Chapter 20

10.2K 203 12
                                    

Pagkatapos ng second honeymoon namin ni Dwight, bumalik na kami sa Manila. At that time, feeling ko, wala na kaming magiging problema. It was as if magiging pabor na sa amin ang lahat. Tanggap na kami ng mommy niya tapos buntis na rin ako. Everything was according to plan.

Unfortunately, some things just don't last.

Dwight and I started fighting over the smallest things. I know, normal naman sa mag-asawa na hindi magkasundo kaso parang lahat na lang ng bagay, pinagtatalunan naming dalawa.

Like that time no'ng nag-iisip kami sa magiging pangalan ng anak namin. He wanted to name our child Moana kung babae tapos Maui kapag lalaki.

"What?! Bakit Moana at Maui? Dwight, wala tayo sa karagatan para pangalanan mo ng ganyan 'yong magiging anak natin," I tried to reason out pero ipinipilit pa rin niya 'yong gusto niya.

"Bakit? Maganda naman 'yong pangalan, ha? Saka nickname lang naman nila 'yon."

I waited for him to explain things. Baka sakaling maganda at unique naman 'yong totoong pangalan. Pampalubag-loob man lang sa nakaiinis na nicknames na naisip niya. Ang kaso, no'ng sinabi na niya 'yong totoong pangalan no'ng dalawa, that's when I lost it.

"Moana is short for Monalisa and Maui is short for Mauricio. Ang ganda, 'di ba?" proud na proud pang sabi ni Dwight sa akin. I clenched my fists in an effort to stay calm pero hindi ko pala talaga kaya.

"WHAT THE HELL, DWIGHT?! There's no way in hell na ipapangalan ko 'yan sa magiging anak ko! Kung 'yan ang gusto mong pangalan, maghanap ka ng ibang aanakan mo!" sigaw ko sa kanya sabay labas ng kwarto.

Then there's this time din na nagtalo naman kami tungkol sa trabaho ko. I was just at my third month of pregnancy tapos gusto na niya akong pahintuin sa pagtatrabaho.

"Dwight, hindi naman sensitive 'yong pagbubuntis ko. Bakit ko kailangang tumigil sa pagpasok?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi talaga ma-gets 'yong gusto niyang mangyari.

"Basta. My decision is final," sagot niya sa akin. Palagi namang ganito. Kapag tinatanong ko siya kung bakit, puro basta lang ang sagot niya. Hindi niya magawang mag-explain o magbigay ng matinong rason.

"Dahil ba kay Courtney 'to? If it's because of her, hindi na niya ako nilalapitan. Sa loob na mismo ng office ng mommy ako nagtatrabaho. Ano pa ba ang ikinakatakot mo?"

"Paano kung bigla ka niyang tisurin tapos mawala si baby?" seryosong tanong niya sa akin. Imbis na matawa ako sa kalokohang naiisip niya, nag-init bigla 'yong ulo ko.

"Seryoso ka ba talaga riyan, ha? Ano bang akala mo kay Courtney, bully sa grade school? Dwight, maging realistic ka naman, please! Hindi porket kaya n'yo kaming buhayin ng anak ko gamit ang pera n'yo, hindi na ako kikilos dito."

"Ah, so doon din pala tayo babagsak. 'Yong pride mo rin pala ang pinaiiral mo. Kaya pala ayaw mong tumigil sa pagtatrabaho," biglang pihit ni Dwight sa sinabi ko.

Napanganga na lang ako dahil doon. Teka nga. May mali ba sa sinabi ko, ha?

"Alam mo, walang patutunguhan 'tong pag-uusap natin na 'to. Mag-usap na lang ulit tayo kapag tapos ka na sa pagiging childish at immature mo," sagot ko sa kanya tapos nilipat ko 'yong gamit ko sa guest room.

Whatever. Siya naman ang mawawalan dito. Kaya kong mabuhay kahit wala siya. Bahala na siya sa buhay niya.

***

Three days have passed at hindi pa rin kami nagpapansinan ni Dwight. I was still pissed by the fact na gusto na agad niya akong tumigil sa trabaho. I mean, okay. Gusto niya lang naman na safe ako and that he meant well pero nakaiinis talaga, e. Kayang-kaya ko pa namang magtrabaho so why the "house arrest", 'di ba?

Moving Into the Monster's HouseWhere stories live. Discover now