Chapter 6

27.4K 569 46
                                    

"Dwight, alam kong kararating pa lang natin dito, pero hanggang kailan ba tayo magse-stay dito?" tanong ko kay Dwight.

Nagulat yata siya sa biglang pagtanong ko kaya hindi agad nakasagot. Aalis na sana ako sa kwarto (tutal magaling lang din akong mag-walk out) no'ng nagsalita siya.

"Magpalit ka ng damit, may pupuntahan tayo."

"Hindi ako magpapalit hangga't hindi mo sinasabi kung saan tayo pupunta," sagot ko sa kanya, while trying my best to maintain my poker face. Langya. Hindi ko naman alam na ganito pala kahirap magpaka-neutral sa kanya. Bakit ba kasi ako nagkagusto sa katulad niya? He's too much for me.

"I guess I have to carry you, then?" sabi niya habang naglalakad siya papalapit sa akin. Sa bawat hakbang na ginagawa niya papalapit, siya namang hakbang ko paatras. Eventually, natigil din 'yong kalokohan namin no'ng nadikit na ako sa pader. Dwight took the last step kaya magkaharap na kaming dalawa. Nakatingin siya nang deretso sa mga mata ko at hindi ko alam kung paano ba dapat mag-react. Feeling ko kasi, parang may sasabihin siya na sobrang importante. 'Yong tipong galing talaga sa puso niya. Oh god. Kung titig pa lang niya, hindi ko na kinakaya, paano pa kaya kapag nagsalita na talaga siya?

"We're going somewhere special and it will give you a piece of me that I haven't told you before," sabi niya sabay tulak sa akin papasok ng banyo. After that, ni-lock na niya 'yong pinto at isinara na niya ito. "Magpalit ka na ng damit. Magpantalon ka para 'di ka kagatin ng lamok. Ayaw kong may kumakagat sa 'yo maliban sa akin," utos niya then I felt my cheeks heating up. Langya. Kahit kailan talaga, ang perv nito!

Pagkatapos kong magbihis ng long-sleeved shirt at maong pants, nagsuot na rin ako ng sneakers at lumabas na ako ng kwarto. Napahinto ako nang nakita ko si Dwight na naghihintay sa tabi ng pinto. Nang nakita niya ako, hinawakan niya agad 'yong kamay ko.

"Let's go?" tanong niya sa akin.

"May choice ba ako?" sagot ko at natawa na lang siya dahil doon.

Sana lang talaga matino 'tong pagdadalhan sa akin ng mokong na 'to!

Sobrang tahimik no'ng biyahe namin papunta sa special place ni Dwight. 'Yong huling beses na ganito kami katahimik sa biyahe ay no'ng nag-away kaming dalawa. Sa ngayon, hindi ko alam kung dahil ba sa excitement o dahil ba sa kaba kaya tahimik ako. Siguro, combination na no'ng dalawa. Either way, gusto ko na lang malaman kung ano ba 'yong sasabihin ni Dwight.

"We're here," sabi ni Dwight no'ng natapos siyang mag-park.

Nanlaki 'yong mga mata ko no'ng napansin kong nasa playground kami. Jusme. Ano bang akala niya sa amin? Five year old kids?

"Bago ka magwala, pakinggan mo muna ako. Dinala kita sa playground na 'to kasi importante 'tong lugar na 'to sa akin," sabi nya sa akin saka kami lumabas ng sasakyan. Umupo kaming dalawa sa swing tapos hinintay ko na lang siya na ituloy 'yong kwento niya.

A few minutes have passed and then, nothing. Tahimik lang si Dwight. Kung hindi lang niya sinabi na tungkol sa past niya 'yong ikukwento niya, iisipin kong inaatake lang si Dwight ng pagiging abnormal niya. Kaso, iba kasi 'yong situation namin ngayon. Seryoso talaga siya so kailangan kong pilitin ang sarili ko na magseryoso.

"Nakilala ko 'yong first crush at first love ko dito," sabi niya tapos may namuong ngiti sa labi niya.

Kung wala na siguro ako sa sarili ko, malamang sa malamang, kanina ko pa nasampal 'tong si Dwight. Ang kapal din ng mukha niyang dalhin ako dito sa special place nila ng first love niya.

Pero naisip ko, she's all in the past. Asawa naman na niya ako ngayon so wala na dapat akong ipag-alala, 'di ba? Oh god. Feeling ko, pinapaniwala ko lang 'yong sarili ko na okay lang ang lahat para hindi ako ma-insecure. Ayaw ko ng ganitong feeling! Gustong-gusto ko nang sumigaw pero hindi ko magawa. Buti na lang, nagsalita na ulit si Dwight.

Moving Into the Monster's HouseWhere stories live. Discover now