Chapter 11

20.8K 429 8
                                    

Tahimik akong sumunod kay Martina pagkatapos kong pulutin 'yong mga suot ko kanina. With my life on the line, sa tingin ko, it was pretty safe to keep my mouth shut na lang kaysa mag-comment na naman ako ng kung ano. Pagkatapos bayaran no'ng bruha 'yong pesteng bestida, dumeretso na rin kami sa opisina.

Just what I expected, malaki 'yong opisina nila. If my estimate is right, hundreds of people work here. It didn't help the fact na sinusundan ako ng tingin ng mga empleyado rito habang nakasunod ako sa bruha. Kinakabahan na nga ako at feeling ko, ang nasa isip lang nila ngayon ay may isa na namang kawawang nilalang na pahihirapan nitong babaeng 'to.

"From now on, Georgina will be working with you. Teach her everything that she needs to know pronto," pag-uutos no'ng bruha sa babaeng hindi ko man lang natandaan ang pangalan. Pagkatapos noon, dumeretso na siya sa kwarto niya. Ibinalibag pa niya 'yong pinto para magising ang kung sino man 'yong emplyedong nakatulog na sa tapat ng opisina niya.

"Follow me. Pakinggan mo lahat ng sasabihin ko kasi hinding-hindi ko na siya uulitin. I don't tolerate stupidity and I hate people who commit mistakes. Kung gusto mong magtagal sa trabahong 'to, keep your eyes sharp and your mouth shut. Understood?" sabi ng babae sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "By the way, call me Ms. Courtney. Drop the miss and you'll regret why you ever lived."

Tumango na lang ako kay Ms. Courtney at sinundan siya sa loob ng office. Ipinakilala niya sa akin 'yong head ng departments saka kung ano ba 'yong ginagawa nila sa company. Pagkatapos, tinambakan niya ako ng mga dokumento na kailangan ko raw aralin tapos lumayas na siya. If my guess is correct, kaunti lang naman ang itinanda niya sa akin. Kung bakit first day na first day ko pa lang ay nagpapaka-bitchesa na siya sa akin, wala akong ibang maisip maliban sa inutos 'yon ng bruha. Or maybe she's just really like that.

A couple of hours passed at hindi ko pa rin malaman kung bakit ko ginagawa ang ginagawa ko. Medyo nagkakaroon na rin ako ng information overload at sumasakit na ang ulo ko. Papunta pa lang sana ako ng pantry para kumuha ng inumin nang biglang bumalik si Ms. Courtney mula sa meeting na pinuntahan nila ng bruha. Binati ko siya agad pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Where do you think you're going, huh?" tanong niya sa akin sabay harang sa daraanan ko palabas ng cubicle.

"Kukuha lang sana ako ng tubig. Gusto ko sanang uminom ng gamot, e. Sobrang sakit na kasi ng ulo ko."

"No can do, Georgina. You arrived late for work so your break will be late as well. You could go get your glass of water after two hours. Do I make myself clear?"

"Uhh, I think so," mahina kong sagot sa kanya.

"Good. Now, go back to reading."

Sinunod ko na lang 'yong sinabi ni Ms. Courtney kahit na labag sa loob ko. Kung first day pa lang ng trabaho ko, parang impyerno na, paano pa ako magsu-survive sa susunod na mga araw?

***

Sa bawat araw na lumilipas, patindi nang patindi ang nangyayari sa akin sa opisina. Ms. Courtney wasn't helping either. Parang mas nagbibigay pa nga siya ng rason para mag-quit na ako rito. Lahat na lang ng maisip niyang utos, kahit gaano kaliit o kasimple pa 'yon, ibinibato niya sa akin. Kahit na may housekeeping kami sa opisina, ako ang pinakukuha niya ng kape at pastries. Pinapupunta niya pa ako sa kung ano-anong department only to find out na tapos naman na pala 'yong mga pinakukuha niya. Pinagbubuhat niya ako ng sandamukal na documents sa meetings pero ang ending, useless naman pala lahat ng 'yon.

Honestly, sinubukan ko naman na ang lahat ng pwede kong gawin. Hindi ako pumapatol sa kanya kahit na halatang pino-provoke niya ako. Ginagawa ko lahat ng utos niya kahit na parang sobrang useless ng mga 'yon o kaya naman ay labag sa loob ko. Then came the time when Dwight's path and mine finally crossed.

Moving Into the Monster's HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon