nila alam na kasal na kami. Pwede rin naman nilang isipin na nahuli ko siyang may kinakalantaring iba. Oh wait. 'Yon nga pala talaga ang nangyari sa aming dalawa.

I laughed bitterly at the thought. Para na akong sira na umiiyak at natatawa. And by the time I reached the ground floor, tumakbo na ako palabas ng building at sumakay sa unang taxi na nakita ko.

Moving Into the Monster's HouseWhere stories live. Discover now