Chapter 17

18.3K 307 52
                                    

"Are you ready?" tanong sa akin ni Dwight.

Pagtingin ko sa mga dadalhin naming gamit, nagdalawang-isip ako bigla na umalis.

"Hindi ba pwedeng sa mas malapit na lang tayo pumunta? Kinakabahan talaga ako, Dwight," sagot ko naman sa kanya.

Ibinaba ni Dwight 'yong bag niya sa lapag at naglakad siya papunta sa akin.

"G, alam kong kinakabahan ka dahil sa baby pero nandito naman ako. We're going to make this trip special not just for you but also for our little one," sagot niya sa akin sabay haplos sa may tiyan ko. Well, isa naman talaga sa reasons kung bakit ayaw kong pumunta sa malayo ay 'yong baby. Paano kung may mangyaring masama? Saan kami pupunta? Ang daming tumatakbo sa utak ko and it's already driving me crazy.

"Everything's going to be okay. We're in this together, G. Let's go?"

"Sana nga," sabi ko sa kanya and off to the airport we go.

Naging smooth naman 'yong biyahe namin ni Dwight papuntang General Santos. Dumating kami by three in the afternoon kaya nag-check in na lang muna kami sa hotel para makapagpahinga muna kami. Sa Lake Sebu talaga sa South Cotobato 'yong pupuntahan namin. Sabi ni Dwight, mommy niya raw 'yong namili no'ng pupuntahan namin pero wala pa rin akong idea kung bakit ba ito 'yong napili niyang puntahan namin. Gustuhin ko mang mag-research tungkol sa lugar, sinabi niya lang naman kung saan kami pupunta pagkatapos na pagkatapos ng kasal. So much for surprises and last minute preparations, 'di ba?

"Gusto mo ba munang kumain?" tanong sa akin ni Dwight habang pinaglalaruan ko 'yong remote control. Magse-stay lang talaga dapat kami dito sa hotel kaso habang lumilipas ang oras, lalo lang akong nabuburyo.

"Pwede bang lumabas na lang muna tayo? Ayaw ko namang mag-stay dito hanggang bukas ng umaga. Ang boring-boring na rito, Dwight!"

"Okay lang naman but consider yourself warned. The night's going to be full of surprises," sagot ni Dwight sabay kindat. Ayaw ko mang aminin pero kinilabutan ako sa sinabi niya. No'ng inulit pa niya 'yong pagkindat niya, binato ko na siya ng unan.

"Tigilan mo nga 'yan. Para kang tanga!" sigaw ko sa kanya habang pinipigilan ang sarili ko na awayin siya. Nagtitimpi na rin ako para hindi ko siya sakalin dahil sa mga sinabi at ginawa niya.

"Bakit? Ano na naman bang ginawa ko?" tanong niya sa akin na para bang nagmamaang-maangan pa siya.

"Ugh. Ewan ko sa 'yo! Tara na nga. Nagugutom na talaga ako," singhal ko sa kanya sabay hatak sa kanya palabas ng kwarto. Dahil sa sinabi ni Dwight, feeling ko tuloy hindi ako makatutulog nang matino nito.

The next morning, we just found ourselves on a bus going to Lake Sebu. Sabi ni Dwight sa akin, magsuot daw ako ng komportableng mga damit so sinunod ko na lang 'yong sinabi niya. Natulog din ako buong biyahe at no'ng nagising ako, ang sama ng tingin sa akin ni Dwight. It was as if he was telling me I just missed half of my life dahil sa pagtulog ko.

"Ano na naman bang sinisimangot mo diyan, ha?" tanong ko sa kanya kahit na nasa public area pa rin kaming dalawa. Hindi na kasi ako matahimik dahil sa sama ng tingin niya sa akin.

"Tulog ka lang kasi nang tulog buong biyahe!"

In-expect ko naman na 'yong sagot niya na 'to pero hindi ko mapigilang mabwisit dahil doon.

"Ano namang problema roon, ha? Sa gusto kong matulog, e."

"You just missed everything! Hindi mo nakita 'yong view kanina. Saka paano kung bigla kang mawala? Hindi mo man lang alam kung saan ka dapat dumaan!"

Gusto ko sanang sabihin na alam ko namang hindi niya ako hahayaang mawala pero tumahimik na lang ako. Feeling ko kasi, hindi ito 'yong time para maging cheesy kami bigla. Sobrang seryoso niya sa biyahe naming 'to kahit na wala pa rin naman akong idea kung ano ba ang gagawin namin dito.

"Whatever. Saan na ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya, trying to change the topic at hand.

"Magtse-check-in muna tayo sa resort na pinili ni Mommy tapos pupunta tayo sa famous na Seven Falls dito."

"Okay. Paano tayo pupunta roon sa Seven Falls?"

"Nagtanong ako sa isang manong kanina tapos sabi niya, sasakay daw tayo sa habal-habal. Sabi niya rin, dapat daw i-try natin 'yong zipline doon dahil according to him, it's the highest and longest zipline in the Philippines. Ang exciting, 'di ba?" excited na sabi ni Dwight na parang wala lang sa kanya 'yong zipline. Kaso jusme. Narinig ko pa lang 'yong highest and longest zipline, feeling ko, mahihimatay na ako.

Akala ko ba nandito kami para mag-relax? Then why on earth is tying me on a moving piece of cloth a part of our itinerary?!

"What the hell? Papatayin mo ba ako, Dwight?!" tanong ko sa kanya out of frustration. Alam na alam naman niyang ayaw kong sumakay ng motor at takot din ako sa heights. Gusto niya ba akong mawala sa buhay niya? Kakakasal pa lang namin tapos ganito na agad?

"Sabi ko naman sa 'yo, nandito lang ako, 'di ba? I won't let something bad happen to you nor our baby. G, please loosen up."

"Oh my god, Dwight. Please tell me that I heard the wrong thing. Did you just tell me to freakin' loosen up?"

"G, please."

"No, Dwight. Kung gusto mong i-try 'yong zipline, then fine. Gawin mo. Pero huwag mong i-expect na sasama ako sa 'yo. I'm staying here," sagot ko kay Dwight tapos naglakad na ako papasok ng resort. Nag-check in na rin ako at dumeretso na ako sa kwarto naming dalawa.

Nagkulong lang ako sa kwarto ng ilang minuto nang bigla kong narinig ang pagkatok sa pinto. Since alam ko namang si Dwight lang 'yon, hindi na ako tumayo at hindi ko siya pinapasok. Kasalanan niya rin naman 'to, e. I'll let him have what he deserves.

"G, let's talk. Please," pakiusap ni Dwight pero hindi ako nakinig. Ayaw ko munang makipag-usap sa kanya kasi alam kong ipipilit niya lang 'yong bwisit na zipline.

"G, come on. Mag-usap tayo saka nasa akin pa lahat ng gamit mo. Hindi ko kayang dalhin 'to buong araw," sabi ni Dwight and at that time, I wanted to slap myself for being so stupid. Iniwan ko lang bigla si Dwight at hindi ko man lang dinala 'yong mga damit ko. Valuables ko lang pala 'yong dala-dala ko. Ugh.

"Iwan mo na lang sa labas ng pinto 'yong mga bag," sagot ko habang sinusubukan kong magmatigas pa rin sa kanya.

"We both know that that won't work, right? Come on, G. I love you even if you're stubborn but now's not the right time for that," Dwight said and that's when I knew that I lost.

Nakasimangot akong naglakad papalapit sa pinto at binuksan ko na 'yon sa wakas.

"G, huwag mo na 'tong uulitin. Please lang."

Imbis na sagutin ko si Dwight, umupo lang ako sa dulo ng kama tapos nanahimik na ako. Umupo rin si Dwight sa tabi ko at saka niya hinawakan 'yong kamay ko. Ilang minuto rin siguro kaming tahimik lang na nakaupo roon hanggang sa magdesisyon si Dwight na basagin na 'yong katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.

Sabi niya, maganda naman daw talaga 'yong view kapag pumunta kami sa Seven Falls. Sayang din daw kung hindi namin susubukan 'yong zipline saka 'yong trekking. Sa totoo lang, gusto ko naman talaga sanang gawin 'yong mga 'yon kasama si Dwight kaso may isa talagang bagay na bumabagabag sa akin.

"Dwight, safe ba talaga 'yong mga 'yon? Ayaw kong i-risk 'yong buhay ni baby for that."

"Of course, it's safe. Nag-research na ako tungkol doon at nagtanong na rin ako no'ng bigla mo akong iniwan kanina. Nagtanong din ako kay Marcus since nakapunta na siya dito dati at sabi niya, safe naman daw saka okay daw talaga 'yong experience," sagot ni Dwight sa akin at kahit papaano, nabawasan 'yong kaba ko no'ng narinig kong nagpunta na rin dito sa Marcus. Well, buhay pa rin naman kasi siya ngayon so ibig sabihin, safe talaga rito, 'di ba?

"Fine. Puntahan na nga natin 'yang falls na 'yan nang matahimik ka na," pagsuko ko kay Dwight at niyakap niya ako agad dahil doon.

"Yes! Promise, hindi ka magsisisi sa desisyon mo."

Sana nga. Gusto ko sanang sabihin kay Dwight pero tumahimik na lang ako. Niyakap ko na lang siya and I silently prayed na sana, walang mangyaring masama amin.

Moving Into the Monster's HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon