Chapter 3

35.8K 881 30
                                    

The morning after was what I dreaded the most. Sobrang saya ang naramdaman ko kagabi na ang sarap sanang hilinging huwag nang matapos ang gabing 'yon. But all good things must come to an end. Kailangan pa rin naming harapin ang problemang pilit kaming hinahabol hanggang ngayon—ang nanay niyang bruha.

"Good morning, G! Nagbago na ba 'yong isip mo pagkatapos ng nangyari kagabi?" deretsong tanong ni Dwight. Sa itsura niya ngayon, parang gusto ko na naman siyang toplakin bigla. Nagtatas-baba ang mga kilay niya at para siyang tanga. At nakaiirita.

"Ewan ko sa 'yo!" sigaw ko sa kanya sabay hatak ng kumot para matakpan ang mukha ko. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kalokohan niya. Sa kabilang banda, tawa naman nang tawa 'tong hinayupak kong asawa.

"Gusto mo ba talagang tanggalin ko 'yang kumot sa 'yo, G? Sagutin mo na 'yong tanong ko."

"Talaga lang, ha," paghahamon ko sa kanya.

"Kaya ko," matapang na sagot niya.

"As if naman." I tried again pero nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kumot at ang paunti-unting pagbaba n'yon sa katawan ko, alam kong wala na akong lusot dito.

"Oo na, oo na! We'll move into the monster's house. God, I hate you so much!"

"No you don't. Halata naman sa nangyari sa atin kagabi kung gaano mo ako kamahal. But don't worry, mahal na mahal din kita," bulong ni Dwight sa akin na sinundan niya ng ilang mabibilis na halik.

Ay, peste! Wala na ba talaga akong choice?!

***

"Tapos ka na bang mag-impake?" tanong ni Dwight sa akin habang nakasilip siya sa pintuan ng kwarto.

"Uhh, yata? Ewan ko. Hindi ako sure," sagot ko sa kanya.

Pumasok naman nang tuluyan si Dwight sa kwarto para kunin ang mga gamit ko. Nang palabas na sana siya, doon ko naisipang pigilan siya.

"Dwight, hindi na ba talaga tayo pwedeng mag-back out? Parang hindi ko talaga kaya."

Binitawan ni Dwight 'yong mga gamit ko tapos tinabihan niya ako sa kama. Dahan-dahan niyang hinawakan ang mga kamay ko at saka niya ako tiningnan sa mata.

"G, sandali lang naman 'to, e. Ilang araw lang tayo doon tapos babalik din tayo dito. Hindi tayo magtatagal doon," aniya pero alam ko namang pinaniniwala lang din niya ang sarili niya. Kilalang-kilala na namin ang nanay niya at alam namin pareho kung ano ang magiging ending ng kalokohang 'to.

Eventually, umalis na rin kami sa condo ko at dumeretso na kami sa kotse ni Dwight. Tahimik lang kami sa buong biyahe. Siguro dahil na rin sa natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag dumating na kami doon sa bahay ng bruha. Pero ewan. Kinakabahan talaga ako. Alam ko naman kasing hindi talaga ako welcome doon.

Pagdating namin sa bahay nina Dwight, pinagbuksan niya ako ng pinto at hinawakan niya agad ang kamay ko. Alam kong nanlalamig na ang kamay ko pero nang hawakan 'yon ni Dwight, parang feeling ko, bumalik din sa normal ang lahat. Parang bahay lang ng kung sino 'tong pinuntahan namin. Parang wala kaming kahaharaping bruha.

Nang buksan ni Dwight ang pinto ng bahay nila, sobrang awkward ng feeling ko. Nakahilera lahat ng maids nila sa dalawang pila at para bang may hinihintay silang prinsesa. Anong meron?

"Good morning, Sir Dwight and Ma'am Georgina!" pagbati nilang lahat sa amin. Nakangiti silang lahat at hindi ko malaman kung ngumingiti ba sila dahil masaya silang makita kami o kung dahil ba papasok na rin kami sa loob ng impyerno. Well, kung papipiliin ako, mukhang 'yong pangalawang reason ang mas akma sa sitwasyon. Magkaroon ka ba naman ng boss na bruha e 'di parang nasa impyerno ka na rin talaga.

Moving Into the Monster's HouseWhere stories live. Discover now